Uy, biyaya.

"Your breakfast." Masungit na sabi niya at inabot ang isang plastic.

Ngumiti ako ng malawak, akala ko pa naman magugutom na talaga ako e. Hindi niya man lang pinakinggan ang pasasalamat ko sa kaniya, tinalikuran niya na ako. Tumayo ako tsaka pumasok sa loob, pagkakaguluhan lang ako ng mga hudlong kapag doon ako kumain.

"Hoy, saan ka pupunta?"

"Bigyan mo naman kami niyan!"

"Heira, penge ako!"

"Magsosolo ka niyan?"

"Hati tayo, Yakie!"

'Yan 'yung sinasabi nung tatlo pero hindi ko na lang sila pinansin. Lumapit ako kay Kio at umupo sa tabi niya para hindi ako malapitan ng mga hudlong. Kumain na lang ako, bahala siyang panoorin ako.

"What are you doing here?" Tanong sa 'kin ni Kio.

"Kakain." Simpleng sagot ko sa kaniya, kita niya namang kumakain ako e, magtatanong pa siya.

"I know—!"

"E bakit ka pa nagtatanong, alam mo naman pala."

"Tsh. Bakit nandito ka sa tabi ko? Ang pangit mo kayang panooring kumain, parang baboy ka!"

"Maka-baboy ka naman d'yan, palagi naman tayong magkasabay kumain e." Sagot ko.

"Palagi nga pero hindi ka naman sa styro kumakain no'n." Nakangiwing sagot niya.

"Hanap mo ako ng plato para hindi ako sa styro kumain. Ikaw kaya ang bumuli sa 'kin nito!" Reklamo ko sa kaniya.

"I don't care. Ayaw pa rin kitang makitang kumain."

"Bakit?" Ngumiti ako ng nakakaloko. "Gusto ko rin bang kumain?" Nakakalokong sabi ko sa kaniya. "Gusto mo?" Inilapit ko sa bibig niya ang kutsara ko.

"No. Kumain na ako kaya 'wag mo akong ganiyanin." Sagot niya at inilalayo ang bibig niya sa kutsara ko.

"Sus, hindi kita nakitang kumain kanina, alam ko rin namang gutom ka rin."

"Sa labas ako kumain, Yakiesha. Ilayo mo sa 'kin ang kutarang 'yan. Kapag ako kumain niyan, uubusin ko 'yan."

"Edi ubusin mo." Paghahamon ko sa kaniya saka ngumisi, nagulat ako ng ibaba niya ang cellphone niya saka niya kinuha ang styro. "Hoy, joke lang 'yon! Akin na 'yan," sabi ko sa kaniya, biro lang 'yon, tinototoo niya naman.

"No. I don't want to. Gutom ako 'diba, edi ako ang kakain. Ikaw ang bahalang magutom ngayon." Sabi niya saka niya binilisan ang pagkain niya.

"Gago naman 'to e! Sa 'kin 'yan e. Binigay mo naman sa 'kin 'yan tapos ikaw ang kumain!" Inis na sabi ko sa kaniya saka ko siya pinaghahampas.

"Fuck, aray! Aray! Tama na! Ang bigat ng kamay mo!" Reklamo niya saka niya binaba ang styro sa lamesa ko. "Ayan sa'yo na. Parang lalaki ka kung manghampas e." Nakangiwing sabi niya at minasahe ang balikat niya.

Tinawanan ko lang siya tsaka ako kumain. Buti na lang dalang styro ng kanin at ulam ang binili niya, baka kulang pa sa 'min 'yung isa. Isa siyang mang-aagaw. Mang-aagaw ng ulam

Mali talaga ang naisip kong inisin ko siya e. Ayan tuloy, nakalahati niya 'yung isa. Binilhan niya pa ako kung siya rin ang kakain no'n. Ngumuso ako, hindi nga pala niya naalala na ngayon ang birthday ko.

Bahala na nga.

"Ang lapad ng nguso mo. Try to hide it, nagmumukha ka talagang baboy ramo." Sambit niya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now