Chapter 212

Mulai dari awal
                                        

Pinalaki ko ang mata ko para makita ang natira niya, tama nga, nasa pinakagitna nga talaga 'yon. Marunong ata magtarget ang lalaking 'to e. Pero una pa lang 'yan, malay mo machambahan niya lang talaga 'yon.

"Edi wow. Baka may sariling utak 'yung bala kaya siya pumunta sa gitna."

"Sige, 'yan ang paniwalaan mo. Tignan natin." Nginisian niya pa ulit ako bago siya tumira ulit.

Sapul ang gitna.

Gusto ko na talagang mamangha sa kaniya dahil ang galing niyang gumamit ng baril. Kahit na peke lang naman 'yon parang bihasa na talaga siya.

"Pangalawang chamba na 'yan." Sarkastikong sabi niya.

"Edi ikaw na ang magaling. Kapag hindi mo naman nakuha 'yung stitch na 'yon ikaw ang babarilin ko." Pagbabanta ko sa kaniya.

Nalaglag ang panga niya at pabirong hinawakan ang dibdib na animong nabigla dahil sa sinabi ko. Hinawakan ko ang baba niya saka ko sinara ang bibig niya. Baka mapasukan ng langaw.

Napatalon siya ng saktong lumapat ang balat ko sa balat niya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya. Baka nagulat lang siya dahil sa ginawa ko. Tumawa ako, nag-iwas naman siya ng tingin at palihim na ngumiti.

Baliw.

"'Wag mong masyadong pakanganga, papasukan 'yan ng lamok." Pagbibiro ko sa kaniya.

"Ang lamig ng kamay mo!" Reklamo niya sa 'kin.

Inilagay ko sa mukha ko ang mga palad ko. Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi naman malamig ang mga 'yon, pinagpapawisan pa nga dahil sa init.

"Hindi naman ah!" Angal ko. "Pawis nga e, pa'nong naging malamig 'yon?"

"Mero'n namang malamig na pawis." Palusot niya.

"Mero'n ba no'n?"

"Oo."

"We?"

"Yeah... gusto mong may gawin ako sayo para palabasin natin ang malamig na pawis mo?" Inilapit niya bigla ang mukha niya sa mukha ko kaya naman naiatras ko ang isang binti ko pati na rin ang ulo ko.

Bastos.

"A-anong gagawin mo?" Kabadong tanong ko sa kaniya dahil naduduling na ako sa sobrang lapit ng mga mukha namin.

"Heto." Sabi niya, napapikit na lang ako at hinintay ang susunod niyang gagawin.

Aatras na sana ako pero wala akong naramdamang kakaibang nangyari kaya naman unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Namilog ang mga mata ko ng kalabitin niya ang baril.

Sapul ang huling target.

Ngumisi siya saka tumayo ng maayos. Nakahinga ako ng maluwang ng lumayo ang mukha niya sa 'kin. Akala ko kung ano na e. Kinabahan ako ro'n ah. Naniningkit ang mga mata ko ng makitang nakangisi pa rin siya habang nakatingin sa 'kin.

"Siraulo ka! Bakit mo ginawa 'yon?" Nagkanda-utal-utal na ako dahil sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko ngayon.

"Ang alin?" Maang-maangang tanong niya.

"Yon!" Patukoy ko sa biglang paglapit ng mukha niya sa mukha ko.

"Anong 'yon?" Pang-aasar niya pa.

"King ina, kapag hindi ka tumigil masisipa na kita."

"Anong ngang 'yon? Hindi ko naman alam ang tinutukoy mo."

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang