"Pakialam ko kung hindi ka gutom?" Pagmamasungit ko sa kaniya. "Hati tayo rito, dapat may laman ang tyan natin bago matulog." Sabi ko, tinaas ko ang mga kilay ko at tumawa ng nakakaloko.
"I'm not hungry, Heira. You can have it. Baka kulang pa sayo 'yan." Pagkatapos dumukmo ulit siya, antok na antok lang, pre?
"Bawal nga kasi, kung pwede lang edi sana ako na lang ang kakain ng lahat ng 'to e." Sabi ko sa kaniya. Tinapik ko ulit ang balikat niya.
"Kapag naghanap sila ng kahati, tell them that I'm the person you gave a have of the food." Tugon niya habang nakadukmo pa rin.
"Ayaw ko. Dali na kasi, uubusin ko lahat ng 'to, tamo." Pagbabanta ko bago ako kumain. "Hmm, ang sarap, ang lambot naman ng baboy oh. Yum yum yum yum." Pang-iingit ko sa kaniya, tinutok ko ang bibig ko sa tenga niya para marinig niya ang tunog ng kinakain ko.
"Stop it, Heira. Just eat and rest." Nanunuyang tugon niya bago siya sumandal sa upuan. Tinignan ko lang siya dahil ang talim ng titig niya sa 'kin, balak ata niya akong panoorin habang kumakain ako.
"Kung ayaw mo, sige, sa 'kin na lang 'to. Bahala kang magutom, humihiwalay pa naman ang kaluluwa kapag natulog ka ng gutom." Pananakot sa kaniya.
Tumayo ako at binuhat ang pagkain ko, hahakbang na sana ako at aalis na pero hinahawakan niya ang palapulsuan ko, pasimple akong ngumiti. Kakain din pala e.
"Bakit?" Kunwaring tanong ko.
"Akin na, hati na tayong dalawa. Don't worry, I will eat just a little." Aniya.
Umupo ako ulit sa tabi niya, sumubo muna ako bago ko ipasa sa kaniya ang styro at ang kutsara. Sumalubong ang kilay ko dahil pinagmamasdan niya ang kutsara na ginamit ko habang nakangiwi.
"Laway conscious ka?" Tanong ko sa kaniya. "Pwede naman akong kumuha ng panibagong kutsara kung ayaw mong gamitin 'yan."
"No need. It's okay, hindi lang ako sanay na gamitin ang kutsara ng iba." Sagot niya bago siya kumain. Dahan-dahan siyang ngumuya habang nakatingin sa 'kin.
"Masarap?" Tanong ko sa kaniya habang nakathumbs up pa.
Tumango naman siya. "Yes. Medyo matabang lang pero okay na rin namang pampalipas gutom."
"Oo nga, parang may sakit sa bato ang nagluto nito, walang lasa kundi ang asim nung tomato sauce."
"Shh... baka may makarinig sayo." Sabi niya taka siya sumenyas.
Tumawa kaming parehas. Iniabot niya sa 'kin ang pagkain kaya naman ako ang sumubo. Tumayo ako saglit para kunin ang dalawang chuckie pa sa bag ko. Tira lang 'to, dapat bukas ko pa iinumin ang mga 'to kaso kailangan ko ng inumin pa.
Ang galing naman kasi ng mga tao rito. Naghatid ng pagkain pero hindi naghatid ng tubig. Kapag pala nabulunan kami, kaniya-kaniyang lunok na lang ng laway.
Shinake ko ang chuckie tsaka ko inilagay ang straw bago iabot kay Adriel 'yon. Tinitignan nga kami ng mga hudlong at mga babaita pero ngumiti lang ako ng tipid sa kanila.
Pasensya na lang dahil dalawa na lang 'to. Hindi naman ako pwedeng maghati sa chuckie ko dahil kulang pa sa 'kin ang isa. Isang higupan lang nga 'yon e.
"Oh," abot ko sa kaniya. "Walang tubig e, pwede na 'yan, masarap naman 'yan, matamis nga lang." Sabi ko sa kaniya.
"Sige na, sayo na lang 'yan. Don't worry about me. May tubig naman ako sa cooler natin." Sagot niya.
"Hala! Bakit hindi mo agad sinabi sa 'kin?" Tanong ko sa kaniya.
Mero'n naman pala kaming dalang cooler, parang part two lang 'to ng bakasyon namin sa Batangas ah. Kami ang nagluluto, kami ang gumagastos at sama-sama rin kaming natutulog sa iisang bahay.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 216
Start from the beginning
