Pumasok kami sa loob, nandito 'yung ibang mga hudlong, baka nasa banyo na 'yung iba, hindi naman sila pwedeng magsabay-sabay sa pagligo e.
"Do you mind if I ask you about what happened earlier?" Tanong niya sa 'kin sa kalagitnaan ng pagkain namin, inabutan niya ako ng isang bote ng mineral water pero hindi niya pa 'yun binuksan.
Sumubo muna ako, dahan-dahan kong nginuya 'yon. "Oo naman." Sagot ko saka tumango. "Tutal ikaw lang naman ang nakakita sa 'kin do'n kaya ayos lang." Ngumiti ako at nagthumbs up.
Nginitian niya rin ako na para bang naninigurado na tama ang mga sasabihin niya... tamang salita ang gagamitin niya.
"Who did that to you?" Paunang tanong niya sa 'kin at nagpatuloy sa pagkain.
Bumagal ang pagkain ko at tumingin sa harapan. Pinatong ko ang siko ko sa lamesa. Hinawakan ko ang dulo ng kutsara ko tsaka nag-umpisang magkwento sa kaniya. Siya lang ang nag-iisang tao na naghanap sa 'kin kanina.
"Kakagising ko lang no'n. Ginising ako ni Kenji. Nagpunta ako sa banyo, naghilamos tapos nagtoothbrush." Paunang kwento ko.
"Can you move forward. 'Yung mga oras na sinugatan ka na." Sabi niya sa 'kin bago siya uminom.
"Sige." Umayos ako ng upo. "Ganito kasi 'yan. Palabas na kasi ako ng banyo no'n kaso biglang dumating sina Madison. Kasama niya 'yung mga alipores niya tsaka 'yung... 'yung mga lalaking nakaaway natin dati sa likod ng building 2!" Sabi ko, naitaas ko na 'yung isang kamay ko na parang may naisip na isang ideya.
"Sila nananaman?" Nakangiwing tanong niya. "Obviously. They are the one who always making some bullshits and then when the time that someone caught them, they always telling different story. Damn them." Dagdag niya pa at nagsalubong ang kilay nila.
"Bakit parang mas galit ka pa sa kanila kaysa sa 'kin?" Natatawang tanong ko sa kaniya.
"Tsh. Continue your story. I'll listen."
"Tapos bigla na lang silang nagalit sa 'kin, hindi ko nga alam kung bakit bigla na lang nagkagano'n pero nasa isip ko ay 'yung tungkol kay Shikainah." Pagkukwento ko sa kaniya.
"What about Shikainah?" Tanong niya at tumingin sa 'kin.
"Sabi ni Madison sa 'kin, inagaw daw natin siya sa kanila. Mukhang hindi pa rin nila matanggap na sa 'tin na sumasama si Shikainah at hindi na sa kanila."
"I see. Madison and Shikainah are used to be bestfriend for a long period of time. Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit na lang silang nag-away. Hindi ko alam kung bakit sila nagkagano'n... kung bakit naging masama ang ugali ni Madison."
Ikinuwento ko ang lahat sa kaniya. Lahat ng sinabi nung mga lalaki at babae sa 'kin hanggang sa sugatan na nila ang panga ko. Pagkatapos naming kumain ay nagpunta na ako ng banyo, gano'n din siya para makapagpalit na kami.
Nasa labas na ang mga hudlong. Kakarating lang nila, nag-aayos ng mga damit nila. Sabay kami ni Asher na pumunta para kung may mangyari mang hindi maganda, sisigaw lang ako at darating siya.
Pumasok ako sa isang cubicle at sinuot ang damit ko. Pinusuran ko na lang ang buhok ko ng buo para hindi sagabal 'yon kapag sumayaw na kami. Halata nga lang 'yung benda ko sa mukha.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 218
Start from the beginning
