Bahay namin ang section namin.
"Bakit, nagtanong ka ba?" Sarcastic na sabi niya.
"Kailangan ko pa bang magtanong? Akala ko kasi kanina wala tayong dalang inumin, naghanap pa ako sa labas ng mabibilhan." Sumimangot ako.
"Alam ng lahat na may dala tayong pampalamig ng inumin. Wala ka ata sa sarili mo kaya hindi mo alam. Try to sleep early." Natatawang sabi niya, mas lalo tuloy akong sumimangot.
"Ayan, sayo na lang 'yan, mero'n naman ako." Pagpupumilit ko sa kaniya, inilapag ko na lang chuckie sa harapan niya, ayaw niyang kunin e.
"Thank you." Tugon niya bago siya uminom. "Now I know why are you obsessed with this drink."
"Masarap kasi, lasang chocolate tapos pwede mo pang gawing ice cream kapag tumigas." Pagmamayabang ko sa kaniya. "Try mo, refreshing."
Tumawa kaming pareho. Ako naman ang sumubo ngayon. Salitan na lang kami hanggang sa mangalahati ang pagkain namin.
Kalahati pa lang naman 'yo pero parang isang oras na kaming kumain dahil inuna pa namin ang daldal naming dalawa.
"Sayang naman, hindi tuloy ang program ngayon, hindi ko tuloy makikita ngayong gabi kung paano ka kumembot." Natatawang kwento ko sa kaniya.
Tumaas ang gilid ng labi niya bago niya ako inirapan. Ang taray ng lalaking 'to, porke ang ganda ng mata e. Bakit 'yung sa 'kin parang mata ng kwago na sabog?
"Tsh. Kung hindi lang nila ako pinilit hindi ako sasayaw. But of course, I don't want to put our section on shame. We need to show them our talents." Tugon niya.
"Sabagay, pero ano ba 'yung sasayawin niyo? Hindi ko man lang kayo nakitang nagpractice ng maayos e, parang lantang gulay kayo kapag sumasayaw kayo ng teach me how to doggie."
'Yon kasi ang tugtog na naririnig ko sa tuwing nagpapractice na sila, ang ganda ng tugtog nila pero ang lamya namang sumayaw. Kung kasama lang nila ako talo ko na sila e. Teach me how to doggie.
"Bahala na, kung ano man 'yung pinractice namin, that will be our performance." Parang wala lang sa kaniya ang pagsayaw niya.
"Sus. Aabangan ko 'yon, manonood ako kaya dapat galingan niyo. Fighting!" Tinaas ko pa ang mga kamao ko, ginulo niya ang buhok ko saka ngumiti.
Pagkatapos kumain ay tinapon ko lang sa basurahan ang pinagkainan namin. Nagpahinga kami saglit, nag-iingay pa ang mga hudlong kaya hindi pa ako makatulog. Humiga na lang ako at tumingin sa kisame.
"Mag-a-alas dyes na pero wala pa rin sila..." Sabi ko sa sarili ko.
"Alam mo, 'dre, kung ako sayo, gagalingan ko na bukas, parang zombie ka kung sumayaw e." Boses ni Xavier 'yon.
"Nahiya naman ako sayo, Xav. Para kang puno na sumasayaw." Pambabara sa kaniya ni Vance.
Napailing na lang ako. Ako lang talaga ang nakahiga sa kanila. Nakapabilog sila habang nagkukwentuhan. Inaya pa nila akong sumali sa kanila pero tumanggi ako. Wala ako sa mood para makipag-ingayan sa kanila, hindi ko rin naman alam kung anong pinag-uusapan nila.
"Kayden, si Natalie... nagwawala, naghi-hysterical nananaman siya, hinahanap ka niya."
"Kayden, si Natalie... nagwawala, naghi-hysterical nananaman siya, hinahanap ka niya."
"Kayden, si Natalie... nagwawala, naghi-hysterical nananaman siya, hinahanap ka niya."
Bumuntong hininga ako. Si Kayden ba palagi ang hinahanap niya kapag nagwawala siya? Bakit naman siya naghi-hysterical, may sakit ba siya o sadyang may panick attack lang siya? Hindi ko na alam.
Hindi na rin naman ako nagtataka dahil may past sila, malamang sa malamang alam na ni Kayden kung paano niya pakalmahin 'yung isa. Lahat naman ata alam niyang pakalmahin.
Ang pinagtataka ko lang kung bakit nando'n pa rin si Kio? Bakit siya pumunta ro'n kung hindi naman siya kailangan doon. Baka magkaibigan nga pala sila, siguro alam niya rin kung paano niya matutulungan 'yung isa.
"She attempted to end her own life, Kayden, you know her, ikaw lang ang makakatulong sa kaniya."
"Kayden, kailangan ka niya ngayon. Kailangan ka ni Zoe ngayon."
Baka nga, oo nga naman. Kita ko talaga sa mga mata kanina ni Kio at Kayden ang sobrang pag-aalala na para bang hindi lang 'yon ang unang beses na nagtangkang mapagkamatay si Zoe.
Sana ayos lang siya. Sana kumalma na siya dahil kinakabahan pa rin ako sa tuwing maaalala kong pinagtatangkaan niya ang sarili niyang buhay. Zoe... kung ano man ang problema mo, kaya mo 'yan.
Hindi mo kailangang magpakamatay.
Huminga ako ulit ng malalim bago ako pumikit. Inalis ko muna ang mga iniisip kong tungkol sa kanila. Mas inisip ko pa rin 'yung mga gagawin namin bukas. Sana maayos namin ang sayaw namin, pinagpaguran namin 'yon.
Isa pa, sana walang mangyaring hindi maganda. Ayaw ko na ulit magkaroon ng gulo habang nandito kami ngayon. Ayaw ko ng maulit 'yung nagkarambol-rambol kami nung ibang section, ayaw ko ng maglinis 'no!
Ilang saglit lang ay nilamon na ako ng antok.
—————————————————
KIO'S POV
"Nasa'n si Zoe?!" I asked. I am nervous, baka kung anong gawin niya sa buhay niya.
We left Yakiesha there for her. It was scary because the man suddenly appeared in our room. I knew he wasn’t lying because his eyes were worried too. I don’t know what heirloom entered his mind and he made it heirloom.
She has attempted suicide several times for a superficial reason. Ace. Always Ace. Fucking, Ace. He used to be my friend... best friend to be exact but the five of us lost our friendship due to an incident. This is not the time for me to say everything.
Tumakbo kami ni Ace papunta sa room nila. Hindi na namin alintana ang ulan, kahit na nababasa na kami, tumakbo pa rin kami. Ang mahalaga ay mapuntahan namin agad ngayon si Zoe... Ate Zoe.
Ace sighed, just as I was worried about my sister. I can't just leave her alone, I can't let anything bad happen to her. Even if Ace doesn’t say it, I know he still loves my sister.
I don’t know why their relationship ended. All I know is that they broke up years ago, times when I was still in New York... the times when I was still angry with them because I couldn't accept what they did.
Ang dami ng mga tao sa labas ng room nila. Agad naming hinawi ang mga estudyante para makapasok kami. Sa labas pa lang ay naririnig ko na ang mga pag-iyak ni Zoe.
"What happened?!" I asked to them before approaching my sister.
"Natalie..." Ace called her name. "Tell me... what's the problem?" Mahinahong tanong niya.
Niyakap naman siya ng kapatid ko, nakatingin lang ako sa kanila, pare-pareho kaming mga nakaupo sa sahig. Pinaalis ko na ang mga taong nasa labas. May dugo ang kamay niya at puno ng mga sugat ang kamay niya.
"Ace, akala ko hindi ka na darating." Sabi niya habang umiiyak siya. "Dito ka lang muna, dito ka lang, 'wag kang aalis."
Now I know. Gaya ng palagi niyang ginagawa. Umiiyak siya at sinasaktan niya ang sarili niya para lang magmakaawa kay Ace na manatili sa tabi niya. Bakit mo ba ito ginagawa, Zoe?
Ace hugged her back. He caressed my sister's hair and kissed her forehead. What the hell is wrong with him? Fuck, he always cares for Yakiesha and now ... you're still shameless, Ace.
"Dito lang ako, hindi ako aalis..."
KAMU SEDANG MEMBACA
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Fiksi RemajaPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 216
Mulai dari awal
