"Don't you dare to give me a philosophical answer." Seryosong sabi niya. "Ilalagay mo lang naman ang kamay mo sa kamay ko, anong mahirap intindihin do'n?" Nanunuyang tanong niya.
"Wala naman," sabi ko, kahit kailan talaga napakamainipin ng lalaking 'to, hindi makapaghintay. May lakad siguro siya kaya palaging nagmamadali. "Ayan." Inilagay ko ang kamay ko sa kamay niya.
Sakto pa lang na lumapat ang mga balat namin ay parang kinukuryente na ako. Nagulat ako kaya naman nabitawan ko 'yon. Ano bang pakiramdam 'yon? Bakit nakakabigla.
Baka masunog pa ako rito dahil sa kuryente.
Nakita ko rin ang pamimilog ng mga mata niya. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya, naramdaman din kaya niya ang kuryente na dumadaloy sa pagitan naming dalawa? Umihip ang malamig na hangin pero hindi ko ramdam 'yon.
"Kayden, hawakan mo na ang kamay ni Heira, sabi mo ikaw ang huling magsasayaw sa kaniya kaya gawin mo na!" Sigaw ni Jharylle.
Ang lakas ng hiyawan ng mga kaklase namin sa paligid. Sigurado akong sobrang pula na ng mukha ko dahil kahihiyan. Talagang pasaway ang mga 'to. Ang ingay na nga sa labas, sumasabay pa ang mga bunganga nila.
Yumuko ako saglit, pagkataas ko ng ulo ko ay tumama ang paningin naming dalawa ni Kayden. Nasapak ko na lang ang dibdib ko ng mabilis na kumalabog 'yon.
Ngumiti siya!!! Ngumiti si Kayden! Ngumiti ang kulapo! Grabe naman, nakakabigla siya. Kailangan ko na ata ng tatlong tangke ng oxygen ngayon. Nanginig ang mga kamay ko.
"Will you let the song to end kahit na hindi pa kita naisasayaw?" Tanong niya sa 'kin.
"Hoy, Kulapo! 'Wag mo nga akong english-in d'yan. Marunong din ako niyan pero hindi ko naman ginagawa kaya dapat tagalog na lang ang gamitin mo!" Reklamo ko sa kaniya, iniwasan ko lang ang tanong niya.
"Tsk. You are now 18 years old yet you still have difficulty in understanding english." Panlalait niya.
"Marunong akong umintindi ng english! Kaya nga ako pumasa e, makakausap ba kita kung hindi ako marunong?"
"Oh... You can understand english but you still have difficulties in using english language when you're talking." Sarkastikong sabi niya.
"Pakialam mo ba? Pilipino kaya ako kaya tagalog ang ginagamit ko, hindi naman ako Americano para mag-english ng mag-english."
Pinagtaasan niya ako ng kilay at nagcross arm siya sa harapan ko. Ginaya ko rin siya, akala niya ba papatalo ako sa kaniya? Asa siya.
♫♪ All I need is time
A moment that is mine
While I'm in between
I'm not a girl... But if you look at me closely... You will see it in my eyes
This girl will always find her way... ♫♪
"English is the universal language. Kahit saan ka pa magpunta maririnig at mababasa mo ang mga 'yan kaya 'wag kang magreklamo." Masungit na sabi niya.
"Edi ikaw na matalino." Nagmake-face pa ako sa kaniya.
"Tsk." Aniya saka niya ako hinila.
Ang bilis ng pangyayari, nabunggo ako sa matigas na dibdib niya. Akala ko naman laman ang bubungguan ng noo ko pero hindi pala. Parang bato ang dibdib niya. Konti na lang mabukulan ako e.
Sumimangot ako saka ko hinimas ang noo ko pero nang mapagtanto ko ang posisyon naming dalawa ay agad kong tinangka na umatras pero hindi ko na nagawa. Hinawakan niya na ang bewang ko.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 215
Start from the beginning
