"Where do you think you're going?" Mataray na tanong niya, kung mataray sa dati may pinataray siya ngayon.
"Aalis na, hindi mo ba nakikita?" Sarkastikong sagot ko sa kaniya, walang emosyon ang mukha ko.
Nasanay na ata ako dahil halos ng mga nasa paligid ko ay seryoso at palaging walang emosyon ang mga mukha nila. Si Kio, si Kayden, si Adriel, isama mo pa si Eugine. Lahat sila gano'n ang mukha kaya natuto na rin ako.
"Not that fast." Ngumisi siya at hinila ako papunta sa harapan niya.
Pinagtaasan ko siya ng kilay, humawak ako sink at tumingin na kaya ng nanunuya. Aawayin lang naman ako ng babaeng 'to. Walang magawa sa buhay kaya siya ganito.
"Anong kailangan mo sa 'kin?" Tanong ko bago ko kinagat ang kuko ko.
"I'm thankful na nagkita tayo sa iisang lugar."
"You're welcome." Sagot ko sa kaniya at ngumisi.
Ngumisi rin siya at nagcross arm sa harapan ko. Ang hahaba ng mga kuko niya. Sana lahat, 'yung sa 'kin kasi pudpod na, kulang na lang maubos na. Lumapit siya sa 'kin at tinulak ng bahagya ang balikat ko.
"You! Ikaw, ikaw... kayo ng mga kaklase mong walang kwenta ang dahilan kung bakit hindi ko... namin nakakasama si Shikainah!" Sigaw niya sa 'kin at tinulak ulit kaya naman napaatras ako.
"Hindi ko naman kasalanan na inilipat kami ni dean sa section kung saan kami nararapat." Tugon ko.
Sa section kung saan ang mga estudyanteng sinabihan niyo ng basura mas maganda pa ang ugali kaysa sa inyong. Kahit na mga basagulero ang mga 'yon, may magandang dahilan sila.
Kaysa naman sa inyo na bigla na lang nananampal, nanamabunot, naninigaw at nang-aaway ng walang dahilan. Trip lang talaga nilang manira ng oras ng iba.
"Inagaw niyo 'yung atensiyon niya. And who knows na baka kung ano-ano na ang sinasabi niyo sa kaniya para lang sumama siya sa inyo." Supladang sabi ni Clown 3.
Ay, nabuhay siya ulit. Parang ilang araw ko ng hindi nakikita 'yun ah. Hindi siya kasama nina Madison at Porpol dati, nung mga panahon na sinasaktan pa nila si Shikainah.
"Ang lakas naman ng loob niyong sabihin sa 'kin 'yan, e kayo 'tong nanakit sa kaniya. Hindi naman siya tanga para sumama pa sa inyo." Sagot ko sa kanila.
Itinulak ako ulit ni Madison, napalakas 'yon dahilan para mapasandal ako sa pader, pinalilibutan na nila ako, walang space para makatakas.
"Ikaw, ang lakas din ng loob mo na sigawan ako! Isa ka lang namang babaeng walang ginawa kundi ang gumawa ng gulo rito sa university na 'to!" Sigaw sa 'kin ni Violet.
"Nahiya naman ako sa inyo na nagrereyna-reynahan, akala mo kung sino, wala namang kaya sa iba kung wala ang tulong ng mga 'yan!" Turo ko sa mga lalaking nasa likod nila.
Bigla akong sinampal ng malakas ni Madison. Napatagilid ang mukha ko, ngumisi lang ako sa kanila at hinarap ang mukha ko. Kapag narinig ko ang mga boses na 'yon, mawawala ako sa sarili ko at hindi ko na alam kung ano ang magagawa ko sa kanila kaya pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.
"Ibalik mo sa 'kin si Shikainah! Ako ang nauna sa kaniya, I'm her bestfriend since then. Dumating lang kayo sa buhay niya lumayo na siya sa 'kin!" Sigaw niya, konti na lang maiiyak na siya.
"Oo nga! Ibalik mo sa 'min si Shikainah!"
Kung makasigaw naman siya akala mo inagawan ko siya ng boyfriend niya. Pwede pa rin naman silang maging magkaibigan ni Shikainah, 'yon lang ay kung gugustuhin pa nung isa sa kaniya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 217
Start from the beginning
