Kumain na lang kami habang hinihintay na may sumagot sa tawag ni Alzhane. Kahit siya hindi rin mapakali sa sa pwesto niya.

"Hello, Hanna?"

Lahat kami tumigil sa mga ginawa namin ng may sumagot sa kabilang linya. Iniloudspeaker niya ang cellphone niya para marinig naming lahat. Si Kenji pa talaga ang nanguna, pinalaki niya ang tenga niya para lang marinig ang boses Hanna.

["H-hello..."]

Nagulat na lang kami ng pumiyok ang boses ni Hanna, kinabahan ako bigla ng marinig ko ang mga hikbi niya sa kabilang linya. Si Alzhane na muna ang kumausap dahil lahat kami nag-aaalala dahil kay Hanna.

"Hey... baby, are you okay?" Tanong ni Alzhane sa kaniya, kita ko ang pag-alala sa mukha niya pero pinigilan niya ang sarili niya.

["Opo. Ayos lang a-ako, 'wag na kayong m-mag-alala pa. B-babalik na rin ako r'yan mamaya."] Tugon niya, alam kong pinipigilan niya ang mga paghikbi niya dahil lumiliit ang boses niya, anong nangyari sa kaniya?

"Gusto mo bang puntahan ka namin, Hanna? Nasa'n ka ba?" Tanong ko sa kaniya, naiinis ako sa tuwing may naririnig akong pag-iyak, pakiramdam ko may hindi magandang nangyayari.

["Hindi na, Ate Heira. Ayos lang, i-ihahatid d-din ako ni Kuya r'yan."] Sagot niya, hindi namin inaasahan na binabaan niya kami ng telepono.

"Anong nangyari sa kaniya?" Tanong ni Eiya.

Nagkibit balikat ako. "Tanungin na lang natin siya kapag nakabalik na siya." Sagot ko sa kaniya.

Nang matapos kaming kumain ay kaniya-kaniya kami ng linis ng mga pinagkainan namin. Nagpahinga lang kami saglit, habang nagpapahinga kami ay hinihintay din namin ang pagdating ni Hanna.

Hindi naman siguro siya iiyak kung walang nangyari 'no? Dalawa lang 'yan, pwedeng masaya ang nangyari o pwede ring... trahedya. 'Wag naman sanang mangyari 'yon. Siya ang pinakabata sa 'min, alam kong mahihirapan pa siyang labanan ang mga problema sa buhay niya.

Pumunta na rin kami ng gymnasium pagkatapos no'n. Hindi namin nakita si Hanna na bumalik ng room pero nagtext naman siya kay Alzhane na kasama niya raw ang pamilya niya, kung ano man ang dahilan, hindi ko rin alam.

Umupo ako sa pwesto ko kanina. Buti na lang wala ng Brazen Cale na nasa tabi ko. Baka kasama niya na ang mga kaklase niyang kanina niya pa inirereklamo dahil daw sa mga bunganga nila. Anong magagawa ko, malakas talaga ang tama nila sa mga hudlong.

Alas syete na ng gabi, mamaya-maya niyan ay mag-uumpisa na ang mga pageant. Hindi namin alam kung sino ang mga judges para rito, pero mukhang mga bigatin na dahil sa ganda ng stage na inayos nila.

Nasa may back-stage na sina Shikainah, tinuturuan ata sila kung paano pumasok sa tugtog at sa mga pwede nilang gawin. Todo suporta naman sa kaniya ang boyfriend niya. Maswerte si Shikainah sa kaniya... maswerte sila sa isa't isa.

"Yakie, dapat pala ikaw sumali ka rin do'n." Sabi ni Vance sa 'kin habang nakaturo sa may stage.

Katabi niya si Trina, kumpara sa ibang mga lalaki na inaakbayan ang mga girlfriend nila kapag magkatabi sila. Siya iba, hawak niya ang kamay ni Trina at saka niya dinodrawingan ng kung ano-ano.

Maputi si Trina kaya naman kitang-kita ang tinta sa kamay niya. Ginawang drawing book. Hindi naman niya sinasita ang boyfriend niya, sinasabi niya pa nga kung anong magandang iguhit e.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now