"Don't compare me to others. I am different in my own ways." Sabi niya saka niya inilahad sa 'kin ang kamay niya. "C'mon, Heira... don't be this rude, alam kong alam mo at natatandaan mo pa rin ang sinabi mo sa 'kin kanina."

Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko. Nag-iwas ako ng tingin. Parang kanina lang ay nagsasayaw kaming dalawa sa ulan, kaming dalawa lang, walang kasamang iba at pinapakiramdaman ang isa't isa.

"Oo, alam ko pa rin 'yon." Sagot ko sa kaniya bago ko kunin ang kamay niya.

Nagtama muli ang paningin namin pero ngayon mahinanahon na kaming dalawa. Hindi nagsisigawan, hindi nagbabarahan, hindi nagkakainisan at hindi naghahampasan. Parang normal lang gaya nung ginawa kanina nung mga hudlong.

Inilagay niya ang mga kamay niya sa bewang ko, inilagay ko naman ang mga kamay ko sa balikat niya. Nag-aalangan pa nga ako kung gagawin ko 'yon pero siya na mismo ang naglagay no'n.

Sumayaw kami, hindi gaya ng kanina na masyadong nakakapagod, ngayon mabagal lang 'to. Kung makatingin kami sa isa't isa akala mo kaming dalawa lang dito ngayon. Nag-iwas ako ng tingin, masyado akong nalulusaw sa mga titig niya sa 'kin.

"Look at me." Utos niya pero hindi ko ginawa, nasa likod niya ako nakatingin.

"Ha?" Tanong ko sa kaniya.

"I said look at me, Heira..." Nagsusumamong sabi niya.

Pumikit muna ako habang nakatingin sa kaniya. Kinakabahan ako ngayon, hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman ngayon, parang lumulundag ang puso ko.

Pagmulat ng mga mata ko ay sa kaniya 'yon dumeretso. Inalis ko ang mga dapat isipin. Ang mahalaga matapos namin ang sayaw na 'to para matapos na rin ang lahat para makapagpahinga na kami.

"You look good."

♫♪ All I need is time
Whoa  all I need is time
A moment that is mine
that's mine
While I'm in between... ♫♪
   
"Who's that... vegetable?" Tanong niya sa 'kin habang sumasayaw kaming dalawa.

"Sinong gulay namam?" Tanong ko sa kaniya, nakatingala ako sa kaniya dahil mas matangkad siya.

Ngayon ko lang napansin na na itim siyang damit, hapit na hapit sa kaniya 'yon kaya naman nakabakat ang maganda niyang katawan. Medyo basa pa ang mga buhok niya, bagong ligo lang siya, amoy ko rin ang panlalaking pabango niya.

"That boy... 'yung sinabi mong kasama mo mula kaninang umaga."

"Ah si Brazen." Sagot ko sa kaniya. "Hindi naman 'yon gulay!" Sabi ko sa kaniya.

"Wala kang pakialam. Why are you with him?" Seryosong tanong niya sa 'kin.

"Kasi ano..." Sabi ko at kinamot ang ulo ko, wala naman akong kuto, wala lang talaga akong alam na sabihin.

"Kasi ano? Fucking tell me now." Pangungulit niya.

"Lahat?" Tanong ko sa kaniya.

"Yes, lahat. Everything, Heira." Sagot niya at pinanlisikan ng mata.

Napalunok naman ako dahil sa kaba, bakit ba ang hirap magsinungaling sa kaniya kapag nakatingin na ako sa mga mata niya. Mukha siyang nakakatakot na dragon na kapag hindi ka nagsabi ng totoo ay bubugahan ka niya ng apoy.

"I'm waiting, Heira. Bilisan mo dahil inaantok na ako."

"Inaantok ka na pala edi matulog ka." Sagot ko sa kaniya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now