"Hindi na. Hindi ko na hahayaang saktan niyo ulit siya. Anong klase kang kaibigan kung hinahayaan mo siyang saktan ng mga 'yan... Anong klase kang kaibigan kung hinahayaan mo siyang masaktan gamit ang sarili mong kamay?" Panunumbat ko sa kaniya, akala niya nakalimutan ko na 'yung ginawa niya dati.

"'Wag na 'wag mo akong sasabihan ng ganiyan dahil wala kang alam!" Sigaw niya, tuluyan ng tumulo ang mga luha niya.

Napalunok naman ako. Ayaw na ayaw kong may nakikita akong umiiyak sa harapan ko dahil pati ako nanlalambot. Gusto kong punasan ang mga 'yon, alam kong mali ang mga sinabi ko pero hindi ko na pwedeng bawiin pa ang mga 'yun.

"Hindi ko sinasadyang sabihin 'yon..." mahinang sabi ko sa kaniya.

"Sinadya mo 'yun! Nanunumbat ka sa 'kin, kasi ano?! Kasi kayo na ngayon ang kasama ni Shikainah ha?!" Sigaw ni Clown 2.

"Hindi sa gano'n!" Sigaw ko rin sa kaniya, magsisigwan na lang kami.

"Oo gano'n 'yon, kayo ang kasama niya kasi nakahanap siya ng kakampi niya sa inyo."

"Kaya nga e. Kami lang ang kakampi niya sa tuwing sinasaktan niyo siya, kahit sino... kahit si Xavier pa ayaw niya nh palapitin pa sa inyo si Shikainah." Mahinahong sabi ko sa kaniya.

"I don't care. You need give me back my best friend! Give me back my Shikainah! Kaibigan ko siya, siya lang ang palagi kong kasama..." Sabi ni Madison at pinunasan ang mukha niya.

"Hindi. Hindi ko siya ibabalik sa inyo..." Pagmamatigas ko. "Hindi ko siya kailangang ibalik pa kung gugustuhin niyang makasama kayo... siya na mismo ang lalapit." Sabi ko.

"E tarantado ka pala! Akala mo ba hindi namin alam ang mga sinasabi niyo sa kaniya kaya ayaw niya kaming kasama ha?!" Gigil na tanong nung isang lalaki at hinawakan ng mahigpit ang panga ko.

Sinubukan kong manlaban pera hinawakan naman nung iba ang mga braso at paa ko. Hindi ko tuloy sila masipa, sayang. Pinaling ko ang ulo ko para maalis ko ang paa ko sa kamay niya pero mas humigpit lang ang hawak niya. Mas nasasaktan lang ako.

"Bitawan mo 'ko, hayop ka!" Sigaw ko sa kaniya kahit na nahihirapan ako.

"Sinasabi mo sa kaniyang kayo ang dapat niyang kasama, sinasabi mo sa kaniya na hindi kami mabuting mga kaibigan!" Sigaw niya pa.

Totoo naman. Pumikit ako dahil sa laway na tumalsik sa mukha. Putangina virus. Sisigaw na lang may extra pa.

Nagtoothbrush na ba siya? Jusme, bakit naaatim ng mga babaeng 'to na makasama ang mga mukhang mandurugas na lalaking 'to?

"Wala akong sinasabi sa kaniya. Siya mismo ang nagsasabi sa sarili niya dahil alam niyang masama kayong kasama!" Sigaw ko sa kanila.

Isang suntok sa tyan ang nakuha ko kasunod no'n ay ang dalawang sampal na galing kay Madison. Lahat sila gigil na gigil silang nakatingin sa 'min.

Mga nag-aapoy ang mga mata nila dahil sa galit. Galit na rin naman sila, ano pang magagawa ko? Kumuha ng isang balde ng tubig ang isang lalaki at walang pasabig ibinuhos sa 'kin. Nabasa pa 'yung mga humahawak sa 'kin.

Napabukas na lang ang bibig ko dahil muntikan na akong malunod. Nahinghot ko pa ang ibang tubig. Napaubo na lang ako. Nanginig ang nga labi ko dahil sa lamig ng tubig, galing ata 'yon sa ulan kagabi.

"Mga hayop kayo! Ano bang kasalanan ko sa inyo ha?!" Sigaw ko sa kanila. "Kung makagawa kayo ng ganito parang ang laki ng kasalanan ko sa inyo ah!"

"Anong kasalanan mo? Marami! Maraming marami, ikaw ang nanggulo ng buhay namin dito sa loob ng university na 'to. Pagsisisihan mong pumasok ka pa rito." Sabi nung lalaking humahawak ng panga ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now