"Who's that?" Seryosong tanong niya.
"Si Cale 'yon."
"Your friend?"
"Ewan ko, bast kakilala ko."
"Kanina ka pa namin hinahanap, kasama mo lang pala siya." Nakangiwing sabi niya.
"Pasensya na kung hindi ko na nasabi sa inyo. Nasa bag kasi ang cellphone ko." Sagot ko sa kaniya.
"Tsh! Pa'no kung masamang tao 'yon, hindi mo naman pala siya kaibigan pero sumasama ka sa kaniya!" Nagulat ako dahil sa biglang pagtaas ng boses niya.
Biglang dumilim ang paligid. Mukhang uulan pa ata, may bagyo sigurong paparating. Parang kanina lang ang init tapos ngayon makulimlim na.
"Hindi naman siya magamang tao e! Tsaka kakilala ko naman siya, anong masama ro'n kung samahan ko siya?" Katwiran ko.
"Anong masama? Damn it! Heira, you're a woman and he's a man. Ano na lang ang iisipin ng iba kapag nakita nila kayo, may pabigay-bigay pa siya ng ganiyan." Turo niya sa stitch na hawak ko.
"Hindi naman niya binigay 'to. Tinulungan niya lang akong makuha 'to sa isang booth. Gusto mong samahan kita para makakuha ka rin ng ganito?"
"Ayoko nga. Anong gagawin ko r'yan?"
"Yakapin mo kapag natutulog ka."
"No, thanks. Ayaw ko ng makita na kasama mo 'yon!"
"Bakit ba?! Ano bang mali kung samahan ko siya?!" Inis na sabi ko sa kaniya. "Aaaah!" Sigaw ko at napapikit ng marinig ko ang isang malakas ng kulog.
"I'm jealous." Bulong niya.
"Ha?"
Nagulat ako ng hapitin niya ang braso ko dahilan para mabitawan ko ang hawak ko. Nabunggo ako sa mga dibdib niya. Sinubukan kong umatras pero hinawakan niya ang bewang ko kaya wala na akong magawa.
"I said... I'm jealous." Sabi niya.
Kasunod no'n ay ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at sobra ang kalabog ng puso ko. Sinubukan ko siyang itulak pero hindi ko nagawa dahil wala akong lakas. Nanlalambot ang mga tuhod ko.
"Chadley..." Sabi ko na lang ng bitawan niya ang mga labi ko.
"Happy birthday." Sagot niya bago niya ako iwanang nakatanga roon at nagtataka kung bakit niya ginawa 'yon at kung bakit... kung bakit alam niyang birthday ko ngayon.
Nasabunutan ko na lang ang sarili ko. Ano bang ginagawa mo, Heira! Tangina naman... ano nananaman ba 'yon? Bakit palaging may pagano'n? Inis kong dinampot ang stitch at pinagpagan 'yon.
"Yari ka sa 'kin kapag nakita kita, Chadley." Bulong ko sa sarili ko.
Naglakad ako papunta sa building namin dahil nararamdaman ko na ang mga patik galing sa kalangitan at unti-unting lumakas 'yon.
Akmang papasok na ako sa room namin ng may humawak sa kamay ko at bago pa ako nakasagot ay nakaladakad niya na ako palabas ng university, kung paano namin nagawa 'yon, hindi ko rin alam. Basta isang iglap nasa parking lot na kami ni Kayden, basang-basa.
"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa kaniya. "Isa, sabing bitawan mo ako e!" Dagdag ko pa, may salilong na kami kaya hindi na kami nababasa ng ulan.
Nakita ko naman ang mga nagliliyab niyang mga mata at galit ng mga tingin niya. Napaatras ako dahil sa kaba ko. Nakita ko na siyang nagalit dati pero hindi 'yung ganito kagalit. Parang hindi ko na siya kilala e.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 212
Start from the beginning
