Aalis na sana ako ng mahulog sa sahig ang isang box. 'Yun 'yung mga hikaw na binili ni monmy sa 'kin. Huminga ako ng malalim at bumuga sa hangin.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, ayos naman ang mukha ko, bakit ba kasi kailangan ko pang suotin ang mga 'to? Ang arte naman kasi ni mommy e.
"Ang hirap naman kasi nitong isuot. Pa'no ba 'to?" Bulong ko sa sarili ko.
Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko sa salamin habang sinusuot ang hikaw. Hindi ako marunong maglagay nito, unang beses kong magsuot nito.
"Heira..." Kumatok si Asher sa pinto. Wala namang ibang tao rito kung hindi ako. "Are you done?" Tanong niya.
"Oo, Asher. Pasok ka muan, tulungan mo muna akong isuot 'tong hikaw ko!" Sigaw ko sa kaniya.
"Uh... Is there anyone else with you?" Naiilang na tanong niya.
"Walang tao rito kaya hindi ako makahanap ng pwedeng hingan ng tulong." Nakatagilid ang ulo ko at pinipilit na ilagay sa butas ng tenga ko ang hikaw.
"Heira..." Tawag niya, nagtataka nga ako kung bakit parang kinakabahan ang boses niya.
"Ilalagay mo lang, Ash. Lalabas na rin naman niyan tayo kapag katapos ko rito." Sabi ko sa kaniya. "Hindi ako marunong magsuot nito e." Sabi ko sa kaniya.
"Okay." Sagot niya.
Papayag din pala, ang dami pang sinasabi.
________________________________
KENJI'S POV
"Zycheia!" Tawag ko kay mabungangang amazona.
Lahat naman pala sila mga amazona. Humagikgik ako. Ako lang ang may alam no'n. Sa utak ko 'yon ang tinatawag ko sa kaniya. Palagi na lang kaya siyang sagabal sa 'kin. Palaging nagrereklamo, buti pa si Yakie hindi.
"Napa'no ka nananaman?" Tanong niya, wala pa nga akong sinasabi pero galit na agad siya. Ewan ko sa pastillas na 'to, panay ang salubong ang kilay niya pagdating sa 'kin.
"Nasa'n si Yakie?" Tanong ko sa kaniya, inagaw ko ang salamin na hawak niya. Suot ko kasi ang uniform namin sa pagsasayaw. "Ang gwapo ko talaga!" Sabi ko sa sarili ko, kinagat ko ang labi ko.
Grabe, sumusobra na ako sa kapogian. Kailangan ko ng mamigay. Para naman lahat mabigyan. Sayang naman kung ako lang mag-isa ang gwapo sa mundo.
"Nasa cr. Nagpapalit ng damit." Sagot niya, napasimangot ako ng kunin niya ang salamin. Tinitignan ko pa ang mga kissable lips ko e. "Tawagin mo na nga, kanina pa siya nando'n e. Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya e." Sabi niya.
"Oo nga pala, Kenji. Nasa cr sila, mag-uumpisa na ang program." Sabi naman ni Vance mabaho ang utot.
Tumakbo ako palabas ng room. Ang pangit kaya ni Yakie kapag may sugat ang mukha niya. Kahit na palagi akong sinasaktan nung babaeng 'yon, ayoko pa ring nasasaktan siya. Ang pangit niya e.
Huminto ako sa tapat ng banyo para sa mga babae. Nakasara ang pinto e. Akmang kakatok na ako ng may marinig akong mga boses sa loob no'n.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 218
Magsimula sa umpisa
