Si Hanna naman tinawag siya saglit ng kuya niyang taga-college department. May kuya pala siya, kamukhang-kamukha niya pa.
Parang mga pinagbiyak na bunga. Mukhang mabait 'yung kuya niya pero halatang may pagka-istrikto, parang si Kio lang.
Babalik din daw si Hanna bago kami sumayaw. Pinagtabi na namin siya ng pagkain, baka kasi mamaya pa siya babalik dito sa room namin. Pero baka makikikain din siya sa kuya niya.
Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung nakakatulong ba ako sa kanila o ano dahil wala namang kwenta ang ginagawa ko. Gusto ko lang namang magkaroon ng gagawin kaysa naman sa mainip ako.
Tinanggal ko na rin 'yung mga hikaw kong masakit sa tenga. Nagpakuha lang ako ng tatlong picture tapos sinend na namin kay mommy, dinelete ko rin kaagad dahil mukha akong sabog na puyat sa picture na 'yun. Nakakahiya ang itsura ko, bwisit na 'yan.
"Let's talk." Natigilan ako sa ginagawa ko dahil nagsalita siya... sa tabi ko at hawak ang siko ko.
Taka ko naman siyang tinignan. Kinunutan ko siya ng noo. Akala ko pa naman nasa loob na siya ng room, nandito pa rin pala siya. Hindi pa siya nakakapagpalit, gano'n pa rin ang suot niya.
Nailisya ko agad ang braso ko, parang may bulto ng kuryente ang dumaloy sa kamay ko dahil sa hawak niya. Nakita ko naman ang pagkabigla niya dahil sa ginawa ko.
Tumingin ako sa mga kasama ko na ngayon ay taka ring nakatingin sa 'min. Napalunok ako bago ako sumagot.
"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kaniya bago binitawan ang mga hawak ko.
"Gusto mo ba talagang sabihin ko sa harapan nila?" Tanong niya sa 'kin at tumingin sa mga kasama namin.
"Ge lang. Isipin niyo na lang hindi niyo kami kasama." Sabi ni Trina sa 'min saka nagpatuloy sa ginagawa.
Kinamot ko na lang ang ilong ko. Kahit kailan talaga pahamak. Parang wala lang sa kaniya 'yun ah. Sa daldal niya pa naman, sigurado akong aasarin niya ako kapag narinig niya ang pinag-usapan namin ni Kayden.
Kay Eiya naman tumingin ang isa. Siniko siya ni Trina. Wala na, nagsabwatan na sila. Parang hindi mga kaibigan. Ngumiti ng nakakaloko si Eiya, alam kong may pumasok na nananamang kababalaghan sa utak niya kaya ganiyan.
"Ayos lang sa 'min ni Trina na mag-usap kayo. Kung gusto niyo mang dito kayo mag-usap, ayos lang din, tatakpan na lang namin ang mga tenga namin." Sagot niya tsaka niya tinakpan ang mga tenga niya gamit ang dalawang palad niya.
"Sa'n mo gustong mag-usap?" Tanong ko sa kaniya. "Kung gusto mo, ayos lang naman dito." Dagdag ko pa.
Wala namang masama kung dito kami mag-usap. Kahit na importante pa 'yan, ayos lang dahil makikinig pa rin naman ako sa dapat niyang sabihin sa 'kin. Hindi na ako nagtaka ng hinawakan niya ang braso ko at hinila.
"Go, girl! Lovelife na 'yan!" Pahabol na sabi ko Trina.
"Woooaah! Isha, mag-usap kayo ha! 'Wag kayong mag-aaway. Usap well!" Sabi naman ni Eiya.
Sinamaan ko lang sila ng tingin at tinaas ang kamay ko, kunwari babatukan ko sila. Mga siraulo talaga kahit kailan. Mga walang alam gawin kung hindi kalokohan.
Hila-hila niya ako. Napapaaray na ako dahil sa higpit ng hawak niya sa braso ko. Nagpatianod na lang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa tambayan namin. Binitawan niya ako at pinaupo sa may lamesa.
Tumayo naman siya sa harapan ko at ginawaran ako ng isang makahulugang tingin na para bang may hinahanap na sagot ang utak niya gamit lang ang mukha ko. Inaano ko nananaman ba ang Kulapo na 'to?
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 221
Start from the beginning
