♪Took all the cash I have, naubos nang lahat
Gusto ko pa ng picha pie ngunit ang pera'y 'di sapat
And I spent, oh, so many nights
Just feeling sorry for myself
It made me cry
Wala na ba 'kong picha pie? ♫♪

"May kasama kami kanina sa banyo, syempre lumabas na sila no'n. Alangang hintayin pa nila ako e hindi naman kami close." Paliwanag ko kay Kenji.

"Edi sana sumabay ka na lang sa kanila nung palabas na sila." Ngumuso siya. "Nagpasama ka pa kay Dadey Asher sa loob no'n. Hindi ko tanggap!"

"Psh! 'Wag ka ngang paranoid d'yan. Para kang baliw e." Sabi ko tsaka tumawa. "Pinapasok ko sa loob si Asher dahil pinapalagay ko sa tenga ko ang mga hikaw ko! Hindi ko alam kung paano ko 'yun ilalagay dahil nakasara na ang butas ng tenga ko." Dagdag ko tsaka ko pinakita sa kaniya ang mga hikaw ko.

"Ang ganda. Pahiram ako mamaya, isusuot ko." Tumawa siya ng nakakaloko habang pinaglalaruan ang mga tenga ko.

"Ayan, kung ano-ano kasi ang pumapasok sa malikot mong utak." Sabi ko sa kaniya, ang daming alam e. "Aray! Masakit, Ji! 'Wag mong gagalawin!" Sabi ko sa kaniya, pinaglaruan ba raw ang mga hikaw ko.

"Akala ko kasi gumagawa kayo ng milagro e. Ano pala ang ipapasok ni Asher sayo na bibigyan niya ng pampadulas para hindi ka masaktan?"

Natigilan naman ako. "'Yang hikaw." Tugon ko. "Teka nga! Kanino mo ba natutunan 'yang mga sinasabi mo ha?!" Inis na tanong ko sa kaniya.

Sumagot ka, Kenji. Kokotongan ko lang ng isang daang beses ang nagturo sayo ng ganiyan. Kebata-bata mo pa, may alam ka na sa mga ganiyan. Bumuga ako sa hangin at naghabol ng hininga, nakakapagod din palang magpasan ng ganitong damulag.

"Kay Jharylle!" Taas noong sagot niya sa 'kin.

Sumama ang mukha ko. "Sa lahat ng pwedeng samahan kasi, bakit 'yung lalaking 'yon pa? Puro mga kalokohan lang ang ituturo niyan sayo." Sabi ko sa kaniya tsaka ko siya binaba.

"Sabi niya kasi sa 'kin, kapag magaling ang performance, hahanap-hanapin ka."

"Ano?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

"'Yun ang sinabi niya sa 'kin." Ngumuso siya. "Hindi ko lang alam kung anong ibig sabihin nung sinabi niya. Ano ba 'yun, Yakie?" Tanong niya sa 'kin.

Umiling lang ako. Kahit alam ko kung anong ibig sabihin no'n hindi ko naman sasabihin sa kaniya. Hayop naman! Napakabata pa ng utak niya tapos gano'n ang ituturo sa kaniya ni Jharylle.

Lumapit ako sa hudlong na 'yon at pinitik ng malakas ang tenga niya. Agad naman siyang napaaray at hinawakan ang tenga niya.

"Aray ko naman. Inaano kita, Heira?" Tanong niya sa 'kin. "Ang bigat pati diliri."

"Anong sinabi mo?" Inis na tanong ko sa kaniya.

"Wala, sabi ko... ang pangit mo. Ang pangit mo na nga tapos bingi ka pa."

"Sasakalin kita kapag hindi ka nanahimik d'yan." Sabi ko tsaka sinamaan ko siya ng tingin.

"Inaano ba kita? Anong kasalanan ko sayo?" Nakangiwing tanong niya.

"Ikaw, pati ibang kalokohan ituturo mo kay Kenji!" Inis na sabi ko sa kaniya, sa sobrang inis ko, muntikan ko siyang mabatukan, buti na lang nakaiwas agad siya.

"Wala ah! Wala akong tinuturo sa kaniyang kalokohan." Maang-maangang sagot niya, alam kong nagsisinungaling siya dahil natatawa pa siya e.

"Sinabi niya sa 'kin na ikaw ang nagturo sa kaniya ro'n na sinabi niya sa 'kin kanina!"

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon