"Both. I want to hear you call me kuya, it's good to hear." Aniya. "Alam mo bang ang tagal kong hinintay na tawagin mo akong kuya?" Ngumiti siya ng tipid at napailing.

"Kambal kaya tayo, bakit kita tatawaging kuya? Nauna ka lang ng ilang minutes sa 'kin." Natatawang sabi ko sa kaniya. "Saka hindi ko bet na tawagin ka ng gano'n, magpapaboss ka nananaman no'n."

"Of course, I'm your boss."

"Boss kita? Bakit, may sweldo ba 'ko?" Tanong ko, bahagya kaming gumalaw. Pakanan tapos pakaliwa, sinasabayan lang namin ang kanta.

"Yung mga binibigay kong allowances, don't you call it as a salary?" Panunumbat niya.

"Sabi ko nga."

Nagulat ako ng yakapin niya ako. 'Yung yakap na sa kaniya talaga nagmula. 'Yakap na matagal ko ng hindi nararamdaman, 'yakap na puno ng pag-aalaga at pagmamahal. Sa kaniya ko lang mararamdaman 'to dahil siya ang nag-iisa kong kapatid.

"Yakiesha... Kuya Kio is always here for you, kung nahihirapan ka na, sa 'kin ka kumapit, I'll never let you go. Kung pagod ka na, kay kuya ka sumandal, I'll never leave you. Kung nasasaktan ka na dahil sa dami ng iniisip mo, magsumbong ka sa 'kin, I'll do anything just to make you happy." Sinerong sabi niya.

Ngumiti ako at hinagod ang likod niya. "Ako rin, Kio. Pwede mo akong sandalan kapag may problema ka, magkakambal tayo at tayo rin ang magtutulungan." Sagot ko sa kaniya.

Humiwalay siya sa yakap. Napapikit ako ng halikan niya ang noo ko.

"Palagi kang poprotektahan ni Kuya..."

(Now playing: You've Got a Friend in Me by Randy Newman.)

♫♪You've got a friend in me
You've got a friend in me
When the road looks rough ahead... ♫♪

Binigay ni Kio ang mga kamay ko sa batang hapon na ngayon ay gwapong-gwapo dahil sa buhok niya. Nakayuko ako habang natatawang nakatingin sa kaniya.

"Yakie, oh." Inabot niya sa 'kin ang isang sunflower. Nakakatatlo na ako.

"Ayos na ayos ka ah, sa'n ang punta mo, mayor?" Pang-aasar ko sa kaniya.

"Kakandidato na 'ko, Yakie. Iboto mo ako sa paparating ba eleksyon ah!" Pagsakay niya sa biro ko.

"Oo ba, basta ba may 500 akong galing sayo."

"500 na kiss?" Ngumuso siya at inilapit ang mukha sa 'kin pero tinampal ko ang noo niya para palayuin siya.

"'Wag na, kadiri ka, Ji." Natatawang sabi ko sa kaniya.

"Maka-kadiri ka naman, Yakie. Kissable kaya ang mga lips ko, tara try natin sayo." Pagpupumilit niya, matangkad ako sa kaniya kaya hindi niya ako abot.

Sobrang bagal ng kanta, mukhang pina-slowed pa nila.

"Pinagsasabi mo r'yan? Ang bata-bata mo pa tapos ganiyan na ang mga sinasabi mo!" Saway ko sa kaniya. "Sabagay, nakiss mo na rin naman si... yiiiieeee!" Sabi ko sa kaniya saka ko kinurot ang tagiliran niya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now