Chapter 214

Mulai dari awal
                                        

"Wag kang maingay, Yakie." Namumulang sabi niya.

"Bakit naman?"

"Kinikilig ako." Dagdag niya bago tumili. Natampal ko na lang ang noo ko.

"Baliw ka na, ayusin mo muna ang mga turnilyo ng utak mo, Ji."

Umakto namang inaayos niya 'yon. "Ayan, ayos na."

"Buti naman."

"Hoy! Kenji! Sabihin mo na sa kaniya 'yung wish mo sa kaniya!" Sigaw ng mga hudlong.

"Ano 'yun, Ji?"

Ngumiti siya sa 'kin. "Yakie, wala akong ibang gustong sabihin sayo kundi ang..."

"Ang?"

"Ang... ang sana pagpatuloy mo lang ang pagbibigay mo sa 'kin ng chocolates, ang sarap e." Sagot niya bago niya ako iwanan dito.

'Yun na 'yon?

♫♪ And you're miles and miles
From your nice warm bed
You just remember what your old pal said
Boy, you've got a friend in me
Yeah, you've got a friend in me... ♫♪

"This is for you." Abot sa 'kin ni Asher ng isang bulaklak ulit.

"Salamat. Ilan pa lang 'to pero nahihirapan na akong humawak." Sabi ko.

"You can do it. It's your birthday today kaya naman dapat mong gawin 'yan." Sagot niya.

"Bakit ba kasi may paganito pa e." Reklamo ko sa kaniya.

"Ang mahal ng mga 'yan, but it's okay because you are more precious than to those sunflowers." Aniya.

"Hindi naman, para sa 'kin... lahat tayo mga precious sa iba't ibang paraan." Sabi ko sa kaniya.

Tumango naman siya. "Happy birthday, uh... I don't know what to say because I'm nervous... kinakabahan ako, tangina naman..." Bulong niya sa sarili niya, nararamdaman ko naman ang panginginig ng kamay niya.

"Ayos lang 'yan, Ash. Hindi ka dapat kabahan."

Bumuga siya sa hangin. "Heira, alam kong ilang buwan pa lang tayong magkasama... as a classmates. Now, I am thankful to our dean dahil inilipat niya kayo sa section namin. You've done a lot not just for us... but for our section." Panimula niya habang sinasayaw niya ako.

"...Happy happy happy birthday, sana maging babae ka na talaga. Ayusin mo ang lakad mo, hindi 'yung parang siga ka sa kanto." Dagdag niya pa kaya naman sumama ang mukha ko.

"Edi wow. E sa hindi ako marunong maglakad ng maayos e."

"No need to do that. I'm joking. Just stay what you are, be happy always, kapag masaya ka... masaya rin ako."

"Asher..."

"Heira, you are special to me. More than special." Aniya saka ako iniwan.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang