"I'm sorry... I didn't mean it. Nadidiinan ko lang." Biro niya, naglagay siya ng betadine sa bulak at dinampi sa panga ko.
"Bakit ba kasi nilalagyan mo pa ng alcohol 'yun. Ang sakit sa panga e."
"To clean it. It will remove the bacteria in your wounds. 'Wag ka ng magreklamo dahil masakit ka rin naman ang mga hampas mo." Sagot niya saka tumawa.
Sumimangot naman ako. "Sinong tao naman ang hindi makakahampas sayo kung gano'n kahapdi ang ininilagay mo sa sugat ko. Parang mas gusto ko pa na ulit masugatan e." Reklamo ko sa kaniya, kinakalikot ko ang ballpen na hawak ko, hindi ko alam kung saan ko nakuha 'yon, basta napunta na lang sa kamay ko.
Sabagay, magagamit ko naman 'to. Baka kay Asher 'to, napagdiskitahan lang talaga ng paningin ko. 'Yung iba nasa ibang mga upuan at kumakain. Nagkakagulo nga sila dahil pare-pareho kaming mga gahol sa oras.
Baka hindi na kami makahabol pa sa contest, baka sisihin ko lang ang sarili ko kapag nangyari 'yun. Syempre, kung hindi nangyari 'to, hindi sila matataranta, makakasama kami sa contest.
"You need to clean it everyday to avoid getting infection." Paalala niya sa 'kin bago niya tinapalan ng bandage ang panga ko.
"Doctor ka ba?" Natatawang tanong ko sa kaniya. "Dapat band-aid na lang ang nilagay mo, hindi naman ako naopera para lagyan mo pa ako ng gasa.
"Actually dapat band-aid lang talaga ang ilalagay ko but we don't have anything here. 'Yan na lang ang ginamit ko." Paliwanag niya, naggupit siya ng tape na puti saka niya idinikit sa gasa ng sugat ko.
"Bili ka na lang, ang laki nito e." Reklamo ko sa kaniya, parang nasapak ako ng sampung tao sa laki ng gasa e. Naaksidente ba ako?
"If you want that then buy some of it. Ikaw ang bumili, ikaw ang maghanap." Sagot niya sa 'kin kaya naman ngumiwi ako at umiling agad. Ayaw ko naman.
"Wag na, ayos na 'to hehehe." Sabi ko sa kaniya.
Tinulungan ko na lang siyang magligpit ng mga ginamit namin. Hindi na ako maliligo nito dahil nauna na ako sa kanila. Para agad ko ng malinisan ang sugat ko. Magpapalit na lang ako ng damit ko.
"Salamat pala..." Sabi ko sa kaniya
Nasa harapan kami ng room namin, may dinadala kaming plato, kakain na kami. Tapos na rin naman ang iba. Buong oras hindi ko nakita si Kayden na pumunta sa room namin. Baka inaalo niya pa rin si Zoe.
Nawala ang mga ngiti ko at natigilan ako sa pagsasandok ng kanin ng maisip ko 'yon. Pa'no kung hindi na siya makahabol sa 'min sa contest mamaya. Siya pa naman ang sinusundan namin. Isa pa, dalawa ang mga dapat niyang salihan ngayon.
"Are you okay? May masakit pa rin ba sayo?" Nag-aalalang tanong ni Asher sa 'kin.
Tipid akong ngumiti. "Oo naman... ayos na 'ko, hindi na masyadong masakit ang sugat ko." Paninigurado ko sa kaniya.
Kumuha ako ng sinangag na kanin, tocino at itlog. Hati na lang kami sa itlog dahil isa na lang 'yon. Konti lang naman ang tocino niya, binigay niya halos lahat sa 'kin e. Kawawa naman siya kung kanin ang ulamin niya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 218
Start from the beginning
