Chapter 223

Mula dari awal
                                        

"Ano namang gagawin ko ro'n?" Tanong ko sa kaniya. "Kio, penge!" Baling ko kay Kio tsaka pumalad. May hawak kasi siyang isang malaking chitchirya, hindi marunong mamigay.

Binigyan niya lang ako ng isang piraso. "That's enough."

"Ay, wow. Enough daw, e hindi man lang 'yan aabot sa esophagus ko e." Reklamo ko sa kaniya.

"If you want something like this, then buy." Sabi niya sa 'kin tsaka niya ako tinarayan.

Sundutin ko mata mo e! Damot!

"Malay mo naman kasi manalo ka kapag sinali ka namin do'n." Tugon sa 'kin ni Vance atsaka niya tinaas ang kamay ni Trina. "Ayan. Tapos na, pwede na akong maging tattoo artist." Sabi niya, binaba niya 'yon saka nagpatuloy sa pagtatattoo kuno.

"Kahit na anong gawin mo, hindi ako sasali sa ganiyan." Tugon ko sa kaniya. "Gawan mo nga ako ng ganiyan, Van." Sabi ko pa tsaka hinarap ang kamay ko pero tinampal niya lang 'yon at pilit itinataboy.

"Sabagay, hindi ka talaga pwede ro'n, baka mas lalaki ka pa maglakad kaysa sa mga contestants."

"...Hindi. Kapag kasi sumali ako sa mga ganiyan, panalo na agad ako, talo sila. Kawawa naman kung sasali pa 'ko ro'n." Ngumisi ako sa kanila.

"Ang taas ng pangarap mo, Heira. Halika, isali kita ro'n, kapag nanalo ka, bilhan kita ng isang kahon ng chuckie." Paghahamon sa 'kin ni Trina.

Agad naman akong umiling. "Biro lang, ayaw kong magsuot ng mga ganiyang damit. Okay na 'ko sa mga t-shirt." Bawi ko pa.

"Ayaw mo no'n? Magiging ganap na babae ka na kapag sumali ka sa mga ganiyan." Sabat naman ni Aiden.

"Babae naman ako ah!"

"Hindi nga lang halata." Ani Lucas sa 'kin.

"Atleast babae pa rin ako, mahaba pa rin ang buhok ko."

"Try mong magpagupit, magiging lalaki ka na." Panlalait ng kaibigan kong nadapa sa pulbo.

"Subukan mo muna, Eiya. Kapag maganda ang resulta sayo, edi maganda." Sagot ko sa kaniya, pare-pareho na lang kaming tumawa.

Nagsalita na ang emcee kaya naman tumingin kaming lahat do'n. Pinakilala niya ang mga judges. Tama nga, mga bigatin nga, puro matataba at dambuhala.

Hala, joke lang. Baka bigla na lang nila akong daganan.

"Let's welcome our candidates for our pageant. Face of the night candidate, pasok!" Masiglang sabi nung emcee.

Kita ko naman ang nagsilabasan ang 23 na mga babae. Nasa panlima si Shikainah, nagkabunutan kasi kaya siya nasa unahan. Ang ganda ng ngiti niya, bagay na bagay pa sa kaniya ang suot niyang black long gown niya.

Nauuna ang mga babae. Mamaya pa ang mga lalaki dahil hindi naman sila kakasya sa may stage. Isa-isa silang nagpakilala. Unang una na 'yung babaeng may maatim na nakaraan.

"Piozaina Meladiva, 18, from Eighteenth Section!" Pakilala niya, sobra pa sa sigaw ang ginawa niya, kulang na lang kainin niya na ang microphone.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Tempat di mana cerita hidup. Terokai sekarang