Sama-sama pa naming iniligpit at nilinis ang mga kalat na ginawa nila. Hirap na hirap kami sa mga confetti na nagkalat, lumilipad kasi ang mga 'yon sa ere. Inilatag na rin namin ang mga sleeping bag namin. Nilalamig na ako rito ah, kailan ba titila ang ulan?
"Class... magandang gabi." Tawag sa 'min ni Sir Almineo sa 'min, kasama niya 'yung isa pa naming teacher, may dala silang tig-isang malaking plastics.
"Here's your food. Kaunti lang ito at sa tingin ko hindi kakasya sa inyo kung tig-iisa kayo ng styro, do you want to share your foods to your classmates?" Tanong sa 'min ni ma'am.
"Ayos lang, ma'am."
"Sanay naman kaming nahuhuli pagdating sa mga services ng university."
"Ang mahalaga buhay ma'am."
"Sige lang, basta ba 'yung iba styro na lang ang kainin nila."
"Gutom na ako! Ayos na 'yan, sir."
Iba-iba ang mga sinasabi ng mga hudlong na 'yon. Kung sabagay, kailan ba nila kami inuna? Kailan ba nila kami tinuring na kasama kami sa university na 'to? Kailan ba nila kami inisip na baka pati kami nangangangailangan din.
Ngumiwi naman ako. Kung pwede lang talagang magreklamo ginawa ko na e. Bakit ba ganiyan sila? Sigurado naman akong kumpleto niyan ang ibang section, tig-iisa sila ng pagkain habang kami, kulang na lang hindi nila kami pakainin.
Hindi naman sa inirereklamo ko ang pagkain dahil konti lang. Ang sa 'kin lang naman, hindi kasi pantay ang binibigay nila sa mga estudyante e.
May favoritism sila rito at parang isa kaming mga saling-pusa na nag-aaral sa isang magandang eskwelahan. Ang laki ng university na 'to pero parang ubos na ang pondo.
Anak ng...
"Kunin niyo na ng makakain na kayo. Alzhane, kindly distribute this." Utos ni Sir Almineo.
Tumayo naman si Alzhane, tinulungan siya ni Timber na ibigay sa iba ang mga pagkain na para sa 'min. Kung si Kio ang hahatian ko, baka hindi na niya madatnan, siguro bukas na lang niyan siya babalik dito.
"Here's your food. Uh... ikaw na ang bahala kung sino ang hahatian mo. I texted my nani to bring us food here pero hindi niya raw maihatid dahil wala ang driver namin."
"Ano ka ba, ayos lang 'yun. 'Wag mo ng papuntahin dito 'yung nani mo, delikado dahil basa ang daan." Sagot ko sa kaniya bago ko binuksan ang styro, buti naman medyo marami ang pagkain na nakalagay dito.
"Sige, I'll tell her. Eat well, babe." Sabi niya tsaka niya ako kinindatan.
Umupo siya sa tabi ni Eiya, mukhang silang dalawa ang hati. May kahati rin naman sa pagkain si Kenji, si Hanna 'yun, talagang nasipatan niya pa ang mahinang kumain. Tumingin-tingin ako sa paligid, ako na lang ang walang kahati sa pagkain ko.
Hindi ko naman pwedeng hintayin sina Kio, baka kasi langgamin na ang pagkain kapag tinirhan ko pa sila. Nakita ko ang isang tao na nakadukmo lang sa upuan niya at parang natutulog. Tumayo ako saka ko siya nilapitan.
"Adi..." Tawag ko sa kaniya at tinapik ang balikat niya.
Nag-angat naman siya ng tingin. Kunot noo niya akong tinignan, mukhang nagtatanong na siya sa utak niya kung bakit ko siya ginising. Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang kutsara.
"Kumain ka na?" Tanong ko sa kaniya.
"Not yet." Sagot niya. "...But don't worry, I'm not hungry." Ngumiti siya sa 'kin.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 216
Start from the beginning
