Wala akong alam na pwedeng gawin ngayon kundi ang 'wag na lang munang kumibo kapag malapit siya dahil nakakakaba talaga. Ito ang unang beses na umamin ako kaya hindi ko rin alam kung paano ko pakikisamahan ang ginawa ko.
Umiling ako ng marahas. Aissssh! Anong gagawin ko nito? Malay ko ba sa mga dapat gawin pagkatapos umamin. Bahala na nga, walang magbabago.
Walang magbabago, Heira, 'yung dati pa rin dapat, 'yung dati na palagi kang mahinahon sa kaniya kahit na sinusungitan ka na niya.
Oo, 'yon na lang, kaysa naman sa mag-isip pa ako ng pwedeng gawin ko, baka mabaliw lang ako. Porke ba sinayaw niya ako sa ilalim ng ulan, ituturing ko na siyang parang isang hari? Hindi 'no!
Hindi naman siya ang gumawa nung ulan.
"Naulanan lang." Palusot ko kay Kenji.
Nakita ko ang pagpasok ni Kayden. Wala na! Talagang sumunod pa siya rito ah. Ay tanga, malamang dito rin ang room niya kaya siya nandito. Ano ba, Heira, nalaglag na ata ang mga turnilyo ng utak mo kaya iba-iba na ang naiisip mo ngayon.
"Magpunas ka muna, baka magkasakit ka." Sabi ni Shikainah at inabutan niya ako ng isang twalya.
Babad na nga rin pala ang mga twalya na nasa balikat ko ngayon. Tatlo 'to pero lahat basang-basa rin. Sakto lang na hindi ako nilamig habang tumatakbo ako kanina.
"Hala, 'dre, bakit basang-basa ka rin?" Rinig kong tanong ni Xavier kaya naman napalingon ako sa pwesto nila.
Nagtama ang paningin naming dalawa ni Kayden pero agad din akong nag-iwas ng tingin ng ngumiwi siya saka niya ako inismiran. Wala pa ring nagbago, masungit pa rin.
"May hinabol kasi akong sadako kanina pero tumakbo ng mabilis." Sarkastikong sagot niya at sumulyap pa sa 'kin.
Sinong sadako? Ako? Kamukha ba ako ni Sadako para sabihan niya ako ng gano'n? Sapakan na lang.
"Lumabas ka na nananaman, hindi ka nagpaalam." Sabi ni Alzhane. "You're not with us since this morning."
"Pasensya na... hindi ko na nasabi sayo kasi ano... ano... 'yung ano naano kaya ano." Kinamot ko ang ulo ko ng mapansing nakatingin sa gawi ko si Kayden.
"Anong ano? Puro ka ano, anohin kita r'yan e!" Sabi naman ni Trina at inambahan niya ako ng batok pero agad din akong nakaiwas.
Iba na ang alerto.
"Yakie! Mag-explain ka! Sa'n ka galing? Bakit hindi mo ako kasama? Kaninang umaga ka pa wala o ngayon lang? Sinong kasama mo? Bakit ngayon ka lang? Bakit—!"
"Teka lang!" Sigaw ko.
Nilagay ko ang palad ko sa bibig ni Kenji dahilan para mapatigil siya sa pagtatanong. Ang daming tanong tapos ang bilis pa magsalita, dinaig niya pa si mommy ah.
"Hinay-hinay lang, mahina ang kalaban." Sabi ko sa kanila. "Isa-isa lang naman, 'wag niyong biglain ang utak ko, nilalamig na ako e."
Binitawan ko ang bibig ni Kenji, baka kagatin pa niya ako.
"Sige, magtanong ka na." Sabi ko sa kaniya habang nagpupunas ako ng buhok ko.
"Sa'n ka galing?" Nanghihinalang tanong niya.
"Hindi ko alam kung saan 'yon pero maganda 'yung lugar na 'yon." Pagtatapat ko saka ngumiti.
"Bakit hindi mo ako kasama?" Inis na tanong niya, kulang na lang umiyak na siya dahil sa sobrang sama ng mukha niya.
"Malay ko bang pupunta pala ako ro'n tsaka bakit naman kita isasama e hindi naman kita kasama maghapon, ngayon pa nga lang ako pumasok e." Sagot ko.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 213
Start from the beginning
