"Buti naman, kaya 'wag ka ng makipag-away sa mga lalaki ha. Ako na lang mambubugbog sayo kung gusto mo." Sabat kaming natawa dahil sa sinabi niya.
♫♪ 'Cause you're a sky, 'cause you're a sky full of stars... I want to die in your arms, oh... 'Cause you get lighter the more it gets dark... I'm gonna give you my heart, oh... ♫♪
"Wala naman akong dapat ibang sabihin kundi ang mga ito. You grew up with your mom, and I know you're a great woman too. You are an unexplainable person with a good characteristics, ipagpatuloy mo lang 'yan, 'nak. We are here to support you, we love you always." Aniya.
Hindi ko maiwasang maiyak.
"Daddy naman... masyado naman ata tayong madrama niyan, nasa'n na 'yung daddy kong palaging tumatawa?" Pagbibiro ko.
"Heira... kung dumating man 'yung araw na magagalit ka sa 'ming pamilya mo. Remember that we do that with reason. Kapakanan mo ang i iisip namin. If the day comes when you know everything, we will accept your anger with us, we will not criticize you, we understand you.."
Kumunot ang noo ko. "Ano po bang sinasabi niyo, daddy?"
"Nothing, baby. Sige na, itabi mo na ang laptop, papanoorin ka namin ng mommy mo, marami pang magsasayaw sayo." Sabi niya. "Happy birthday." May pahabol pa.
"Salamat po," sagot ko.
♫♪ I don't care, go on and tear me apart... I don't care if you do, oh
'Cause in a sky, 'cause in sky full of stars... I think I see you... I think I see you... ♫♪
Kinuha ni Kio ang laptop at pinatong sa may lamesa ng hindi pinapatay ang tawag. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay 'yon sa mga balikat niya, inilagay niya naman ang kaniya sa bewang ko. Ngitian ko siya ng nakaloko. Nag-abot din siya ng isang bulaklak.
"What kind of smile is that?" Nakangiwing tanong niya. "Mukha kang aso kaya tigilan mo 'yan."
"Ang sakit mong magsalita, alam mo ba 'yon ha?"
"I don't care. 18 ka na kaya sana naman umakto ka na parang babae, not that... Aissssh!" Singhal niya. "Para kang isang lalaki." Dagdag niya.
"Ayaw mo no'n, may pogi kang kapatid?" Sagot ko atsaka nagpogi-sign.
Pinitik niya ang noo ko. "Yakiesha, you're a woman, a woman, a girl, a princess." Halos pabulong na sabi niya sa dulo.
"Sus, Kio naman..." Kinamot ko ang ulo ko. "Hindi nga ako princess, ang kulit niyo ring pareho ni daddy e."
"Yes, you're not. Mas mukha ka kasing dragon na nagbabantay sa prinsesa."
"Kanina ka pa ah, hindi ba pwedeng maging mabait ka kahit ngayon lang?" Nakasimangot na hiling ko sa kaniya. "Birthday mo rin naman ngayon, 18 la na rin, matanda ka na... kuya Kio." Pang-aasar ko.
♫♪ 'Cause you're a sky, you're a sky full of stars... Such a heavenly view
You're such a heavenly view, yeah, yeah, yeah, yeah... ♫♪
"Well... nice to hear that." Ngayon ko siya nakitang ngumiti ng sinsero sa 'kin.
"Ang alin? Ang Kuya Kio o ang happy birthday?" Maang-maangang tanong ko sa kaniya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 214
Start from the beginning
