"Bakit? Ano bang sinabi niya sayo?" Ngumisi siya. Nang-aasar talaga e 'no.
Kinamot ko ng marahas ang ulo ko. No choice, kailangan kong sabihin sa kaniya kahit na ayaw kong lumabas ang gano'ng salita sa bibig ko.
"Ano na, Heira? Bahala ka, nanonood pa ako sa mga kasama natin e!"
"Sabi niya, ikaw daw ang nagsabi sa kaniya nung kapag magaling ang performance, hahanap-hanapin ka." Nag-iwas ako ng tingin dahil sa pagtawa niya.
"Tama naman ako ah!" Tumawa pa siya, sinabayan 'yon ni Maurence na ngayon ay nakikinig rin pala sa 'min.
"Tama mo ang paa mo! Kailan pa naging tama ang mga gano'n ha? Ang bata-bata pa no'n tapos gano'n na ang tinuturo mo sa kaniya!" Pinaghahampas ko naman siya.
"Ikaw ang iba ang iniisip e! Aray ko! Sa trabaho kasi 'yon! Aww."
♫♪ Ngayon, ako ay nagipit
Hindi na 'ko stupid person na hindi nag-iisip... Medyo mahal ang picha pie
You can't expect it to be free
That's why I'm saving all my money para mayro'ng pambili... ♫♪
Tumigil ako sa paghahampas sa kaniya. "Sa trabaho?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Oo! Kapag magaling ang performance mo sa pagtatrabaho, maraming maghahanap sayo, maraming makukuha sayo!" Paliwanag niya.
Natampal ko na lang ang noo ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa hiya ko. Mali pala ang iniisip ko sa sinabi niya. Double meaning kasi 'yun e! Nakakainis naman.
"Don't tell me may iniisip kang iba?" Natatawang tanong ni Maurence. "Ikaw ha, bawal 'yan. Pakilinis ang iyong brain." Dagdag niya, sabay pa silang natawa ni Jharylle.
"Bahala kayo sa buhay niyo!" Inis na sabi ko bago ko sila tinalikuran at bumalik sa pwesto ko.
Umupo na lang ako, hindi ko na nakikita ang mga sumasayaw sa ibaba. Bahala na nga! Sa video ko na lang sila papanoorin. Sinabunutan ko ang sarili ko at bumuga sa hangin.
Nakakastress ang mga hudlong na 'to!
"Tayo ka, Heira. I think, Kayden is looking for you." Ani Alzhane, nasa likod ko siya.
Tumayo naman agad ako at tumingin sa Kulapo. Ngumiti ako at nakisigaw na lang sa mga nasa paligid. Ang kaninang walang ganang boses niya biglang lumakas.
Maganda naman ng boses niya, kaso sakop niya ang buong lugar dahil sa lakas no'n. Isama mo pa 'yung pagtugtog niya sa drums. Ayan, parang tanga kaming nagsisitalunan dito.
Kina Adriel naman ako tumingin. Nagtataka nga ako kung bakit sa 'kin sila nakatingin. Si Asher, Adriel, Kio, Kayden at si Chadley. Lahat sila sa gawi ko nakatingin. Anong mero'n?
Hindi naman sa assumera ako pero 'yon ang pakiramdam ko e. Ngumiti na lang ako sa kanila at tumawa habang nakathumbs up. Ipapanalo natin ang concert este ang contest na 'to.
♫♪Ngayon, ako ay ganito
Kung 'di ka Pizza Hut or Shakey's
You're not welcome, ina mo
Ngayon, sa aking picha pie
Ayoko nang mahiwalay
Para sa'yo... Handa 'kong magpakamatay... ♫♪
Sana lahat handang magpakamatay para sa isang tao. Charot. Hiningal ako ro'n ah. Ang gandang tignan ang grupo nila. Kung gagawa siguro sila ng isang boy group, sigurado akong sisikat sila. Bukod sa gwapo, tarantadong talentado rin sila.
"Water?" Nakita ko na lang si Cale na nasa tabi ko, nasa pagitan namin siya ni Eiya.
Parang hindi man lang siya nakita nung kaibigan ko e. Busy siya kakahiyaw, samantalang ang nasa tabi niya hindi mapakali ang mukha niya. Hiyaw kasi ng hiyaw, hindi man lang inalala si Elijah na baka nabibingi na siya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 220
Magsimula sa umpisa
