Kumuha ng hair brush si Eiya tsaka niya tinapat sa 'min ni Kenji. Parang question and answer ang ginagawa namin. Ay hindi pala, parang reporter si Kenji tapos ako 'yung tinatanong. Jusme. Hindi muna nila ako hinayaang magbihis muna, ang lamig kaya.
"Kaninang umaga ka pa wala o ngayon lang?" Ngumuso siya. "Sabi mo hahanap ka lang ng tubig mo tapos hindi ka na bumalik!" Panunumbat niya pa at sininghot-singhot pa, namumuo na ang luha sa gilid ng mga mata niya.
Anak ng...
Para siyang batang nanunumbat sa nanay niya dahil hindi siya sinama sa pinuntahan niya tapos hindi siya nagpaalam, tumakas lang.
"Kaninang umaga pa. Hindi na ako nakabalik ng room kasi nawili na ako sa mga booths ng mga grade 12. Ang dami kayang laro kanina! May nakuha pa nga akong prize kanina dahil nanalo kami!" Masayang sabi ko habang iniisip ang malaking stitch na nakuha namin kanina ni Cale.
"Sinong kasama mo?" Tanong niya, sino nga ba?
Nung umaga si Cale ang kasama ko, bandang magtatanghalian si Chadley naman tapos kani-kanina lang si Kayden naman. Ewan ko ba, palagi na lang may nanghihila sa 'kin, gusto atang agawin sa 'kin ang braso ko.
"Si Brazen Cale." Sagot ko.
"Brazen Cale?!" Tanong nilang lahat.
"Oo, siya 'yung kasama ko kanina nung naglalaro ako sa mga booths. Siya rin 'yung kasama ko nung makuha namin 'yung stitch." Tumawa ako. "Siya nga ang nakakuha no'n, inangkin ko lang."
"Magkasama kayo ng kumag na 'yon?" Tanong ni Trina.
"Oo. Siya nga, siya 'yung nagbigay sa 'kin ng tubig, tapos hinila niya na lang ang kamay ko no'n para makapunta kami sa mga booths." Sagot ko saka ako umupo, gumaya naman silang lahat, mga chismosang palaka talaga.
"Bakit nandito 'yon? Is he the man who was looking for you when we were at the resort?" Alzhane asked.
Tumango ako. "Oo, ilang beses niyo ng tinanong sa 'kin 'yan e. Dito nga kasi siya nag-aaral kaya hindi malabong magkita kami... tayo." Tugon ko.
Kinuha ko ang bag ko saka ako kumuha ng damit pero wala pa akong balak magpalit. Nakakatakot kayang pumunta sa cr nito, wala akong kasama, magpapatulong na lang ako kina Eiya mamaya nito.
"Sinabi mo na ata sa 'min 'yan..." Sabi ni Eiya at nag-isip pa na animong may inaalala.
"Oo nga kasi, grade 12 na raw siya pero tapos na ang trabaho niya sa booth niya kaya nagpatulong siya sa 'kin na maglibot."
"Jusme! Bakit hindi mo agad sinabi sa 'min, akala namin nakidnap ka nananaman." OA na sabi ni Trina.
"Grabe ka naman, alangang tumunganga ako buong araw dito sa loob ng room natin. Mamayang gabi pa raw nila gagawin 'yung continuation ng program."
"Oo nga, sinabi nga rin nila sa 'min 'yon." Pagsang-ayon ni Hanna sa 'kin.
"Bakit nung naglalaro na kami sa mga booths hindi ka namin nakita? Si Brazen nakita ko pero presensya mo, wala." Sabat ni Aiden sa 'min.
"Ah..." Umiwas ako ng tingin.
Dapat ko pa bang sabihin sa kanila na kaya hindi nila ako nakita kanina dahil hinila ako ni Chadley papunta sa tambayan at do'n sinabing nagseselos siya sa hindi ko malamang dahilan kaya... hinalikan niya 'ko?
Umiling naman ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila 'yon. Hindi lahat ng nangyayari sa buhay ko pwede kong sabihin sa kanila.
Hindi dahil wala akong tiwala kundi dahil nakakahiya kung sasabihin ko pa sa kanila 'yun. Nandito pa naman sa loob si Chadley at nanahimik ss isang gilid habang ginagamit ang cellphone niya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 213
Start from the beginning
