"Light's off!" Sigaw ni Alzhane.

Pinatay nila saglit ang ilaw. Tinabi nila sa isang gilid ang mga upuan at pinatayo nila ako sa gitna. Nagulat ako ng bigla na lang bumukas ang mga Christmas lights na isang daang taon na atang hindi nabubuksan ang mga 'to e.

Kunot -noong tinignan ko lang ang mga kasama ko rito habang may inaayos sila. Biglang tumunog ang speaker, nung una may biglang umungol na babae, king ina lang, birthday 'to, birthday ko, hindi birthday mo, Aiden.

Tumawa kami ng malakas ng taranta niyang pinatay ang speaker. Tinanggal niya ang pagkakaconnect no'n. Hindi ko mapigilan ang halaklak ko. Ilang beses na ba siyang nadulas sa mga gano'n niya. Sabagay lalaki siya, pwede naman silang manood ng gano'n pero nakakadiri pa rin 'yon.

"Gago ka, 'dre. Sabi namin 'yung romantic na kanta. Hindi romantic talaga, sumobra naman ata 'yan." Rinig kong sabi ni Xavier. "Ayahaaay! Yari ka mamaya kay Yakie niyan, isama mo pa 'yung kakambal niya. Patay ka."

Mas lumakas ang pagtawa namin, kinabahan at si Aiden dahil do'n ah. Napapalunok pa siya. Pagbibigyan ko na siya habang mabait pa 'ko. Sa susunod ko na lang siya babatukan.

Mas kumunot ang noo ko ng gumawa ng pila ang ilang mga hudlong, nasa gilid naman 'yung iba at may kaniya-kaniyang dala kasama ang mga babaita. Ano nananaman kayang pakulo 'to? Nauuna si Kio dala ang isang laptop.

(Now playing: A Sky Full of Stars by Coldplay.)

♫♪ 'Cause you're a sky, 'cause you're a sky full of stars
I'm gonna give you my heart
'Cause you're a sky, 'cause you're a sky full of stars
'Cause you light up the path... ♫♪

Naunang lumapit sa 'kin si Kio at iniabot sa 'kin ang laptop niya, lumitaw doon ang presensya ni daddy, nakavideocall siya, may suot pa siyang suot na suit habang ako nakasimpleng t-shirt lang. Dinaig pa ako. May binigay siya bumaklak, isang kulay dilaw na bumaklak, sunflower ata 'yon.

"Hawakan mo ng maayos 'yan, kapag nabasag mo 'yan, babatukan kita." Pagbabanta niya bago niya ako iwanan habang hawak ko ang laptop.

"Daddy..." Tawag ko sa kaniya, bahagya akong humakbang-hakbang na para bang sumasayaw kami ng mga mababagal na kanta.

♫♪ I don't care, go on and tear me apart... I don't care if you do, ooh
'Cause in a sky, 'cause in a sky full of stars... I think I saw you... ♫♪

"Anak... my princess, Heira." Parang naiiyak pa siya, kunwari niya rin akong sinasayaw.

"Daddy naman e! Hindi ako princess!" Alma ko, may prinsesa bang nakipagbasagan ng ulo?

"Prinsipe, gano'n?" Natatawang tanong niya.

"Pwede ring kawal, depende sa trip niyo." Sabi ko sa kaniya.

"Ang bibig mo, you're an 18 years old."

"Opo, 'wag niyo na pong banggitin, parang ang tanda-tanda ko na kapag naririnig ko 'yon e."

"You need to accept it, 'nak. You are old enough para malaman mo ang tama at mali."

"Opo naman, ako pa." Taas noong sagot ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now