Alam kong... iba ang pinapahiwatig niya sa 'kin. Dati ay indirect siyang umamin sa 'kin, ngayon ko pa lang naalala 'yon. Nung mga panahon na hinalikan niya ako ng ilang beses, alam kong iba na ang nararamdaman niya para sa 'kin.

Hindi ko na lang pinapasok sa utak ko 'yon dahil kahit ako, ayaw ko ring magbago ang pakikitungo namin sa isa't isa dahil ayaw kong mawala ang pagkakaibigan naming dalawa. Takot ako, takot akong... mawalan ng kagaya niya.

♫♪ Goin' out tonight, changes into something red
Her mother doesn't like that kind of dress
Reminds her of the missin' piece of innocence she lost... ♫♪

Mabuti siyang kaibigan sa 'kin. Kahit ako nahihirapan din dahil hindi ko kayang suklian 'yon. Hindi dahil sa hindi pa ako handa, hindi dahil sa may iba akong gusto kundi dahil... ayaw kong mawala ang pagkakaibigan naming dalawa..

Kung papapiliin man ako, kung susuklian ko ang pagkagusto niya o ang pagkakaibigan namin... ang pinagsamahan namin, may gusto ko pa ring isalba ang matagal naming pagkakaibigan.

Makakahanap din siya ng babaeng kaya siyang mahalin, hindi ako ang babaeng 'yon. Hindi ako 'yung babaeng deserve siya. Masyado siyang mabuting tao, no one deserves him even me. Nakakatakot siyang saktan.

♫♪ We're only gettin' older, baby
And I've been thinkin' about it lately
Does it ever drive you crazy
Just how fast the night changes?
Everything that you've ever dreamed of... ♫♪

"Kanina ka pa nakatitig sa kaniya ah, baka naman matunaw na 'yan." Bulong sa 'min ni Eiya.

Parang nasa concert kami ngayon dahil sa dilim ng paligid tapos ang mga palaka este 'yung mga tao sa paligid winagayway pa nila ang mga kamay nila. Sa bagay, kahit sino naman mahuhulog sa magandang mukha ni Asher.

"Hindi ah. Pinapanood ko lang sila." Sagot ko.

"Pinapanood mo lang sila pero parang siya lang ang tao ngayon sa paningin mo.

"'Wag mo ng kwestyunin 'yon, e sa siya lang naman ang kumakanta. Alangang sayo ako tumingin hindi naman ikaw ang lumalaban."

"Palusot pa, Isha."

"Hindi ako nagpapalusot, Eiya." Natatawang sabi ko sa kaniya.

"Ang ganda ng boses niya 'no. Kung si Elijah kaya ang kumanta ng ganiyan, maganda rin kaya ang boses niya?" Tanong niya.

"Edi itanong mo." Sarcastic na sabi ko sa kaniya.

"Sa tingin mo ba?"

Kinamot ko ang sentido ko. "Pagkantahin mo siya para malaman mo."

Pagkabaling ko sa harapan, nagulat ako ng may mainit na hininga sa tenga ko. Alam kong sa katabi ko galing 'yon. Nanindigan ang mga balahibo at kumakawala na ang puso ko sa bilis ng pagpintig no'n.

Bwisit na puso naman 'to!

"I count how many times you answered sarcastically."

♫♪ Disappearing when you wake up
But there's nothing to be afraid of
Even when the night changes... ♫♪

Napalunok naman ako. Palagi ba niyang naririnig ang mga sagot ko? Ang lakas naman ng pandinig ng kumag na 'to? Tsaka bakit ba sobrang lapit siya sa 'kin?

"L-layo ka nga!" Kabadong sabi ko sa kaniya.

"What if I don't want to?" Alam kong nakangisi siya ngayon.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now