"Y-yung... 'yung ano. Aissssh! Bwisit ka, bahala ka nga r'yan, baka masira ko ng wala sa oras ang mukha mo!" Inis na sabi ko sa kaniya tsaka ko siya tinalikura.

"Hoy, teka lang. Balik ka rito! Ito na 'yung stitch mo!" Sigaw niya sa 'kin pero tuloy-tuloy akong naglakad papalayo. "Pakibilisan naman, oo 'yan. Thank you!" 'Yung grade 12 siguro ang kinakausap niya.

Narinig ko ang pagsunod niya. Ang lakas din pala ng topak ng lalaking 'to minsan e. Sarap ng sapakin ng paulit-ulit. Pumikit ako at bumuga sa hangin ng maramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko.

Hinarap ko siya.

"Ano nananaman-"

"Ayan na 'yung stitch mo!" Putol niya sa sinasabi ko.

Nawala ang pagkasalubong ng kilay ko at agad na kinuha 'yung stitch na nakuha niya. Niyakap ko agad 'yon at ngumiti sa kaniya. Nagthumbs up na lang ako, bawi ang pang-aasar niya sa 'kin.

Sa kalagitnaan ng pagsasaya ko dahil sa stitch na binigay niya, may biglang humablot ng isang kamay ko at agad na inilagay sa kamay ko ang isang posas. Gano'n din si Cale. Ano nananaman 'to?

"Ate, ano po 'to?" Tanong ko at itinaas ang posas na nakalagay sa kamay namin ni Cale.

"Nahuli po kayo. Ikakasal po kayo sa marriage booth."

"Marriage booth?!" Singhal naming pareho ni Cale.

"Yes po, sa may main building po tayo, nando'n ang chapel kung saan gaganapin ang kasal."

"Ayaw ko!" Sabay na sabi namin ni Cale. Nagkatinginan kaming pareho at sabay na inirapan ang isa't isa.

"Bawal pong umayaw. Nahuli na po kayo kaya kailangan niyo pong pumunta ro'n. Sa ayaw at sa gusto niyo."

"Ayaw namin pakasalan ang isa't isa!" Sabi naming dalawa.

"Sus, ang sweet niyo nga kanina. Ayan oh, may dala pa kayong stuff toy, nakita kong binigay sayo ni Brazen niyan." Kinikilig na sabi nung babae. Kanina niya pa kami hinila pero dahil mabigat kami, hindi man lang kami naalis sa pwesto namin.

"Chelseah! Stop it!" Sambit ni Cale.

Pinilit niya kaming hilahin pero nagmatigas kaming pareho ni Cale para lang hindi nila kami madala sa main building. Baka makita ko pa ro'n si Queen Bobowyowg.

"I'll pay for their penalty. Pakawalan niyo na silang dalawa."

Pare-parehas kaming tumingin sa lalaking nagsalita. Nagtama ang paningin naming dalawa ni Chadley. Nagtataka nga ako kung bakit parang ang lamig ngayon ng tingin niya. May binigay siyang pera sa babae, agad namang sumulat nung Chelseah sa hawak niyang papel.

Pinakawalan rin nila kami sa wakas. Hindi pa nga ako nakakapagsalita ng hapitin na ako ni Chadley sa gawi niya. Tumingin ako kay Cale na ngayon ay nagtataka.

"Let's go. Hinahanap ka na nila." Sabi ni Chadley. Tumango ako.

"Sige na, Cale. Mauuna na kami. Salamat dito!" Tinaas ko ang stitch na binigay niya sa 'kin.

"Sige, thank you for your time." Sabi niya saka kumaway.

Kumaway na lang din ako saka ako nagpadala sa mga hakbang ni Chadley. Hindi na ako nagtaka ng hilahin niya ako papunta sa tambayan. Umupo kaming dalawa ni Chadley sa may lamesang bato.

Binitawan niya ako. Niyakap ko naman ang dala ko. Alam kong bago pa 'to dahil sa amoy niya. Ang bango, parang galing sa abroad. Narinig ko ang mga pagsinghal niya, hinayaan ko na lang siya, baka may gusto siyang sabihin ngayon.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora