"Heira!" Nagbabanta ang tinig niya.
"Oo na, sasabihin ko na, hindi lang makapaghintay, pre?" Inis na sabi ko sa kaniya. "Ganito kasi 'yan..."
—FLASHBACK—
"Ang lakas mo pala na tumawa." Komento ni Cale kaya naman natahimik ako sa kinauupuan ko, pinigilan ko ang mga pagtawa ko.
"Slight lang." Sagot ko.
"Slight pero sakop mo ang buong lugar."
"Epal." Inirapan ko siya, yumuko ako
Tinignan ang bote ng tubig, nagdadalawang isip ako kung iinumin ko pa ba 'to o ano, medyo kulang pa ang tiwala ko kay Cale kaya naman hindi ko pa binubuksan. Mahirap na, baka may lason pala 'to.
"May gagawin ka pa ba niyan?" Tanong niya maya-maya, nilingon ko siya tsaka umiling.
"Wala naman akong balak gawin ngayon, naghihintay lang ako ng program."
"Mamayang gabi pa 'yon." Sabi niya.
"Ha?" Tanong ko sa kaniya.
"Ang lahat ng program mamaya pa, ngayong umaga 'yung mga booths ng grade 12."
"Talaga?" Tanong ko sa kaniya.
"Yes. I'm a grade 12 student kaya alam ko."
"E bakit wala ka sa booth mo? Tsaka ano pala ang naka-assign sa inyo?"
"Marriage booth."
"Bakit wala ka sa mga kasama mo? Hindi mo sila tinutulungan ah!" Sabay kaming natawa.
"Kaya na nila 'yon, baka ako lang ang pakasalan nila kapag tumulong pa ako sa kanila." Pagmamayabang niya.
Pinagtaasan ko siya ng kilay at umaktong nasusuka dahil sa sinabi niya. Gwapo nga siya pero ang taas naman ng pagkahangin niya.
"Yabang mo— teka sa'n mo 'ko dadalhin?" Tanong ko sa kaniya ng hilahin niya ang kamay ko at umalis sa lugar na 'yon, nagpatianod na lang ako.
"Pasyal tayo, mamaya-maya pa nial bubuksan ang mga booths, tingin muna tayo sa mga ginagawa nila."
"Hindi pa ako naliligo!" Reklamo ko sa kaniya.
"Ayos lang, hindi ka naman nila aamuyin!"
"Ang sama mo naman!" Sabi ko sa kaniya.
—END OF FLASHBACK—
♫♪ I'm not a girl
Not yet a woman
Not now... All I need is time
A moment that is mine
While I'm in between
I'm not a girl... ♫♪
"Bakit ka ba sumama sa kaniya?" Inis na sabi niya sa 'kin, napapikit ako ng mariin, baka laklakin na ako nito.
"Nang-aya kasi siya e! Wala naman akong gagawin kaya bakit ako tatanggi sa kaniya?" Balik na tanong ko sa kaniya bago ako ngumuso.
"Tsk. You said you like me?"
"Oo nga, gusto naman talaga kita..." Sabi ko ng nakayuko, mas namula ata talaga ang mukha ko ngayon. Nakakahiya dahil ilang beses ko ng sinabi sa kaniya na gusto ko siya.
"Then why did you let him to take you him, magkasama pa kayo imbis na tayo." Panunumbat niya sa 'kin.
"Kaibigan ko siya, Kayden! Wala namang masama na sumama ako sa kaniya, hindi naman kami lumabas ng campus e!" Paliwanag ko sa kaniya.
"I don't fucking care! As long as you were with him, gano'n pa rin 'yun. Nandito naman kaming mga kaklase mo bakit ka pa sumama sa pangit na 'yon?" Turo niya sa labas na animong nando'n ang lalaki.
"Nasa loob lang naman kayo e, anong gagawin ko ro'n? Tatanga maghapon? Ang ingay kaya nila tsaka nakakuha ako ng prize, nasa kotse mo, kunin ko bukas 'yon!" Sabi ko sa kaniya atsaka ngumiti ng malawak.
"Tsk. I can buy even a factory of that stuff toy." Nakangising sabi niya.
"Yabang mo ah. Iba pa rin 'yung napanaluhan sa mga games." Pagmamayabang ko. "Ang galing kaya ni Cale na bumaril, sapul sa gitna." Umakto pa akong nagbabaril gaya ng ginagawa kanina nung kasama ko.
"Stop it. Ang pangit mo, kaya rin naman kitang ikuha ng gano'n kung gusto mo." Inis na sabi niya.
"...I will not return your stitch, ngayon pang alam kong galing sa Breeze 'yon." Pagbabanta niya kaya naman humigpit ang hawak ko sa balikat niya, kung may kuko lang siguro ako baka bumaon na sa buto niya 'yon.
Tinignan ko siya at pinanggigilan ang mukha niya, saan ba makakita ng mga mangkukulam ngayon, iuuna ko na ang kulapo na 'to.
"Sa 'kin 'yon, bakit hindi mo ibibigay? Gusto mo ba ng gano'n? Marami akong gano'n sa bahay, bibigyan na lang kita basta ibalik mo lang— Aaaah!" Sigaw ko ng ilapit niya ang mukha niya sa 'kin.
Nanginginig ang mga labi ko, hindi ko na ata kayang magsalita pa ng kahit na ano. Natutop ang bibig ko at umatras ang dila ko.
"Atras ka nga..." Sabi ko sa kaniya.
"Tell me... mas gusto mo ba talagang kasama ang petchay na 'yon kaysa sa 'min? Sa 'kin?" Seryosong tanong niya.
Gusto kong matawa dahil sa sinabi niyang petchay.
Umiling ako. "Mas gusto ko pa rin kayong kasama. Bakit ba kanina ka pa nagagalit d'yan, parang kang tigre r'yan e." Natatawang sabi ko sa kaniya.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinapit sa kaniya. Hindi na ako pumalag pero hindi ko rin sinuklian ang hawak niya.
"I'm jealous. I am fucking jealous to that vegetable."
Ngumiti ako at binatukan siya. "Wala ka namang dapat ikaselos, baliw." Sabi ko sa kaniya.
"I know. I'm sorry." Sagot niya, umiwas ako ng tingin. "Heira..." Tawag niya sa 'kin.
"Hmm?"
"I love—!"
"Kayden, si Natalie... nagwawala, naghi-hysterical nananaman siya, hinahanap ka niya."
Pareho kaming napalingon sa lalaking nasa pintuan at hinahabol ang paghinga. Anong sinabi niya? Bumagsak ang balikat ko ng bitawan ni Kayden ang mga kamay ko at nag-aalalang tumingin sa lalaki.
"Kayden, kailangan ka niya ngayon. Kailangan ka ni Zoe ngayon."
"Anong nangyari sa kaniya?" Puno ng pag-aalala ang boses niya, umatras na lang ako at tinanggal ang kahit na anong reaksyon sa mukha ko.
"She attempted to end her own life, Kayden, you know her, ikaw lang ang makakatulong sa kaniya."
"Fuck... no."
Walang lingunanang umalis si Kayden at iniwanan kami... ako. Mapait akong napangiti. Ayos lang naman sa 'kin 'yon, basta ligtas si Zoe. Basta ligtas siya... basta masaya si Kayden, ayos lang lahat.
♫♪ Ooooh not yet a woman... ♫♪
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 215
Start from the beginning
