Naitago ko ang cellphone ko ng lumapit sa 'kin si Vance at umupo sa tabi ko, tawa-tawa pa siyang pinapanood ang girlfriend niyang nakikipag-gyera sa mga hudlong na walang ginawa kung hindi ang makipagpukpukan ng mga sandok at kawali sa iba.

"Bakit ka nag-iisa rito? Broken ka 'no?" Tanong sa 'kin ni Vance.

Kumunot ang noo ko.

"Kanino naman ako mabobroken e wala naman akong boyfriend?" Sagot ko sa kaniya.

"Sus, pero kanina nakatingin ka sa cellphone mo habang nakangiti tapos nung makita mo 'ko bigla kang sumimangot."

Ngumiwi naman ako. "Ang pangit kasi ng paparating. Ang pangit na nga ng
panahon tapos ang pangit pa ng mukh mo."

"'Yang bunganga mo, Yakie ah!"

"Oh, napano ang bunganga ko?" Panghahamon ko sa kaniya.

"Sumosobra na." Sagot niya, tumawa lang ako ng malakas, 'yung tipong pati mga ugat ng tenga niya dudugo. "...Sumusobra na sa pagkain." Dagdag niya kaya biglang nawala ang mga tawa ko sa labi ko.

"Epal ka rin 'no?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya tsaka ko siya binatukan.

"Aray ko naman! Magkaibigan nga talaga kayo ni Babu."

"Sinong Babu naman?" Tanong ko, baka naman wala pa nga silang isang buwan ni Trina tapos nagloloko na siya. Tatanggalan ko ng kilay ang lalaking 'to kapag ginawa niya 'yon.

"Si Trina 'de Amazona." Sabi niya, parehas kaming tumawa ng malakas habang nakatingin kay Trina na umuusok ang ilong ngayon dahil sa stress niya.

"Mga gago! Alis! Alis! Sa 'kin na 'yang kaldero!" Sigaw niya, trip talaga siya ng mga hudlong e.

Pinapalubutan nila ang lamesa kung sana nakapatong ang stove. Kung na lang magpagkakamalan ko na silang nagtitinda ng fishball tapos 'yung mga nanggugulo ay 'yung mga bumili. Kahit kailan talaga!

"Tinatawa-tawa niyo r'yan?" Tanong ni Timber sa 'min, nakasandal siya sa pader sa isang gilid at may hawak na tinapay.

"Pahingi!" Sabi ko sa kaniya. Gutom na kaya ako, ang aga naming nagising pero anong oras na hindi pa rin kami nakakakin.

"Ayaw ko nga. Bili ka."

"Sa'n mo galing 'yan?" Tanong ko sa kaniya, bukas ang canteen pero wala silang binebentang tinapay, nagluluto lang sila para sa hapunan ng mga estudyante.

Hindi naman kasi kami kasali sa libreng pakain ng B.A.U. gusto nga naming magreklamo pero wala kaming magawa kaya ayan, nagdala kami ng sarili naming pagkain na pwedeng lutuin ngayon. Tanging hapunan lang ang pwede sa 'min.

Napaka-unfair nila. Sarap ipasara. Char.

"Sa labas, binili ko." Sagot niya.

"Luh, pa'no ka nakalabas e nakasara ang gate?"

"Puslit."

"Ha?"

"May pwede kasing daanan dito pwera sa mga gate para makalabas ka." Sabat ni Mavi.

"Saan?" Tanong ko sa kaniya, may pera naman ako, pwede akong lumabas saglit tapos babalik na lang ako kapag nakabili na 'ko.

"Sa..."

"Sa?"

"Secret!" Sagot nilang dalawa at nag-appear-an pa sila.

"May pasecret-secret pa kayong nalalaman, dalian niyo na, gutom na 'ko." Pagpupumilit ko tsaka ako ngumuso.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now