"Ano?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "Bakit ko naman gagawin 'yon?" Mataray kong tanong sa kaniya.
"The dare. You still have 6 days to complete my dare." Nakangising sagot niya sa 'kin.
Oo nga pala. Natampal ko na lang ang noo ko at napailing na lang. Bakit ba hindi niya pa nakakalimutan ang pesteng dare na 'yun? Pwede bang kalimutan na lang?
"Wala akong naalalang may dare tayo." Maang-maangang sabi ko sa kaniya at tumingala na lang pala iwasan ang mga tingin niya.
"Walang maalala o ayaw mo lang talaga?" Taas-noong tanong niya sa 'kin at umiling-iling pa. "Tsk, tsk, tsk. That's your dare. Everyone did theirs, be fair, Heira."
Kinamot ko ng marahas ang ulo ko at ngumuso na lang. Nasa'n ba si Kio? Hihingi lang ako ng tulong sa kaniya. Ayaw kong maging alalay ng kumag na 'to.
"Kayden naman ih..." Inis na sabi ko sa kaniya.
"You lose. Kapag hindi mo ginawa ang dare ko..." Pabitinin na sabi niya taka lumapit sa 'kin, bahagya siyang yumuko para magkapantay ang mga mukha namin. "...I will tell everyone that you like me." Dagdag niya, nalaglag na lang talaga ang panga ko at tumingin na para bang hindi makapaniwala sa sinabi niya.
"Ang tigas din naman ng mukha mong gago ka 'no?" Sabi ko sa kaniya.
"No. It's not." Sagot niya sa 'kin at pinitik muli ang noo ko.
"Demonyo ka! Ikaw din naman, sinabi mo rin sa 'kin na..." Hindi ko na masabi ang dapat kong sabihin dahil pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko.
"Hindi kita iiwan, Kayden. Mahal kita... nandito ako sa tuwing kailangan mo ng karamay. Alam kong matatag kang lalaki, pero hindi lahat kaya mong pasanin. Alam kong makakayanan mo rin ang lahat ng iyan—."
"I love you..." Natigilan ako ng marinig ko ang mga salitang iyon. Napangiti ako. Hinalikan niya muli ako sa labi, hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinagdikit ang mga noo namin. "...‘Til the end of time."
"Na?" Hindi makapaghintay na tanong niya at pinalabas ang mga dimples niya. Nag-iwas ako ng tingin, masasapak ko ang bwisit na 'to.
"Wala! Sige na, gagawin ko na ang gusto mo." Pagsuko ko sa kaniya bago ko pa masabi ang hindi dapat masabi, bwisit naman kasi e. Kaasar.
"It's a dare, Heira. Hindi ako ang may gusto no'n." Paglilinaw niya.
"Hindi mo pala gusto bakit mo pa sinabi 'yun!"
"Ay mali, gusto ko pala 'yon, so... you don't have a choice but to do it." Matunog na gumisi siya. Inambahan ko siya ng kaltok pero sinaan niya lang ako ng tingin, naiwan tuloy sa ere ang kamay ko
Dinuro-duro ko na lang ang mukha niyang nakakagigil. Kung pwede ko lang pasabugin 'yun ngayon ginawa ko na. Nakakabwisit siya kahit kailan.
"Basta anim na araw lang! Anim na araw lang!" Pagdidiin ko tsaka ako tumakbo papalayo, iniwan ko na lang siya ro'n.
Mali talaga ang desisyon kong kausapin siya ng kami lang, kulang na turnilyo niya sa utak, nahawaan na nang mga hudlong na 'yun ang sistema niya.
"Anyare 'te? Bakit ka tumatakbo?" Bungad sa 'kin ni Trina.
Hindi muna ako sumagot. Kumuha ako ng plato at naglagay ng pagkain ko. Umupo na lang ako sa tabi niya at inis na kumain ng kumain.
"Nasa'n si fafa Kayden? Akala ko ba magkasama kayo?" Tanong naman sa 'kin ni Eiya.
"Iniwan ko." Simpleng sagot ko sa kaniya.
"Ano?! Ayahaaay! Hindi pa nga nagiging kayo iniwan mo na? Nakakasakit ka na ah!" Sambit ni Xavier.
"King ina... ano nananamang iniisip mo? Iniwan ko siya sa may tambayan, nando'n siya!"
"‘Yon naman pala e. Hindi mo naman kasi agad sinabi. Galit agad e."
"Hayaan niyo na, baka warla sila ni Kayden." Sabi ni Shikainah.
"Nag-away kayo? Akala ko ba mag-uusap lang kayo? Sabi ko namang 'wag kayong mag-aaway e!" Sabi ni Trina tsaka ako bahagyang sinabunutan.
"Do you have a fight with Kayden? If there is any, you should fix and end it immediately, live in peace." Nginitian ako ni Alzhane pagkatapos niyang sabihin 'yon.
"Hindi. Wala kaming away, dahil araw-araw naman 'yon, hindi na matatapos." Sagot ko sa kanila. "Bwisit siya... sarap niyang yakapin ng mahigpit."
Sa leeg.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 221
Start from the beginning
