Umiling-iling ako. "Ayaw ko, tara na nga, naririnig ko na 'yung tawag ng emcee e!"
Sumunod kaming dalawa sa paglabas ng mga hudlong. Excited na excited pa talaga sila ah. Pagkapasok namin sa loob ng gymnasium, napapikit na lang ako dahil sa lakas ng ingay. Naghihiyawan sila dahil nag-uumpisa na pala ang contest para sa lima.
Pumunta kami sa pwesto namin. Wala pa nga ay natatawa na ako dahil sa mga sumasayaw. Anak naman ng tokwa, parang nga kawayan, isang pitik lang tutumba na ang mga 'to e.
"Tignan mo 'yung nasa gitna, Yakie. Parang uling." Turo ni Vance sa lalaking nasa pinakagitna. "Gwapo naman niyan. Sheeerep!"
Binatukan ko siya, sabay kaming natawa e. Pumunta na sa baba 'yung kapatid ko, kasama ang mga hudlong. Pinahanda ko naman kay Eiya ang camera niya. Sila na raw pala ang susunod na sasayaw.
Kukuhanan ko raw ng video si Kio, tignan ko kung paano siya mangyugyog ng sanga. Tumawa ako dahil sa naisip ko pero mas natawa pa rin ako sa mga sumasayaw sa gitna. Parang mga macho dancer. Pumapalakpak na lang kami, syemore humiyaw bigla ang mga hudlong.
"Thankyou, Nineteenth Section. That's fantastic." Sabi nung emcee. Sus, sinungaling. Charot.
"Let's welcome! Twenty-third Section!" Sabi nung isa pa.
Syempre nanguna na kami sa paghiyaw. Mga kaklase ko ata ang 'yan! Nagsitayuan ang lahat at parang nakalimutan nila ang galit nila sa mga hudlong. Grabe makasigaw e, abot hanggang sa esophagus.
"Kyaaaah! Kayden, ang gwapo mo!"
"Uy, si Kio honey baby loveeeesss kasaamaaa siya!!"
"Aaaaah, Asher! Sa 'kin ka na lang, hindi ka mauubusan ng kape!"
"Adriel... anakan mo 'ko!"
"Chadley welcome back baby! Ang gwapo mo! Mahal na ata kita!"
Kung pwede lang naming hampasin ang mga nagsisigawan na 'yon, ginawa na namin. Ang iingay e. Nagsipag-upuan na rin naman sila ng mag-umpisang kumanta si Kayden.
Teka, bakit kakanta siya?
♫♪At first, I was afraid to eat a picha pie... Kept thinking, this is not a good
This is a picha pie
And I spent, oh, so many nights
Just eating my tortang talong
And I grew strong... Because of my tortang talong... ♫♪
"Picha pie? Pfffft! Hahahaha! Go, 'dre! Kaya mo 'yan, sige lang my picha pie!" Sigaw ni Xavier, natawa naman ako sa kaniya.
Sa lahat ng pwedeng kantahin, 'yan pa. Sabagay, maganda naman ang kantang 'yan. Nakaupo siya sa isang gilid, aba... ang Kulapo marunong palang tumugtog ng drums ah.
Sina Kio ang sumasayaw sa gitna. Nasa harapan sina Chadley at Adriel. Nasa bandang likod naman sina Kio at Asher. Wala pa nag napapanganga na ako sa kanila. Malambot pa sila sa bulate!
♫♪ Biglang may box from outer space
Nakita ko, sabay kinuha ko 'yung box from outer space... Binuksan ko at nasindak... May picha pie, sobrang laki... Tinikman ko within five seconds... Naubos ko parang mani.. ♫♪
Tumayo kami tsaka namin ni-cheer ang mga hudlong. Nagsama-sama ang lahat ng may pinagpalang mukha. Wala na kayo, talo na kayo, kami na ang panalo. Itsura pa lang, 200% na.
Nakahapit na pantalon sila. Nakasuot pa sila ng polo long-sleeved na kulay black, nakatuck-in pa talaga sila. Nakabukas ang ilang butones kaya kita ang dibdib. Hala, spg. Bawal panoorin.
Kinuha ko ang cellphone ni Eiya. Hindi niya naman maayos ang video dahil panay ang pagtawa niya e. Gulo-gulo na, baka mahilo lang si mommy kapag pinanood niya 'yon.
"Pakivideohan nga sa, Alexis. Salamat." Sabi ko sa katabi ko. Tumango naman siya at kinuhanan ang mga sumasayaw.
♫♪Ngayon, ako ay ganito
Kung 'di ka Pizza Hut or Shakey's
You're not welcome, ina mo
Ngayon, sa aking picha pie
Ayoko nang mahiwalay
Para sa'yo... Handa 'kong magpakamatay... ♫♪
Tumingin siya sa 'kin habang kinakanta ang lyrics na 'yon. Inismiran ko siya at nagthumbs up, para kaming tangang nag-uusap lang gamit ang utak naming dalawa.
Tumingin ako ulit kina Kio na ngayon ay nagpapalit-palitan ng pwesto. Bagay na bagay sa kanila ang suot nilang 'yun. Parang mga artista sila sa ibang bansa dahil sa suot nila.
"Yakie!"
"Ay, picha pie!" Gulat akong tumingin sa batang kumag, bigla na lang kasi siyang sumakay sa likod ko. Tumawa siya ng malakas.
"Picha pie ka pala ah?"
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 219
Magsimula sa umpisa
