Rumampa muna siya paharap, pagilid tsaka siya umikot bago tuluyang bumalik sa pwesto. Medyo maitim siya pero maganda. Dalagang Pilipina pero mukha suplada. Sumunod naman 'yung isa.
"Hello, Austrianians! I'm Solaine Sharsha Zeloa, 17, from Fifth Section!" Sigaw niya rin tsaka tinaas ang dalawang kamay.
Gano'n ba talaga dapat? Kapag magpakilala kailangang isigaw ang lahat sa abot ng makakaya niya? Parang lalabas na ang lalamunan niya e. Rumampa pa siya, mas maganda ang rampa niya sa nauna.
"Yakie, ang itim nung ano niya." Bulong sa 'kin ni Vance.
"Ang alin?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa harapan.
"'Yung singit. Nakita ko kanina, ang haba ng slit ng damit niya e."
Binatukan ko nga siya. "Manyak ka! Bakit 'yun pa ang nakita mo? Siraulo!"
"Hindi ako manyak. Nakita lang talaga ng mga mata ko ang hindi dapat makita kaya ganiyan." Ngumisi pa siya.
"Isusumbong kita kay Trina." Pagbabanta ko sa kaniya, nakita ko naman ang paglunok niya. "Trina si Vance nanini— hmm hmm hmm!" Hindi ko na naayos ang sinasabi ko dahil tinakpan niya ang bibig ko.
Pinagtaasan ako ng isang kilay ni Trina. "Bakit? May sinasabi ka?" Tanong niya sa 'kin.
"Hmm! hmm! hmm! hmm! hmm!" Pa'no ko masasabi sa kaniya ang dapat kong sabihin kung tinakpan ni Vance ang bibig ko?
"Wala, wala naman siyang sinabi, Babu. Baka nagkamali ka lang ng dinig." Si Vance ang sumagot saka ngumiti ng matamis.
Umawang ang labi ni Trina at kumibot-kibot pa 'yon, mukhang may sasabihin pa pero tumango na lang siya tsaka nanood ulit. Binitawan naman ako ni Vance. Nagmake-face lang ako tsaka tumingin sa harapan.
"Good evening ladies and gentlemen, good evening Austrianians, a woman in front of you will introduce her self. I... Shikainah Gomez, 17 years of age, from the section you never give a chance to be part of this school, Twenty-third Section!"
Pagkatapos niyang sabihin 'yon, lahat kami ng mga hudlong ay tumayo tsaka naghiyawan. Ang ganda ng pakilala niya, may kakaibang meaning ang sinabi niya. Tama naman siya, hindi naman talaga kami parte ng B.A.U. mga saling-pusa lang kami.
"Wooooh! Shikainah namin 'yan!" Sigaw ni Eiya tsaka niya ako pinaghahampas.
Required ba talagang manghampas kapag sobra na sa tuwa? Kapag ako nanghampas sa kaniya tumba 'to. Grabe pala maging masaya ang babaitang 'to.
"Shikainah, babe! You can do it! Fighting!" Sigaw naman ni Alzhane. Tumingin sa 'min si Shikainah tsaka kumaway, ngumiti pa siya ng matamis.
"Shikainah akin na lang 'yang gown mo!"
"Kay Shikainah lang kakalampag! Ang ganda mo!"
"Sa 'min 'yan! Sa 'min lang 'yan, wala kayong ganiyan!"
Natampal ko na lang ang noo ko dahil sa mga hudlong. Kami ngayon ang pinakamaingay na section. Syempre proud kami kay Shikainah. Ang galing kaya niya.
Bumabagsak na ang mga talukap ng mga mata ko pero pinipilit ko pa ring buksan ang mga 'yon, para kay Shikainah! Para kay hudlong na Xavier! Gising, Heira. Kaya mo pa 'yan.
Ilang beses kong sinampal ang mga pisngi ko para gising ang diwa ko. Umupo na ulit kami dahil tapos na si Shikainah na rumampa. Mas magaling pa rin siya kaysa sa iba. Mukhang sanay na sanay siyang lumakad ng parang kumekendeng-kendeng.
Hikab ako ng hikab habang pinapanood na magpakilala ang mga candidates. Si Madison pala ang nasa Second Section. Sabagay, maganda naman siya, bagay sa kaniya ang suot na make-up niya, ano kayang mukha niya kapag walang make-up?
Mas maganda kasi kapag simple lang.
"I... Madison Canilas, 17, from Second Section, this for us, guys! Fighting!" Pakilala niya kaya naman umugong ang isang malakas na hiyawan.
Edi kayo na ang malakas sumigaw. Syempre sikat si Madison sa university na 'to kaya naman hindi na ako nagtaka pa kung mas malakas ang kanilang hiyaw.
Wala namang percent ang audience impact e, para sa mga judges lang ang mga scores. Sila lang ang gagawa no'n, basta kami, masaya kaming sumali si Shikainah dito, kahit anong mangyari siya ang susuportahan namin.
Pagkatapos no'n ay ang mga lalaki naman ang lumabas. Panlima rin si Xavier. Gwapong-gwapo siya sa suot niyang itim na tuxedo at slacks, isama mo pa 'yung maayos na pagkakagawa ng buhok niya, para siyang artista na galing sa korea.
"Xavier Austine Ferrer is here in front of you. I am 18 years old, from the section na akala niyo magulo pero palagi namang buo, Twenty-third Section!" Pakilala niya tsaka kumaway sa gawi namin.
Hindi lang kami ang naghiyawan para sa kaniya, isasama ko na rin 'yung mga nasa ibang section, nasa ibang grade, nasa ibang pwesto. Lahat sila nag-cheer sa hudlong. Mga hindot kayo.
Nung kay Shikainah, halos isumpa niyo na siya tapos ngayong nakita niyo ang boyfriend niya todo sigaw, hiyaw at hataw pa kayo para lang matignan kayo ng hudlong na 'to?
Asa naman sila. Mabait si Xavier. Pala-kaibigan siya, palaging madaldal kahit saan pa 'yan, kahit hindi niya kilala, kahit ngayong may girlfriend na siya, gano'n pa rin siya pero hanggang kaibigan lang talaga dahil loyal 'kuno siya sa babaita.
"Xavier, gago ang pangit mo, 'dre!"
"Putcha, parang nakababa sa bundok ang gorilla ah!"
"Gwapong-gwapo sa sarili, hindi naman gwapo, mukha kang abnoy, Xav!"
Kawawa naman kayo. Sandali pa kaming mga naghiyawan bago umupo ulit, hindi ko na napigilan ang antok ko, sinabi ko na lang kay Eiya na gisingin niya ako kapag question and answer na ang gagawin nila.
Manalo man o matalo, proud ako sa inyo... mga babaita at hudlong.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 223
Start from the beginning
