May kumalabit sa 'kin kaya naman inis akong lumingon sa likod ko. Si Kio pala 'yon, muntikan ko na siyang masigawan e. Kung makakalabit parang pati buto ko nahihila niya.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

"Let's go out, saglit lang." Sabi niya at agad na tumayo.

"Bakit— hoy! Teka lang!" Sigaw ko sa kaniya kaya naman tumingin ang lahat sa 'kin, napalakas ata.

Anong tumitingin-tingin niyo r'yan?

Ngayon lang ba kayo nakakita ng babaeng sumigaw sa kalagitnaan ng program? Mga chismosang palaka!
Tumayo na rin ako pero hinawakan ni Eiya ang kamay ko.

"Sa'n ka pupunta?" Tanong niya, parang hindi narinig ang sinabi ni Kio kanina.

"Punta pang kami saglit sa labas ni Kio, may sasabihin ata." Sagot ko sa kaniya pero hindi niya pa rin ako binibitawan.

"Pa'no sina Trina? Magtatampo ang mga 'yon kapag hindi ka nakapanood." Sabi niya.

"Babalik din ako kaagad. Malakas naman ang boses no'n kaya maririnig ko." Biro ko sa kaniya, binitawan niya ako kaya naman agad akong tumakbo paalis ng lugar na 'yon.

Inaasahan din ako ni Asher na manood ka sa kaniya kaya hindi ko pwedeng biguin ang dalawa kong kaibigan. Bago ko pa narinig ang pangalan nung guest speaker ay nakalabas na 'ko ng gymnasium.

Agad hinanap ng mata ko ang kapatid ko. Nando'n siya sa may puno, malapit lang naman kaya makikina mo ang liwanag do'n. Lumapit ako sa kaniya.

"Bakit? May sasabihin ka ba?" Tanong ko sa kaniya bago humikab ulit. May namumuo ng tubig sa mga mata ko dahil sa kakahikab ko.

"Dito muna tayo. Don't go inside first."

"Bakit naman?" Takang tanong ko sa kaniya.

Nag-iwas siya ng tingin. Nakasandal siya sa puno at nakapamulsa pa. Ang tagal niyang sumagot, parang may iniisip pa.

"Because I said so. D'yan ka muna, the contestants' battle has not yet begun."

"Oo nga, pero mag-uumpisa na rin niyan, kailangan kong mapanood sina Trina."

"We're on the last section. Kaya mamaya pa niyan sila, maiinip ka lang doon." Sagot niya sa 'kin.

Tumango ako. "Sabagay, inaantok na nga ako e. Pinilit lang nila akong manood."

"Why don't you sleep? I'll just record a video of their performance and then you can watch it tomorrow." Alok niya sa 'kin pero agad din akong umiling.

"Ayaw niya, gusto niya buo kami kapag kumanta na siya. Isa pa, inaasahan din ako ni Asher na nando'n kapag sila na ang lalaban." Sabi ko sa kaniya. Umupo ako sa damuhan, malinis naman dito.

"Okay..." Pagsuko niya. "Pero mamaya ka na pumasok, mamaya na lang kapag sila na ang... kumanta." Bulong niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kanina niya pa ako pinipigilan na pumasok sa loob. Narinig ko na may kumakanta na ngayon pero hindi ko alam kung sino. Curious tuloy ako kung maganda rin ba ang mga boses nila gaya nung dalawa.

"Bakit?" Tanong ko, kanina pa ako bakit ng bakit dito, nilalamok na rin ako. "Takot ka lang niyan na mag-isa rito e. Ayaw mo pang aminin." Pang-aasar ko sa kaniya.

"Of course not!" Agad na angal niya.

"E bakit ayaw mo akong papasukin? Sige papasok na 'ko." Akmang tatayo na ako pero hinawakan niya ang magkabilang balikat ko atsaka niya ako pinaupo ulit.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now