Kung alam ko lang na hindi pala alam nina Trina ang pwede naming kainin ngayon, dapat sana nagdala na lang ako ng mga biscuit, pantawid gutom din 'yon kaysa naman sa hindi ako kumain.

"Ayoko nga." Pagtanggi ni Timber.

"Sasabihin mo o sasapakin kita?"

"O." Sagot niya agad.

Kinamot ko ang ulo ko, ang hirap kausapin ng mabilisan ang mga hudlong na 'to. Kailangan muna ng maraming pasikot-sikot.

"King ina naman ih... kinakausap ka ng maayos tapos o ang isasagot mo, ano 'yon?"

"Oblong."

Akmang tatayo ako para hablutin ko siya pero hinawakan ni Vance ang mga balikat ko at binalik sa pagkakaupo ko. Ang lakas pala ng pwersa ng mga 'to.

"Lumayo-layo ka sa 'kin, Tim. Kung ayaw mong mabungalan ng tatlong ipin." Pagbabanta ko sa kaniya.

Naubos niya na ang kinakain niya, hindi man lang niya ako binigyan tapos ayaw pa niyang sabihin kung saan siya bumili ng gano'n. Kainis naman ih. Kahit clue lang, para silang guard sa may gate, ang hirap pakiusapan.

"Hintayin mo na lang ang niluluto nina Jharylle at Trina." Sabat ni Lucas. "Aalis na rin ang mga gagong 'yon niyan, hayaan mo lang silang magkagulo ngayon." Sabi niya habang natatawa.

"Wait lang kasi! 'Yung sangag niyan masusunog na!" Sigaw ni Trina. "Wag kayong magulo, iiwanan ko kayo rito!" Pagbabanta niya.

Napapikit ako ng mariin dahil sa talim ng boses niya. Tumagos ata 'yon sa eardrums ko. Ang sakit sa tenga. Talaga palang mas lumalakas ang boses niya kapag naiinis siya. Pa'no pa kaya kapag galit na siya? Baka sira na ang mga tenga ko.

"Tulungan mo nga ang mga 'yon, Vance. Kita mo namang nahihirapan na si Trina ro'n, ano kang klaseng boyfriend niyan?!"

Panunumbat ko sa kaniya, wala na siyang ginawa kung hindi ang tumawa ng tumawa ngayon, kinikilig ata ang kili-kili niya e. Takpan ko kaya ng masking tape ang bunganga niya?

"Hayaan mo siya, kaya niya na 'yan."

Ay, gago.

Ngumiwi ako tsaka ko siya inirapan. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil nanggigigil ako ngayon sa kaniya, kapag hindi na humaba ang pasensya ko... matatanggalan ko siya ng pangarap.

'Yung ibang mga babaita tulog pa, pa'no ba naman kasi alas tres na ata kami natulog kagabi dahil hindi raw sila natulog, nagcecellphone na lang sila, bawal mag-ingay dahil tulog na 'yung dalawang teachers na nagbabantay sa 'min.

Hindi rin naman ako makatulog dahil naaalala ko lang 'yung nangyari kapag pumipikit ako. Isama mo pa 'yung sinabi sa 'kin ni Kayden sa may gymnasium na halos maihi ako dahil sa kilabot. Bwisit siya, akala niya ba ayos na kami? Mortal na kaaway ko kaya siya.

"I count how many times you answered sarcastically."

"I count how many times you answered sarcastically."

"I count how many times you answered sarcastically."

Natakpan ko ang dalawa kong tenga dahil sa inis ko. Palagi siyang nasa tabi ko, hindi naman magkatali ang mga bituka naming dalawa pero palagi ko siyang kasama. Anino ko ata siya e.

Edi ikaw na ang marunong magbilang.

Pakialam ko ba kung nabibilang mo ang mga sinasagot kong sarcastic, wala ka namang magagawa dahil sarkastiko akong tao, hindi mo na mababago 'yon. May kumalabit sa 'kin kaya tumingin ako sa likod ko. Si Kio, may dalang pagkain, dalawang styro ng pagkain.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now