"Hulog na hulog na akoooo sayooo!!!"
Ayan ang mga sigawan ng lahat. Ngumiti ako sa kaniya at sinenyasan na mag-umpisa na. Baka mauna pang matapos ang mga hirit ng mga babaeng nasa paligid ko kaysa sa kanta niya. Rinig ko naman ang pag-tsk, nitong katabi ko.
♫♪ Goin' out tonight, changes into something red... Her mother doesn't like that kind of dress... Everything she never had she's showin' off
Drivin' too fast, moon is breakin' through her hair... She's headin' for somethin' that she won't forget
Havin' no regrets is all that she really wants... ♫♪
Napapikit ako nang marinig ko ang boses niya. Si Trina ang tumutugtog ng gitara niya. Ang lamig ng boses niya at sumasabay pa 'yon sa lamig ng paligid. Masyado na siyang nabiyayaan ng mga talento. Ako naman ang bigyan niyo.
Naalala ko 'yung pagiging mabait niya sa 'kin. Siya 'yung hudlong na hindi naman palaging seryoso, hindi rin palaging nakakatawa. Palagi siyang nasa gitna, palagi siyang masayang kausap kahit hindi siya magsabi ng jokes.
Gwapo, maganda ang boses, maganda ang personalidad niya. Wala ka ng hihilingin pa sa kaniya dahil parang nasa kaniya na ang lahat. Kaming mga kaibigan niya nga ang swerte na namin sa kaniya, pa'no pa kaya ang maging ng girlfriend niya, 'diba?
♫♪ We're only gettin' older, baby
And I've been thinkin' about it lately
Does it ever drive you crazy
Just how fast the night changes?
Everything that you've ever dreamed of... Disappearing when you wake up
But there's nothing to be afraid of
Even when the night changes
It will never change me and you... ♫♪
Binuksan ko ang mga mata ko, sa katabi ko 'yon tumama. Kay Kayden, hindi ko alam kung bakit pero para akong nakakahinga ng maluwang kapag nasa tabi ko siya.
Gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang seryoso at nakakatakot niyang mukha. Nakakahinga ako ng maluwang kapag naririnig ko ang mga singhal niya at ang boses niyang palaging pinaglihi sa multo... makapanindig balahibo.
Natawa ako. Ano kaya ang itsura niya kapag sumayaw silang lima? Baka naman pati mga nanonood samaan niya ng tingin. Itong lalaking 'to... maikli ang pasensya niya.
♫♪ Chasing it tonight, doubts are runnin' 'round her head
He's waitin', hides behind a cigarette
Heart is beatin' loud and she doesn't want it to stop... Movin' too fast, moon is lightin' up her skin... She's fallin', doesn't even know it yet
Havin' no regrets is all that she really wants... ♫♪
Nagulat ako ng lumingon siya bigla sa 'kin kaya naman agad akong tumingin sa harapan. Naguilty agad ako ng makita kong nakatingin pala sa 'kin si Asher. Magmula ata kanina sa 'kin na siya nakatingin, nakakailan na ako ah.
Malungkot ang mga mata niya pero nanatili siyang nakangiti. Oo nga naman, siya ang pinunta ko rito tapos sa iba ako nakatingin. Alam kong ayaw niyang makita 'yon. Ang tanga naman kasi ng mga mata ko e!
♫♪ We're only gettin' older, baby
And I've been thinkin' about it lately
Does it ever drive you crazy
Just how fast the night changes?
Everything that you've ever dreamed of... Disappearing when you wake up
But there's nothing to be afraid of
Even when the night changes
It will never change me and you... ♫♪
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 209
Start from the beginning
