"Maka-Broccoli ka naman d'yan. Syempre, nasa iisang university lanv tayo, malamang sa malamang magkikita pa rin kami. Tsaka bakit ko ba sasagutin 'yang tanong mo na 'yan, e wala naman—!"

"...Just answer my god-damned question or else... I'll kill that bastard." Dagdag niya pa kaya naman napatalon ako ng wala sa oras.

"Anong sinabi mo?!" Natatarantang tanong ko sa kaniya.

"I can do it, Heira. No one can stop me once I make a decision... that I will never regret." Sagot niya sa 'kin, bumalik ang pagiging seryoso ng mukha niya.

"Siraulo ka ba? Bakit ganiyan ka magsalita?!" Gigil na sabi ko sa kaniya.

"Tsk! I will not do that. Hindi naman ako mamatay tao kahit na mukha akong masama sayo." Sagot niya sa 'kin.

"Buti naman." Tumango ako. "Kasama ko kanina si Cale kasi nga ayaw niya raw nanatili sa mga kaklase niya kasi ang ingay daw nila dahil sa galing niyong kumanta... sumayaw pala." Paliwanag ko, hanggat hindi ko siya nasasagot, hindi niya ako titigilan.

"Uhm.." Tumango siya sa 'kin at hinaplos ang ibabang labi. Umiwas ako ng tingin, talagang hobby niya ang ganiyan 'no?

"Ano? Ayos na? Hindi mo na siya papatayin? Hindi mo na siya tatawaging bastard at Broccoli?"

"I don't know. I can call him whatever I want to call him." Nakangising sagot niya sa 'kin.

"May pangalan kaya siya kaya 'wag mo siyang tatawaging gano'n! Brazen Cale Landon ang pangalan niya. Pwedeng Brazen, pwedeng Cale, kung gusto mo Landon na rin pero 'wag 'yung vegetable, bastard, langaw at Broccoli. Ang sama ng dila mo e!" Sabi ko sa kaniya.

"Tsk. Bakit naman kita papakinggan?" Pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Kasi ikaw pinakinggan kita!" Panunumbat ko sa kaniya.

"Ah, gano'n na pala 'yon?" Sarkastikong tanong niya sa 'kin. "...That when you listen to me, I'll listen to you too?"

"Hindi naman sa gano'n pero parang gano'n na nga." Magulong sabi ko sa kaniya, pati ako naguguluhan sa sinabi ko e.

"What? Anong sinasabi mo niyan?"

"Ang gusto ko lang namang sabihin, dapat tawagin mo 'yung tao kung ano man ang pangalan niya." Paliwanag ko sa kaniya.

"Okay fine." Tinaas niya ang dalawang kamay niya bilang pagsuko.

"Oh, ano? Pwede na ba tayong bumalik sa room? 'Yon lang ba ang sasabihin mo sa 'kin? Gutom na ako e." Hinaplos ko ang tyan kong kanina pa tumutunog tsaka sumimangot.

"Mero'n pa. I have to tell you something." Sagot niya sa 'kin.

"Ano nananaman 'yun? Chikaminute ka rin 'no?"

"Ano?!"

"Ang dami mong chika e." Sambit ko tsaka tumawa ng malakas.

"Tsk." Singhal niya.

"Ano ba 'yung sasabihin mo? Dalian mo na, mag-uumpisa na ulit niyan ang program hindi pa tayo nakakakain." Ani ko.

"Puro na lang pagkain ang sinasabi mo." Sabi niya.

"Ikaw naman, pinapatagal mo pa ang usapan natin! Ang dami mong alam e, pwede namang sabihin mo na agad." Sabi ko sa kaniya.

"Fine... I want you to be my slave starting Monday." Sabi niya na siyang naging dahilan kung bakit namilog na lang ang mga mata ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now