"Si Chadley nananaman! It's always been Chadley, Chadley who is always nice, always kind, always smart, always responsible." Huminga siya ng malalim."...Chadley who did nothing but get the attention of others. He's just always. He who is always worshiped even when he has done only a small thing!" Sigaw niya, mas lumakas ang hagulgol ko ng marinig ko ang mga pag-iyak niya.
"Kayden... hindi." Bulong ko.
"...We've been together since childhood, since childhood he's the only one they fucking always see, while I'm here, they fucking don't give me even a fucking little attention." Para akong nadudurog ngayon dahil sa nakikita ko.
He looks like a lost boy. Sinasabunutan at ginugulo niya ang buhok niya.
May hinanakit ba siya kay Chadley? Iyan ba ang dahilan kung bakit galit siya sa isa?
"Why do you always choose Chadley? Chadley who has a whole and complete family," tinakpan niya ang mga mata niya para pigilan ang mga luha niya.
"That boy, that Chadley who is blessed with a lot of fucking love. While I, this, living in my grandparents' house and taking care of my fucking siblings alone for a fucking long time because I no longer have parents. They left me, they fucking left me with a huge responsibility!" Sigaw niya na para bang isang batang nagsusumbong at nagsasabi ng mga hinanakit niya.
Patakbo akong lumapit sa kaniya at niyakap siya mula sa likod. Gusto ko siyang pakalamahin, gusto ko siyang patahanin dahil sa unang pagkakataon, sinabi niya sa 'kin ang problema niya... ang problema ng pamilya niya.
"Tama na, Kayden... nasasaktan na ako." Sabi ko sa kaniya, hindi na namin alintana ang ulan.
"And now... pati ikaw? They always say that you like me! 'Yun ang pinanghahawakan ko dahil alam kong gusto mo ako. I always pushing you away. But I can even deny that I am hurting whenever I see you with him." Aniya, napahagulgol ako sa likod niya. Hinawakan niya ang mga kamay kong yumayakap sa kaniya.
"Ano bang sinasabi mo, Kayden?" Humihikbing tanong ko sa kaniya. "Tama na, nagmamakaawa na ako, tama na dahil nasasaktan ka lang."
"...Akala ko ako ang gusto mo... ako ang mahal mo. But I was fucking wrong. All this time, It was him. " Aniya at tinanggal ang pagkakayakap ko sa kaniya.
Nanikip ang dibdib ko dahil sa ginawa niya. Hindi, Kayden. Hindi siya. Hindi siya ang taong laman ng puso ko.
"Si Chadley nananaman pala. I want to punch his face for stealing your feelings for me. You're avoiding me for fucking so long, ngayong handa na akong makipag-ayos sayo tsaka ko makikita-!"
"Tangina, Kayden! Mahal kita!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong isigaw sa kaniya 'yon. "Ikaw ang mahal ko, ikaw! Hindi siya! Hindi ang iba! Ikaw 'yon! Ikaw ang mahal ko, putangina!" Sigaw ko at napapadyak na lang dahil sa bigat ng nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko siya kayang makitang nasasaktan dahil pati ako nasasaktan din. Ayaw ko siyang nahihirapan dahil kahit ako nahihirapan na rin.
Umawang ang mga labi niya. "What did you say?" Tanong niya sa 'kin, may luha pa ring tumutulo sa mga mata niya.
Kahit na umuulan, halata pa rin 'yon dahil kumikinang ang mga mata niya. Tama na, tapusin na natin 'to. Ayaw ko ng masaktan ka pa.
"Oo, ikaw. Ikaw ang mahal ko, Kayden. Nung una sabi ko gusto lang kita pero sa tuwing kasama kita mas lumalalim 'yung nararamdaman ko sayo, sinubukan ko naman e... Sinubukan ko namang pigilan at tigilan na 'to dahil alam kong masasaktan lang ako sa dulo..." Huminga ako ng malalim at lumunok, may kung anong bato ang bumabara sa lalamunan ko.
"...Alam kong si Zoe pa rin 'yang nasa puso mo kaya nung una pa lang... una pa lang ay sinusubukan ko ng pigilan pero tangina naman, sa tuwing pipigilan ko 'yon mas lalo kitang nagugustu-!"
Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng mabilis siyang lumapit sa 'kin. Hinapit niya ako at sa isang iglap ay nasa labi niya na ang labi ko, napapikit na lang ako at hinahayaan ang mga luha ko.
Inilagay ko sa batok niya ang mga kamay ko at mas lalo ko siyang hinapit. Masaya ako, masaya ako dahil kasama ko siya ngayon.
May pinindot-pindot siya sa susi ng kotse niya, nagawa niya 'yon ng hindi pinaghihiwalay ang mga labi namin. Ilang saglit lang ay humiwalay ako at naghabol ng hininga.
Tumingin ako sa mga mata niyang pumupungay. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko at pumikit. Dinama namin ang kanta at bahagyang gumalaw.
Nasa batok niya pa rin ang mga kamay ko, nasa bewang ko naman ang kaniya. Mahal ko na ang taong ito. Mahal ko na siya kahit na alam kong leader siya ng isang gang. Mahal ko na siya kahit na alam kong wala siyang pinapatawad.
Mahal ko siya kung ano man siya.
Hindi magbabago 'yon. Pumikit ako ng maramdaman ko ang labi niya sa noo ko. Halik na puno ng pag-iingat, halik na ngayon ko lang nakuha sa kaniya.
Hinawakan niya ang isa kong kamay at pinaikot na parang isang mananayaw. Hawak kamay kaming sumaway sa gitna ng ulan. Magkawak kami at away na naming bitawan ang isa't. Ngumiti ako sa kaniya, gano'n din siya.
Pareho kaming babad sa tubig pero mas nag-uumapaw pa rin ang pagmamahal ko sa kaniya. Siya ba? Mahal niya rin ba ako?
Hinila niya ako papunta sa kaniya at niyakap ng mahigpit. Niyakap ko rin siya pabalik. Naramdaman ko na lang ang pagsuklay niya sa buhok ko at paulit-ulit na paghalik sa noo ko.
"Hindi kita iiwan, Kayden. Mahal kita... nandito ako sa tuwing kailangan mo ng karamay. Alam kong matatag kang lalaki, pero hindi lahat kaya mong pasanin. Alam kong makakayanan mo rin ang lahat ng iyan-."
"I love you..." Natigilan ako ng marinig ko ang mga salitang iyon. Napangiti ako. Hinalikan niya muli ako sa labi, hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinagdikit ang mga noo namin. "...'Til the end of time."
Mahal niya ako. 'Yan ang itatatak ko sa isip ko.
Naniniwala ako sa kaniya. Sa gitna ng ulan umiyak kaming dalawa. Sa gitna ng ulan magkasama kaming dalawa. Sa gitna ng ulan... nasabi naming mahal namin ang isa't isa.
STAI LEGGENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 212
Comincia dall'inizio
