"Ipapasok mo talaga 'yan sa 'kin?" Nanlaki ang mga mata ko, boses 'yon ni Yakie!
Teka, anong ipapasok sa kaniya?
Tinapat ko ang tenga ko sa pinto para pakinggan ang pinag-uusapan nila. May kasama ba siya sa loob? Baka kung ano na ang ginagawa niya sa Yakie ko!
"Yes... ipapasok natin. Hindi naman kasi matatapos 'to kung hindi ko ipapasok sayo." Mas nanlaki ang mga mata ko dahil narinig ko ang boses ni Dadey Asher sa loob! Magkasama sila?
Anong ipapasok niya kay Yakie?
"Bakit ba kasi ang laki niyan e! Nakakatakot." Narinig kong sabi ni Yakie.
Anong malaki?
Nagmimilagro ba sila sa loob? Patay! Bakit ba ako nandito sa labas ng banyo na 'to. Kenji, patay ka kay Yakie kapag nalaman niyang nakikinig ka sa usapan nila. Pero dapat kong pigilan ang ginagawa nila!
Oo tama!
Bawal pa si Yakie. 18 na siya pero bawal pa rin siya sa gano'n. Inilapit ko pa rin ang tenga ko sa pinto. Yari niyan si Dadey Asher kay Kenji pati kay Kio. Galit din ako sa kaniya! Bawal 'yung ginagawa niya.
"Bakit ba kasi kailangan pang ipasok? Masakit e!" Reklamo ni Yakie.
Bakit masakit kapag pinasok?
"Don't worry... may ilalagay akong pampadulas para hindi ka masaktan." Sagot ni Dadey Asher.
Anong pampadulas? Para saan? Bakit gagamitin 'yon para hindi masaktan?
Hala! Baka kung ano na ang ginagawa ni Dadey Asher kay Yakie. Hindi ko 'yon matatanggap. Ayoko pang magkaroon ng pamangkin. Bawal pa sila! Bubugbugin kita kapag nakalabas ka rito, Dadey Asher.
"Kapag nilagyan mo ng pampadulas hindi ako masasaktan?" Tanong ni Yakie.
"Yes. I'll slide it on that hole ng dahan-dahan lang." Sagot ni Dadey Asher.
Anong butas ang dapat pasukan?
Hindi ko na kaya 'to! Bawal kong marinig ang mga tunog na gagawin nila! Aaaah! My virgin ears! My innocent ears! Yakie, I hate you!
Sakto namang nakita ko si Kayden na papunta sa gawi ng room namin. Tama, siya lang ang makakapagpatigil sa kanila. Mas bagay pa rin silang dalawa ni Yakie. Mas gusto ko pa ring magkaroon ng pamangkin sa kaniya para maganda ang lahi.
Tumakbo agad ako sa gawi niya. Tinawag ko siya kaya naman huminto siya sa paglalakad. Hindi siya umuwi sa room namin kagabi ah. Ang sama niya, pero mamaya ko na iisipin ang hate ko sa kaniya.
"What?" He asked.
"Kayden, si Dadey Asher at Yakie nagmimilagro sa may banyo." Hinihingal na sabi ko sa kaniya.
Nalaglag ang panga niya dahil sa sinabi ko. Oo, tama 'yung narinig mo.
Hinawakan ko ang palapulsuan niya at hinila siya kaagad. Patay na kapag nagawa na nila ang milagro. Inamoy ko ang kamay ni Kayden. Wow ang bango.
"What are you doing?" Tanong niya sa 'kin.
"Inaamoy ko, ang bango e."
"Tsk. Stop it. You're not a dog."
Tumigil kami sa tapat ng banyo. Nginuso ko ang pinto pero gano'n din ang sinenyas niya sa 'kin. Ayaw ko namang gawin 'yon, magagalit sa 'kin si Yakie kapag ginawa ko 'yun.
"Asher... 'wag, dahan-dahan lang ah. Alam kong masakit kapag pinasok mo na sa 'kin 'yan."
Parehas kaming napalingon ni Kayden sa banyo. Nakita ko ang agad na pagsalubong ng kilay niya at kunot na kunot ang noo niya. Kumuyom ang mga palad niya kaya lumayo ako sa kaniya. Hala, galit na!
"This is your first time, right?" Tanong ni Dadey Asher.
Napalunok ako dahil biglang namula ang mukha ni Kayden, napapikit siya at ramdam ko na ang nag-aapoy na galit niya. Lalayo na talaga ako, ayaw kong madurog ang magand akong mukha.
'Wag ka ng lalabas sa banyong 'yan, Dadey Asher. Kapag ginawa mo 'yun, hindi ka na talaga makakabalik d'yan. May butong pakwan at kape na mamayang gabi. Ako na ang bahala sa mga candy. Pwede na siguro 'yung maxx 'no?
"Oo, unang beses ko 'to, Ash. Dahan-dahanin mo lang, ayaw kong masaktan, baka hindi na natin maulit 'to kapag nasaktan ako." Sabi ni Yakie tsaka tumawa.
Anong unang beses? Tsaka bakit pa nila uulitin 'yon?
May round 2?
Aaaaah! I kennat! Hindi ko na kaya 'to, hindi na kaya ng tenga ko. Kenji, alis na. Isipin mo na lang wala kang narinig. Ngumuso ako. Nakakaasar naman kasi ang mga tawa ni Yakie ih!
Ha! May patawa-tawa ka pang ginagawa ah. Patay ka mamaya kay Kio at Kayden niyan. Hindi kita isasalba sa kanila kung may pagkain kang ibibig, why not 'diba?
"Yes. I know it. Don't worry, I'll be gentle." Boses ni Dadey Asher.
Pinikit ko ang mga mata ko, hala ayaw kong marinig ang gagawin nila. Ay mali, dapat pala tenga ang tinakpan ko. Wala naman akong nakikita sa kanila e.
"Ah... Asher, masakit."
Napatalon ako ng sipain si Kayden ang pinto. Gumawa 'yun ng isang malakas na ingay. Ito na, ito na ang world war iii. Sabong na 'to, si Kayden ang manok ko.
________________________________
HEIRA'S POV
"Yes. I know it. Don't worry, I'll be gentle." Sabi sa 'kin ni Asher, kanina niya pa ako niloloko-loko e.
Kinuha niya ang hikaw ko at nilagyan ng pampadulas ang dulo no'n, 'yun 'yung parang manipis na bakal na ipapasok sa butas ng tenga ko. Hindi ko na uulitin 'to, bahala ka na mommy.
"Ah... Asher, masakit." Daing ko sa kaniya ng ipasok niya 'yun, king ina nagsasara na ata ang mga butas ng tenga ko.
Nagulat na lang kaming pareho ng biglang bumukas ang pinto at iniluwal no'n si Kayden, talagang lumitaw pa siya sa gitna ng sikaw ng araw. Parang may na paparating tuloy na anghel.
Gano'n pa rin ang posisyon namin ni Asher ng tignan namin siya ng may pagtataka ang mukha. Nakahawak si Asher sa isang tenga ko, tinabingi ko naman ang ulo ko para hindi siya mahirapan.
"What the fuck are you doing?!"
ESTÁS LEYENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Novela JuvenilPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 218
Comenzar desde el principio
