"Hey! Bitawan mo siya. Remove your fucking handa on her waist!" Pagwawala ni Kio.
Tumingin ako sa likod at nakita ko ang mga hudlong na pinipigilan ang kapatid kong nagawawala at pulang-pula na ang mukha. Tumatawa pa ang mga babaita, patay! Oo nga pala, galit nga pala siya sa kumag na 'to.
"Anong nginingisi-ngisi mo r'yan?" Nakataas ang isang kilay ko ng itanong ko sa kaniya 'yon.
"Nothing... you're brother is pathetic. It's just a hand pero kung makapagwala siya parang kukunin kita sa kaniya." Sagot niya.
Pinitik ko ang ilong niya. "Pathetic ka r'yan, kapatid ko 'yong sinasabi mo niyan. Kakambal ko pa rin siya. Tsaka teka ng, lumayo ka ng muna sa 'kin, kanina pa 'ko nakatingkayad dito e." Sabi ko sa kaniya at pilit siyang tinulak pero hindi ko naman nagawa.
"What if I don't want to? May magagawa ka ba? Hindi mo nga ako maitulak." Tumaas ang gilid ng labi niya.
"Sasapakin kita kapag hindi mo ako binitawan." Banta ko sa kaniya pero tumawa lang siya tsaka niya ako inilingan.
"I'm scared. Kapag hindi kita binitawan sasapakin mo ako? I'm scared of your threat, Heira. Try harder." Sarkastikong sagot niya.
"Gusto mo talagang gawin ko sayo 'yon?!" Paghahamon ko.
"No. Sinong tanga ba ang gustong masapak? 'Wag mo akong igaya sayo."
"Anong sinabi mo?!"
"Ngayon bingi ka na rin. " Natatawang sabi niya. "Whatever you say, I will not let you go..." Bulong niya sa tenga ko.
Naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko kaya naman napaatras ako, 'yung ulo lang pala. King ina, bigla akong kinilabutan. Lahat ng mga balahibo ko tumaas na.
"Bwisit ka! Bwisit!" Singhal ko sa kaniya at pinaghahampas ang dibdib niya, sinundot ko pa ang butas ng ilong niya para lang bitawan niya ako.
Nainis na ata kaya inilayo niya ang ulo niya para hindi ko mahila ang buhok ng ilong niya, ang kilay at ang pilik mata niya. Ang tangkad kasi ng king ina, kaya hindi ko na siya maabot!
"Fynn! Let her go! Sayaw lang ang gagawin niyo, don't you dare to hug her! Fuck you!"
Kaming dalawa ng kapatid ko, nagwawala na kami pareho.
♫♪ I'm not a girl
I'm not a girl don't tell me what to believe... Not yet a woman
I'm just tryin' to find the woman in me yeah... ♫♪
"Aaaah!" Sigaw ko ng muntikan na akong matumba dahil sa binitawan niya ako pero agad din naman niya akong sinalo.
"Subukan mong gumalaw, babagsak ka sa sahig." Sabi niya sa 'kin.
Tumayo ako ng maayos at sinamaan siya ng tingin. "Masusuntok na talaga kita kapag napuno ako sayo!"
"Sige lang. I don't care if you want to punch me but remember this... I won't let you to do that." Nginitian niya ako, isang sinserong ngiti.
"Gago, magagawa ko 'yon, kaya ko 'yon." Sagot ko sa kaniya.
"Well, do it if you can." Aniya sa 'kin.
"Psh! Kanina ka pa ah! Ang tagal mong king ina ka! Ang gulo-gulo bwisit, nung kina Chadley hindi naman sila ganiyan ah."
Nakita ko naman ang biglang pagseseryoso si Kayden. Nagseryoso rin ako, akala siguro ng hudlong na 'to hindi ko kaya ang ginagawa niya. Aba! Hindi ako papatalo sa kaniya, kung masungit siya, mas masungit ako.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 215
Magsimula sa umpisa
