Inabutan niya ako ng tubig kaya naman kinuha ko 'yon, hindi gaya nung dati, ngayon ininom ko na agad dahil nakakapagod din pala kapag nagtatatalon ka habang sumisigaw. Buti na lang hindi ako sumayaw.
Mamaya niyan ubos na ang energy namin dahil dito. Bahala na kung anong gawin namin. Huminto ako saglit at tumayo ng maayos bago uminom. Hindi na talaga ako tatalon niyo.
"Water boy ba kita?" Natatawang tanong ko kay Cale, pinunasan ko ang pawis ng noo ko gamit ang likod ng palad ko.
"What?" Kunot-noong tanong niya. "Me? Water boy?" Turo niya sa sarili niya. "Never." Sabi niya pa.
"Palagi mo akong dinadalhan ng tubig e. Akala ko water boy na kita." Sabi ko atsaka umiling-iling.
"Psh!" He hissed. "Hinihingal na ka nga e, you even accept it. Don't complain kung iinumin mo rin." Sabi niya sa 'kin.
"Bakit ka nandito? Do'n pa sa kabilang dulo ang grade 12 ah?" Takang tanong ko sa kaniya, kung saan ata ako ro'n siya biglang sumusulpot.
"I don't want to sit there. Napakaingay ng mga kaklase ko. Parang ngayon lang sila nakapanood ng ganito." Natawa ako sa kaniya dahil parang nandidiri pa siya habang tinatanaw ang mga kaklase niya.
"Ang sama mo ah. Kaklase mo pa rin naman sila. Pero sabagay, maingay nga sila, mas maingay pa rin naman kami."
"Yeah. I agree, abot hanggang sa pwesto ko ang bunganga mo... I mean ang boses mo pala."
Pinanliitan ko siya ng mata. "Hindi naman malakas ang boses ko kanina ah!" Reklamo ko sa kaniya.
"Hindi raw..." Bulong niya pero narinig ko naman.
♫♪'Cause now, I love my picha pie, yeah... As long as I eat picha pie, I know I'll be alive... I want all my garlic beef.. Pepperoni, double cheese
Oh, picha pie.. Oh, picha pie, penge... ♫♪
"Hindi naman talaga. Kung sino man 'yung naririnig mo, hindi ako 'yun. Baka kaluluwa ko lang."
Tumingin ako sa mga hudlong dahil tapos na pala ang unang kanta nila. Akala ko pa naman sasayaw din si Kayden. Hindi naman pala. Sus, siya lang pala ang kakanta sa kanila e. Binalik sa 'kin ni Alexis ang cellphone ni Eiya.
Hinawakan ko muna 'yon habang pinapanood na maghanda sina Kio, may pangalawa pa pala sila. Hindi ko inaasahan 'yun ah. Kahit hindi ko man lang sila natutukan habang sumasayaw sila, alam kong maayos nilang natapos 'yon.
Tumayo si Kayde saka niya hinubad ang suot niyang tuxedo, natira sa kaniya ay ang puti niyang long-sleeves na dress shirt. Nakatupi 'yon hanggang sa may siko niya, bukas ang mga butones... tatlong butones nila.
Lumakas ang hiyawan ng pumunta siya sa harapan, siya ang pinakagitna. Nginisian niya pa ako. Punyeta, parang biglang uminit ang paligid dahil sa sayaw nila. Pumapanpan pa naman sa mukha niya ang ilang hibla ng buhok niya.
♫♪Aye! aye!
Teach me how to dougie (aye!)
They be like smooth (what?)
Can you teach me how to dougie?
You know why?
Cause all da bitches love me (aye)
All I need is a beat that's super bumpin'
And for you, you, you to back it up and dougie! ♫♪
Mas lumakas ang sigawan sa paligid. Ultimo mga teachers ay napahiyaw na lang din dahil sa galing nilang gumiling. Napanganga na lang ako, ang laswa nilang sumayaw, pero bakit gano'n? Ang ganda pa rin nilang tignan?
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 220
Start from the beginning
