"Anong ginawa mo, Heira?!" Sigaw niya rin sa 'kin, nagulat ako ro'n. Hindi ko inaasahang masisigawan niya ako ng ganito.
"Ano nananaman bang ginawa ko sayo?!"
"Fuck!" Mura niya at hinampas ang taas ng kotse. "Pumasok ka na sa loob!" Utos niya.
"At bakit naman kita susundin ha?!"
"Damn it! Get inside the car now, habang nakakapagtimpi pa ako."
"Sino ka ba para utusan ako ha?! Ikaw nga itong bigla na lang nanghihila!"
"Heira, please! Baka kung ano pang magawa ko sayo ngayon kaya pumasok ka muna sa loob." Lumambot ang mga tingin niya pero kuyom na kuyom pa rin ang mga palad niya at mabilis ang paghinga niya, may mga ugat na ring lumalabas sa noo at leeg niya.
Alam kong nagpipigil siya ng galit niya. Pinipigilan niya ang sarili niyang saktan ako ngayon pero bakit? Bakit siya nagagalit sa 'kin? Wala naman akong atraso sa kaniya.
Sa huli ay pinakalma ko ang sarili ko bago ako pumasok sa kotse niya. Nakakatakot siya ngayon, konti na lang ay mapagbubuhatan niya na ako ng kamay kanina. Ayaw kong mangyari 'yon kaya naman sinunod ko na lang ang gusto niya.
"Teka, saan tayo pupunta?!" Kinakabahang tanong ko sa kaniya ng pumasok siya at pinaandar ang kotse. "Sa'n mo ako dadalhin, Kayden?! Ibaba mo na lang ako!" Sigaw ko sa kaniya, pilit kong binubuksan ang pinto pero nakalock pala 'yon. Kaya kong tumalon ngayon sa kotse na 'to.
"Shut up first." Mahinanahong sabi niya pero binibilisan niya naman ang pagmamaneho niya, napakapit ako sa seatbelt ko, buti na lang pala at nasuot ko na 'to.
"Kayden, baka maaksidente tayo, malakas ang ulan." Kinakabahang paalala ko sa kaniya.
"Heira... tell me." Sabi niya sa 'kin, hindi pinansin ang sinabi ko sa kaniya. "Are you in a relationship with Chad?" Kalmado pero madiing sabi niya.
"..."
Hindi ako sumagot. Sumandal na lang ako sa upuan at tumingin sa bintana. Ang hirap kausap ng lalaking 'to. Bahala na kung maaksidente kami, kasalanan naman niya.
"Please! Fucking tell me, Heira! Bullshit!" Sabi niya at bigla na lang siyang bumusina ng bumusina.
"Wala! Wala kaming relasyon ni Chadley, magkaibigan lang kami." Sigaw ko na sagot ko sa kaniya. "Itigil mo nga 'yan, nakakabulabog ka ng iba!" Saway ko sa kaniya.
"Fuck it." Bulong niya.
Bago niya hinampas ang manibela gamit ang isang kamay, nakapatong naman sa bintana ang isang siko niya habang hinahaplos ang labi niya. Napapalunok na lang ako dahil sa tindi ng galit niya.
"Bakit ka ba nagkakaganiyan?" Bulong ko sa kaniya, wala akong lakas para labanan ko ang mga tingin niya.
Hindi siya sumagot sa 'kin. Hinayaan ko na lanh siya dahil baka pinapakalma niya ang sarili niya mula sa galit. Kayden, ano bang nangyayari sayo?
Pinanood ko ang mga nadaranan naming mga bahay at mga sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon, hindi kasi pamilyar sa 'kin ang daan na tinatahak namin.
Nagulat na lang ako ng ihinto niya ang sasakyan sa isang lugar na parang talambak. Kahit na umuulan ay kita ko pa rin na parang nasa itaas kami dahil kita ko ang buuang syudad. Madilim ang buong lugar dahil sa ulan.
Bigla siyang bumaba ng sasakyan at pumunta sa gitna nung talambak. Nagpaulan, nakatingala, mabigat ang paghinga niya at nakapamewang pa. Ano nananaman ang pumasok sa utak niya ngayon at nagpaulan siya.
CZYTASZ
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Dla nastolatkówPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 212
Zacznij od początku
