Nilapitan ako ni Kenji, humagikgik kaming pareho atsaka inasar si Kayden kahit hindi niya naman kami nakikita. Nakatingin lang siya kay Asher habang salubong ang kilay.

"Wag!"

Nagulat kaming pareho ni Kenji ng itaas niya ang kamao niya sa ere. Napapikit na lang ako at hinihintay na magkaroon ng rambol dito. Malay mo naman, 'diba? Pero ilang minuto akong nakapikit wala akong narinig na kahit na ano.

Binuksan ko ang isang mata ko, napangiwi na lang ako ng makitang tinatapik ni Kayden ang balikat ni Asher na ngayon ay nakangiti lang sa isa. Pa'no niya nagagawang ngumiti kung gano'n na ang sitwasyon?

Kung ako siya baka naihi na lang ako sa takot sa kaniya. May kung anong binulong si Kayden sa kaniya pero hindi ko narinig, panay kasi ang pagsasalita nitong katabi ko. Parang walang nangyari ah.

"Let's go." Aya sa 'min ni Kayden.

"Sa'n tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya.

"The program is starting. Pumunta na tayo ro'n bago pa masira ang araw ko." Masungit na sabi niya.

Nagpauna siyang naglakad pero hindi ako... kami ni Asher, hindi kami sumunod sa kaniya. 'Yung alalay niya nakasunod sa kaniya. Mukhang natunugan niya na hindi pa kami gumagalaw kaya naman lumingon siya sa 'min.

"What the hell are you waiting for? Ano, tutunga na lang kayo r'yan?" Inis na tanong niya.

"Teka lang naman kasi, Kayden. Ipapalagay ko lang kay Asher itong isa kong hikaw!" Sabi ko sa kaniya bago ilagay sa palad ni Asher ang isa.

Napakamainipin kasi niyang nilalang. Parang konting sandali lang hindi niya magawa. Buti naman parang nakaligo na siya, hindi na namin siya kailangan pang hintayin.

Hindi ko siya nakita kanina sa room, baka sa ibang building siya naligo. Lumapit siya sa 'kin at hinablot ang kamay ko. Kinuha niya ang hikaw na dapat kay Asher ko iaabot. Ngumiti lang sa 'kin si Asher.

"Mauna na ako sa room. I'll wait for you." Aniya tsaka lumabas.

Magsasalita pa sana ako pero mabilis siyang nakaalis. Kumibot-kibot na lang ang nakaawang kong labi. Kung si Kayden lang din naman ang maglalagay ng hikaw ko, 'wag na lang, baka tanggalan niya na ako ng tenga.

"Ah..." Panimula ko. "Wag mo ng ilagay 'to. Punta na tayo ro'n, sabi mo nag-uumpisa na ang program." Sabi ko, hindi ako makatingin sa kaniya.

"‘Wag ilagay? It doesn't look good kung isa lang ang nasa tenga mo." Sabi niya at hinawakan ang siko ko at binalik sa pwesto ko, paalis na ako e. Iniwan ako ng batang hapon dito kasama ang Kulapo na 'to.

"Hayaan mo na, ayos na 'to. Hindi naman talaga ako naghihikaw e." Tugon ko sa kaniya at humakbang pero hinila niya ulit ako.

"No. Bakit mo pa inilagay 'yang isa kung ayaw mo pala na magsuot niyan? Do you want me to call Asher to put your earring?" Nanunuyang sabi niya.

Humalukipkip ako. "‘Wag na. Ayos lang ako... ang ibig kong sabihin, ayos lang naman kahit hindi ko na ilagay 'to, tatanggalin ko lang." Sabi ko sa kaniya.

Nakahinga ako ng maluwang ng makahakbang ako ng tatlong hakbang. Akala ko nakakalabas na ako rito, nagkamali ako. Napatili na lang ako ng bigla siyang sumulpot sa harapan ko.

Binuhat niya ako na parang isang sako ng bigas. Pinaghahampas ko lang ang likod niya at pumayagpag sa ere ko gamit ang mga paa ko. Kinurot niya ang tagiliran ko kaya naman tumigil ako. Pinaupo niya ako sa sink at kinuha ang hikaw ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now