"So... ano nga ang dapat mong sabihin?" Tanong ko sa kaniya bago umayos ng upo.

"Why are you with him again?" Tanong niya sa 'kin, kita ko ang paggalaw ng Adam's apple niya.

"Sino?" Takang tanong ko sa kaniya, marami akong nakasama kanina, buong university pa nga e.

"That... broccoli." Nakangiwing sagot niya sa 'kin, sinipa niya ang isang bato sa lupa, lumipad 'yon papunta sa kabilang lamesa.

"Broccoli?" Tanong ko sa kaniya, wala naman akong kilalang Broccoli ang pangalan. May gano'n bang pangalan? Unique ha.

"Tsk. Si Brazen... Cale. You called him, Cale."

"Ah 'yon, akala ko pa naman sino." Sabi ko sa kaniya bago tumawa ng bahagya. Brazen kasi 'yon, hindi naman Broccoli ang pangalan niya, nakalimutan ata niya ang pangalan nung isa.

"Yes. Siya nga. I saw you, talking to him earlier... while I am singing and trying to catch your attention." Sabi niya tsaka niya marahas na ginulo ang buhok niya.

Natigilan naman ako at napanganga dahil sa sinabi niya. Kumibot-kibot ang labi ko, may gusto akong isagot sa kaniya pero ayaw ilabas ng dila ko. Nakikita niya ba kami kanina ni Cale?

"Pasensya na, binigyan niya lang ako ng tubig kanina kasi hiningal ako kakatalon kanina. Ang galing mo palang kumanta ng gano'n." Papuri ko sa kaniya, nakita ko naman ang matunog niyang pagngiti.

Mga ngiting natural lang, hindi 'yung pilit, hindi 'yung tipid lang. Gano'n ang magandang tignan dahil lumalabas ang mga dimples niya, may bagay niya 'yun kaysa naman sa araw-araw na nakikita kong umiigting na panga.

"I want all my garlic beef.. Pepperoni, double cheese... Oh, picha pie.. Oh, picha pie, penge..." Paggagaya ko sa kanta niya kanina. Napalitan ang ngiti niya ng ngiwi, tumawa na lang ako at hindi siya tinignan, baka akala niya pinagtitripan ko siya.

"Stop it. Iniiba mo ang usapan natin." Inis na sabi niya sa 'kin. "I said, why are you with that damn boy?! Kayo na ba ha?" Dagdag niya pa, medyo lumakas ang boses niya pero hindi ko na lang siya pinansin.

Kung ano-ano nananaman ang iniisip mong abnoy ka.

"'Cause now, I love my picha pie, yeah
As long as I eat picha pie, I know I'll be alive... I want all my garlic beef
Pepperoni, double cheese
Oh, picha pie... Oh, picha pie, penge!" Sabi ko sa kaniya with matching actions pa. Hindi ko naman alam kung paano kakantahin 'yon kaya naman sinabi ko na lang para masaya.

"I said stop it! 'Wag mo na ulit. kakantahin 'yan, ang pangit ng boses mo." Seryosong panlalait niya sa 'kin kaya naman inismiran ko na lang siya, grabe naman makapagsalita ng masama 'to, tagos hanggang kidney.

"I want all my garlic beef
Pepperoni, double cheese
Ang picha pie... Ang picha pie, penge..." Sagot ko sa kaniya tsaka humalakhak at napapalakpak pa, ang sarap kaya niyang asarin lalo na ngayong napaseryoso niya, pati ata buong university gusto niyang ipatibag.

"Aaaaah!" Sigaw ko ng isang iglap, nasa harapan ko na siya, sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin, nasa gilid ko ang mga kamay niya kaya wala akong kawala.

"Sabi ko naman sayong tigilan mo na 'yan, Heira. I'm serious, hindi uubra sa 'kin 'yang mga ginagawa mo."

"Oo nga. Hindi mauulit. Kaya lumayo ka na." Sabi ko sa kaniya at bahagya siyang itinulak, naiatras ko ang ulo ko dahil ramdam ko ang mainit na paghinga niyang sumasagi sa mukha ko.

"Good." Aniya tsaka pinitik ang noo ko. "Ngayon, sabihin mo sa 'kin kung bakit lagi mong kasama si Broccoli?" Lumayo siya sa 'kin pero nasa harapan ko pa rin naman siya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now