"Why? Why can't you tell me what happened? Why don't you want to tell me why you got that wound?" Seryosong tanong niya kaya naman parang umurong ang tapang at dila ko ngayon.
"...I know Asher already knows what happened to you, you told him about it pero sa 'kin hindi mo masabi." Nakangiwing dagdag niya.
"So, anong pinapatunayan mo?" Paghahamon ko sa kaniya. "Tapos na rin naman e. Nagilitan na nila ang panga ko, bakit ko pa sasabihin sayo?"
Wala ka rin naman kanina. Si Asher lang naman ang nakakita sa 'kin. Tsaka isa pa, ayaw kong magmukhang paimportante sa harapan niya. Isang sugat lang naman 'to. Hindi naman ako nabawasan ng laman-loob.
"Damn, Heira." Inis na sabi niya. "All I want is to know what happened to you so that I can do anything about it, why the hell is hard for you to tell me!" Napaatras ako ng lumakas ang boses niya.
"Tsh! Kayden naman. 'Yan ka nananaman e. Bigla ka na lang maninigaw. E sa hindi ko alam ang kung saan ako mag-uumpisa e!" Sabi ko sa kaniya tsaka ako sumamingot.
"Start from the start."
Ngumiwi ako. "Alangang mag-umpisa ako sa huli? Isip mo may sipon." Sabi ko sa kaniya.
Inabahan niya ako ng suntok pero nakailag naman ako. Alisto kaya ako. Ngumuso ako at kinamot anong batok ko. Pareho lang naman ang sasabihin ko sa kaniya pati kay Asher e.
"Naghihilamos ako no'n tapos nagtototoothbrush. Tapos pumasok sina Madison kasama 'yung mga alipores niyang mukhang clown." Panimula ko.
"Madison?"
"Oo," tumango ako. "Yung queen bee ng university na 'to." Sagot ko sa kaniya, hinaplos niya ang ibabang labi niya atsaka tumango, nag-iwas ako ng tingin. Bakit ba ang gwapo niya kahit na napakaseryoso niya?
"...Sinisisi nila ako kung bakit daw hindi na sumasama sa kanila si Shikainah, syempre pinagtanggol ko ang sarili ko tapos nainis ata kaya naman ito ang ginawa nila sa 'kin." Turo ko sa gasa sa pisngi ko.
"Yan lang ang ginawa nila?" Seryosong tanong niya tsaka tumikhim.
"Oo, ito lang." Sagot ko sa kaniya, pinanood ko siyang lumapit sa 'kin.
"Then... why the hell you have this, and this and this!" Turo niya sa mga pasa at sugat sa pisngi ko.
Oo nga pala. Nanatak 'yung sampal sa 'kin ni Madison kanina. Bakit ko ba nakalimutan ang nangyaring 'yun? Sinikmuraan pa nga nila ako e. Lumunok muna ako at hinaplos ang mga sinasabi niyang sugat ko. Napadaing na lang ako ng maramdaman ko ang hapdi sa gilid ng labi ko.
"Ah.. ano, bakas lang 'yan nung hinahawakan nila ako ng mahigpit sa panga." Sabi ko sa kaniya tsaka patalon na bumaba sa sink. "Tara ns nga. Baka mahuli pa tayo e!" Sabi ko sa kaniya tsaka ko hinila ang palapulsuan niya.
Lumabas kami ng banyo at dumeretso muna sa room namin. Nadatnan namin ang mga hudlong ba nag-aayos ng kani-kaniya nilang mga sugot. Nagpapatirintas pa 'yung iba dahil mahaba na ang buhok nila.
Umupo ako sa isang upuan at saka ko sila pinanood. Nilapitan naman ako ni Eiya. Sinipat-sipat niya ang mukha ko, nalamutak naman ang mukha ko dahil sa pagtataka sa ginagawa niya.
"Tutuloy ka pa ba?" Tanong niya sa 'kin.
"Oo naman, bakit naman hindi? Sayang naman ang mga pinractice natin kung hindi ko ipapakita." Ngumisi ako.
Hinampas niya naman ang braso ko, tumawa na lang ako kahit na masakit ang ginawa niya. Ang bigat ng kamay kahit kailan, hindi na nagbago.
"'Yang sugat mo, baka sumakit lang 'yan. Ayaw mo bang magpahinga na lang?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 219
Magsimula sa umpisa
