"Kayden! Bumalik ka na rito! Umuulan, magkakasakit ka niyan!" Sigaw ko sa kaniya ng ibaba ko ang bintana ng sasakyan niya.
"Kayden ano ba! Pumasok ka na dito, hoy! Putragis naman! Kapag ikaw nilagnat, bahala ka sa buhay mo!" Sigaw ko ulit pero tanging pag-iling lang ang ginawa niya.
Bumaba na ako ng sasakyan, kita ko ang paglingon niya sa gawi ko. Agad niya akong sinamaan ng tingin. Wala naman kaming dalang payong. Nasa likod ng sasakyan niya ang stitch na dala ko.
"What the fuck are you doing?!" Inis na tanong niya. "Bumalik ka na sa loob," utos niya.
"Ayoko nga!" Sagot ko sa kaniya, nagtatatalon na lang din ako sa ulan.
"Go back to the car! Shit. Malamig dito." Aniya habang palapit ako sa kaniya.
"Nung sinabi ko ba sayong bumalik ka sa loob ng sasakyan nakinig ka ba? Hindi naman 'diba? Kung ayaw mong pumasok, ayaw ko rin! Bahala na kung maulanan!" Sabi ko ng makalapit ako sa kaniya.
"Heira..." Mariing tawag niya.
"Ayaw ko, Kayden." Sabi ko sa kaniya.
"Fuck..." He cursed.
"Wag mo akong murahin, hindi mo naman ako pinapakain!"
"At sinong nagpapakain sayo? Si Chadley? Pinakain niya ang labi niya?!"
"Hoy! Bastos ka!" Sigaw ko sa kaniya bago ko pinunasan ang mukha ko, wala rin namang nangyari, nababasa pa rin.
"What? I'm just telling the truth." Mapait siyang ngumisi. "What is the true score between you and Chadley?!" Galit na tanong niya.
"Hindi! Ang ibig kong sabihin, wala! Walang kahit na ano ang namamagitan sa 'min ni Chadley."
"You're not together but you two are kissing. Nice." Sarkastikong sagot niya bago siya tumalikod.
Napakurap-kurap naman ako at napanganga. Anong sinabi niya? Hindi naman ako nabibingi 'diba? Galit ba siya dahil... dahil hinalikan ako ni Chadley?
"N-nakita mo 'yung k-kanina?" Utal na tanong ko sa kaniya. Nanigas ako sa katayuan ko ng sumagot siya.
"Yes. I saw him, kissing you... but you just let him do that to you." Mariing sagot niya. "Now tell me... bakit mo siya hinayaang halikan ka? Mahal mo na siya ha?" Tanong niya habang nakatalikod sa 'kin.
Parang dinaga naman ang puso ko dahil sa sinabi niya. Ilang beses niya na ba akong nakita na hinahalikan ng iba? Nahihiya na ako sa kaniya... hindi ko alam kung bakit pero ayaw ko sa iba... gusto ko sa kaniya.
"Hindi ko naman inaasahan na gagawin niya 'yon huli na ng mapigilan ko siya." Nakayukong sabi ko sa kaniya.
"What kind of answer is that? Kung ayaw mo talaga sa kaniya, tinulak mo siya pero hindi! His kiss lasts for a minute, do you think he can do that kung pinigilan mo siya?!" Sigaw niya sa 'kin.
"Wala naman talaga akong alam na gagawin niya 'yon. Sinubukan ko siyang itulak pero hindi ko magawa dahil mas mapwersa siya kaysa sa 'kin." Paliwanag ko..
"Gusto mo ba siya?" Tanong niya sa 'kin kaya naman tinignan ko siya, lumayo siya sa 'kin ng ilang metro.
"Kayden..." Hindi ko masagot ang tanong niya dahil baka masabi ko lang sa kaniya na siya ang gusto ko.
Ayaw kong iwasan niya lang ako dahil lang do'n.
"You like him." Siya na ang sumagot sa tanong niya. "Tangina!" Sigaw niya, sunod-sunod na tumulo ang luha ko.
"Kayden..." Subukan ko siyang lapitan pero hindi ko magawa, parang napako na ako sa kinatatayuan ko.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 212
Start from the beginning
