"What happened to your face?" Tanong niya sa 'kin, ramdam ko ang hininga niya sa may tenga ko.

Napaglapat ko na lang ang dalawa kong labi. Kaya nga kanina pa ako nakayuko dahil ayaw kong makita niya ang mukha ko... ang gasa, at ang sugat ko.

Sobrang lakas ng kalabog ng puso ko dahil sa lapit niya sa 'kin. Kung ako lang ang masusunod pwede ko siyang sipain sa ilalim, tignan na lang natin kung hindi siya mamilipit sa sakit. Pero hindi ko naman gagawin'yon, kawawa ang mga magiging anak niya.

"Ah, ano... wala 'to, dalian mo, ilagay mo na lang 'yan, 'wag na maraming tanong." Sagot ko sa kaniya.

Dahan-dahan niyang pinasok ang hikaw na hawak niya. Buti naman maingat siya. Hindi mabigat ang mga kamay niya kaya hindi naman 'yon masakit. Mananalangin na lang ako na sana 'wag mamaga ang tenga ko dahil sa hikaw na 'to.

Baba na sana ako ng sink pero bigla siyang humarang sa harapan ko. Napagdikit ko ng wala sa oras ang mgs hita ko. Hindi naman sa ano pero naiilang ako sa Kulapo na 'to. Kaming dalawa lang nandito sa loob e.

Hinawakan niya ang mahigpit ang panga ko. "Aray, ano ba! Masakit!" Daing ko, bigla ba raw pinisil..

Nanginig ang kalamnan ko. Kakalinis pa lang nito e. Kakaalis pa lang ng hapdi tapos heto nananaman. Tinatampal ko ang kamay niya pero hindi niya inalis.

"What is this?" Tanong niya, binitawan niya ng pabigla ang panga ko kaya naman napatagilid ko ang mukha ko.

"Sugat lang 'yan." Sagot ko habang nakayuko, pinaglalaruan ko ang mga daliri ko sa kamay.

"I know. Alam kong sugat 'yan, 'wag mo akong pilosopoin." Sagot niya, sumandal siya sa may gilid ng pintuan ng isang cubicle, matalim ang titig na ginawad niya sa 'kin.

Pinagkrus niya ang mga braso niya at pabalik-balik ang tingin niya sa sugat ko sa panga at sa mga mata ko. Kinunutan ko naman siya ng noo at nilabanan ang mga tingin niya. Akala niya hindi ko siya kaya ah!

"Explain." Mariing sabi niya.

"Anong ipapaliwanag ko sayo?" Matigas na tanong ko sa kaniya.

"About that."

"Oh, anong sasabihin ko naman sayo?" Nakangising sabi ko sa kaniya.

"Heira, I'm talking seriously here." Parang napipikang sabi niya.

"Seryoso rin naman ah! Sino bang nagsabing hindi ako seryoso sa pakikipag-usap sa—!"

"Answer me! God-damned!" Singhal niya.

"Oo na nga e. Eto na oh, galit ka naman agad." Sabi ko, hindi ko na mapigilang matawa.

Mas sumama ang mukha niya. Namumula ang buong mukha niya. Halata patay! Wala naman akong ginagawang masama, sinasagot ko lang ang mga tanong niya.

"Ganito kasi kasi 'yan." Sabi ko tsaka ako nagseryoso pero hindi ko pa rin talaga mapigilan ang pagtawa ko, tinakpan ko saglit ang bibig ko at kinalma ang sarili ko.

"...Una sa lahat, bakit ko kailangang sabihin sayo kung anong nangyari?" Seryosong tanong ko sa kaniya, wala naman siya kanina e.

Tsaka tapos na rin naman ang lahat. Palagi nilang tinatanong sa 'kin kung sino ang gumawa nito, kung ano ang totoong nangyari, kung bakit nangyari 'to. Ano bang magagawa nila? Gaganti sila gano'n?

Kung gaganti lang sila, hindi ko na lang sasabihin sa kanila. Tapos na rin naman, nasugatan na rin naman ako. Mawawala rin ang sugat na 'to. Kapag gumanti sila, malamang gaganti rin 'yung kabila, hindi na matatapos ang gulo na 'to.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now