Mga siraulo ata talaga sila, papaiyakin pa talaga nila si Kenji bago ilabas 'yon, sila na lang ang susuyo, hindi na ako. Basta ako, masaya kong kinakain ang pagkain ko.

Dahil sa pagod kaya siguro parang inaantok ako ngayon. Maggagabi pa lang, hindi pa ako pwedeng matulog dahil inaasahan kami nina Shikainah na manonood sa pageant nila. Dapat kumpleto kami para hindi sila kabahan.

"Kinain mo na, siraulo!" Sabi ko kay Kenji, kanina pa siya lumalantak ng shanghai tapos ngayon maghahanap pa siya.

"Hindi e!" Ngumuso siya. "Dalawa pa ang mga shanghai ko pero tignan mo, Yakie! Isa na lang ang natira!" Maktol niya.

"Kasalanan ba naming nawala ang shanghai mo?" Tanong ni Vance sa kaniya.

"Kinuha niyo ih! Ibalik niyo na ang mahal kong shanghai." Maluha-luhang sabi niya sa 'kin.

"Sinong nakita mong kumuha?" Natatawang tanong ni Xavier tsaka sumulyap sa kaibigan niya—kay Vance.

Ngayon alam ko na kung sino sa kanila ang nagtago ng shanghai niya. Isa sa kanila ang nagtago no'n. Alam na alam na may kalokohang ginawa e. Kita naman 'yun sa itsura niya.

"Hindi ko alam, Xav. Nakita mo ba?" Pumapag-asang tanong ni Kenji.

"Hindi." Sagot ni Xavier sa kaniya. "Baka naglakad na sa labas ang shanghai mo."

"Wala naman 'yung paa, bakit maglalakad?" Takang tanong niya.

"Baka lumipad." Sabat ko. "Manok pa naman 'yun, malay mo buhay pa ang mga pakpak niya." Pagsakay ko sa kalokohan nung dalawa.

"Oo nga 'no! Baka buhay pa si Birdie. Sa'n kaya nagpunta 'yun?"

Natampal ko na lang ang noo ko at natatawang umiling, talagang naniwala siya sa 'kin ah. Naghanap pa siya sa ilalim ng mga upuan. Mukhang gutom talaga si Kenji, nawawala na sa katinuan e.

"Trina, mero'n pa ba tayong shanghai?" Tanong ni Eiya tsaka uminom.

"May tatlong piraso pa naman pero kay Hanna sana 'yun. Baka kasi bumalik siya tapos hindi pa siya kumain." Sagot sa kaniya ni Trina.

"By the way, where is that woman?" Tanong ni Alzhane. "Kanina pa siya wala, hindi pa siya bumabalik."

"Oo nga. Sinundo siya ng kuya niya pero hindi pa siya nakakabalik." Sabat ni Timber.

Magsasalita lang talaga siya kapag nagsalita si Alzhane e 'no? May pinipiling taong pwedeng sagutan, gano'n?

"She didn't even join our dance earlier, she didn't watch either." Sabi ni Elijah.

"Saan kaya sila pumunta, sa tingin niyo?" Tanong ko, lahat pala kami napapansin na nawawala ang presensiya ni Hanna mula kanina pa.

Nagkibit balikat sila. "Hindi namin alam, hindi naman kami hanapan ng batang nawawala." Sagot ni Jharylle, sinamaan namin siya ng tingin. "Biro lang, sabi niyo kanina kasama niya ang kuya niya... baka magkasama pa rin sila hanggang ngayon, bonding ba."

"Tsk. Call her instead of finding he here, kahit alam niyong wala siya rito." Biglang sambit nitong katabi ko kaya naman tumingin kaming lahat sa kaniya.

Tumango naman kami sa kaniya. Bakit ba hindi namin naisip agad 'yun. Kinuha ni Alzhane ang cellphone niya at nagdial. Panandalian naming nakalimutan ang shanghai ni Kenji, mamaya na namin poproblemahin 'yon.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now