Bigla akong dinagan ng kaba dahil bigla siyang naglabas ng isang kutsilyo. Sinara nina Clown 2 at nung isang lalaki ang pintuan para walang makakita sa gagawin nila. Papatayin ba nila ako?

"A-anong gagawin mo?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya, gusto ko mang umatras pero na pader na ako.

"Wala naman, hindi naman gano'n kasakit. Gusto lang kitang markahan para palagi mong naalala na bawal ka rito... hindi ka tanggap sa eskwelahan na 'to."

Huli na ng makasagot pa ako. Hinawakan niya ulit ang panga ko at marahang sinugatan ang mismong panga ko. Masakit... sobrang sakit.

"Aaaah!" Sigaw ko dahil sa sakit, sa hapdi no'n.

Naiyak na lang ako. Ngayon ko lang naranasan ang ganito kasakit. Nakita ko ang pagdanak ng dugo sa sahig. Patuloy ba lumalandas ang luha ko sa mukha ko. Bakit ko ba sila hinayaang ganituhin nila ako? Diba dapat malakas ako? Nasa'n na 'yon ngayon?

"Tama na..." Halos hindi ko na masabi ang mga salitang dapat na ilabas ng bibig ko dahil nanginginig ang boses ko.

"Ayan. Perfect. Ang ganda mo na ngayon." Sabi ni Violet atsaka sila tumawa.

Napatingin ako sa salamin. Isang mahabang guhit... sugat ang nasa panga ko. Ramdam ko ang sakit no'n kahit na hindi gano'n kalalim ng sugat. Nanlambot ang mga tuhod ko. Anong gagawin ko?

"You deserve it, bitch!" Sabi ni Madison bago nila ako tuluyang bitawan at iwanang mag-isa ro'n.

Napaupo na lang ako sa sahig. Basang-basa ako pero wala akong pakialam. Nagagalit ako sa sarili ko dahil hinayaan ko lang na maging ganito ako. Hinayaan ko silang saktan nila ako.

Niyakap ko ang mga tuhod ko at doon ko inilabas ang mga hikbi ko. Gusto ko ng umalis dito. Ayaw ko na rito. Hindi na ako babalik dito sa banyo na 'to. Pinangako ko sa sarili ko na walang pwedeng manakit sa 'kin pero heto ako ngayon.

Hindi ko kayang lumaban. Hindi ko kayang makipagmatigasan kapag mga kaibigan ko na ang nakasalalay. Ginawa ko lang 'yon dahil ayaw kong ilagay sa kapahamakan si Shikainah. Kahit ako na lang, 'wag lang sila.

"Heira... Heira!"

Nag-angat ako ng tingin ng may tumawag sa 'kin. Si Asher 'yon, palagi na lang siyang dumating kapag nakakuha ako ng ganito. Palagi ko na lang siyang kasama kapag may mga laban akong mag-isa.

Agad niya akong niyakap, hindi ako gumalaw gano'n pa rin ang pwesto ko. Wala akong lakas. Kakagising ko lang ngayon, nagpunta lang ako saglit sa banyo pero agad akong nakakuha ng sugat.

"Shit. Heira, may sugat ka!" Sabi niya. May kinuha siyang panyo mula sa bulsa niya at sinapo ang panga ko.

"Ash..." Paghikbi ko at sinandal ko ang ulo ko sa may dibdib niya.

"Heira, I'm here, okay. Don't cry, please." Aniya at hinaplos ang buhok ko.

"Sina Madison..." Bulong ko, gusto kong magsumbong sa kaniya na parang isang batang inaway ng mga kalaro ko pero hindi ko magawa.

"...Kaya mo bang tumayo?" Nag-aalalang tanong niya. "Kailangan nating mahugasan ang sugat mo, ang haba niyan." Sabi niya pa.

Dahan-dahan akong tumayo, inalalayan niya pa ako. Inilagay niya ang kamay ko sa balikat niya at saka inilapit sa sink par mahugasan ko ang sugat ko.

Napangiwi ako dahil sa sakit. Mahapdi. Patuloy pa rin ang pag-iyak ko. Ayaw ko na. Panibagong sugat, panibagong sakit. Nasa'n ka na ba, Kio?

Pagkatapos no'n ay pinunasan niya ang mukha ko, kita ko pa rin ang dugong nasa panyo niya. Naglakad kami palabas ng banyo. Tanging paghikbi lang ang ginawa ko habang naglalakad kami.

"Heira kakain na raw— Hala! Napa'no ka?" Bungad sa 'kin ni Kenji.

Kinuha ko ang panyo kay Asher at binitawan siya. Nakayuko lang akong naglakad papasok. Alam kong nakatingin silang lahat sa 'kin. Nagtatanong sila kung anong nangyari pero hindi ako sumagot.

Bago pa ako makaupo ay may humawak sa braso ko dahilan para matanggal ang panyo sa panga ko. Lahat sila nagulat dahil sa nakita nila, gano'n din ang kapatid ko. Nakabalik na pala siya.

Walang emosyon ko siyang tinignan. Pagod na pagod na akong magsalita pa. Ang hirap magpaliwanag kung hindi ka rin naman nila papaniwalaan. Gigisain lang nila ako sa mga tanong.

"Isha! May sugat ka!" Sabi ni Eiya.

"Yakie... may dugo, may sugat." Nag-aalalang sambit ni Kenji.

"Heira, we need to clean your wound." Ani Alzhane.

Hindi ako sumagot sa kanila. Hindi ko rin sila tinignan. Nanunuyo ang lalamunan ko kaya hindi na lang ako sumagot. Hindi pa ako kumain.

"What happened?" Seryosong tanong sa 'kin ni Kio.

Umiling lang ako at tinalikuran siya pero hinila niya ulit ako. Kailangan ko ng magpalit ng damit dahil puro dugo ang bumabalot sa puti kong damit ngayon.

"I'm talking to you, Yakiesha. Anong nangyari r'yan at may sugat ka?" Tanong niya sa 'kin, sinubukan niyang hawakan ang panga ko pero iniwas ko 'yon.

"Ayos lang ako. Wala lang 'to." Malamig na sabi ko sa kaniya.

Hindi ko naman siya sinisisi dahil wala siya kanina dahil wala naman siyang kasalanan. Kahit na nandito siya hindi niya pa rin naman mapipigilan ang pwedeng mangyari ngayon.

""Ayos lang 'yan?! E ang lalim ng sugat mo!" Sigaw niya sa 'kin, napangiwi ako ng hawakan niya ang panga ko.

"Ano ba! Ang sakit!" Sabi ko saka ko inilayo ang mukha ko.

"Damn... fuck it. Ang haba ng sugat mo..." Bulong niya tsaka niya sinabunutan ang sarili niya.

"Mahaba lang, malayo naman 'to sa bituka." Walang emosyon kong sagot sa kaniya.

"They ruined your face. They ruin your precious face. Oh god! Yakiesha, what the hell is happening with you?"

Hindi ko kasalanan 'to, Kio. Hindi ko rin ginusto 'to, sino bang gustong masugatan ang mukha? Sino bang gustong makakuha nito gayong alam kong magpepeklat 'to?

"Where did you get that?!" Gigil na tanong niya. "Who did that to you?!"

Hindi ako sumagot sa kaniya. Heto nananaman siya. Naninigaw nananaman siya na para bang sinisisi ako sa isang bagay na hindi naman ako ang may gawa.

Yumuko ng tumulo ang mga luha ko, inilagay ko ulit ang panyo sa panga ko para matigil ang pagdugo no'n. Wala na akong pakialam kung mukha akong mahina sa harapan ng mga kaklase ko.

"Answer me, damn it!" Aniya saka niya ako niyakap.

Umiyak lang ako sa dibdib niya. Kakatapos lang ng birthday ko pero ito na ang nangyari ngayon. Parang ayaw ko na lang sumayaw kung may kapalit naman iyon na trahedya.

Humiwalay ako sa kaniya. "May magagawa ka pa ba kung sasabihin ko sayo? Mababalik mo pa ba 'yung oras kung sasabihin ko pa sa'yo kung sino ang gumawa nito sa 'kin ha?!" Sagot ko sa kaniya, tinakpan ko ang bibig ko gamit ang likod ng palad ko para patigilin ang pag-iyak ko.

"Yakiesha..." Biglang lumambot ang mukha niya.

He tried to reach for my hand but I shoved it away. Napakahina mo, Heira. Kapag sa ibang tao... kapag sa mga grupo ng gulo nalalabanan mo pero ito, simpleng mga babae at payabang na lalaki lang hindi mo nalabanan.

Sabi ko iiwasan ko na ang gulo pero bakit gano'n? Parang mismong gulo pa ang lumalapit sa 'kin?

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga luha ko, nanginginig pa rin ang mga labi ko, alam kong pipiyok ako kapag nagsalita ako pero ginawa ko pa rin.

"Wala ka naman kanina kaya 'wag ka ng mag-alala, sugat lang 'to..."

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now