"To begin this program, we are pleased to have Dean Kristoff Lucencio, to deliver the opening Remarks."
Tumayo naman si Dean Lucencio, siya 'yung dean na nagpadala sa 'min sa Twenty-third Section, siya ang dahilan kung bakit kami nagkakilala-kila ng mga hudlong na 'to. Siya 'yung dean na naging dahilan
kung bakit naging memorable ang pagpasok ko rito sa B.A.U.
"Isha... ang bigat ng ulo mo." Reklamo ni Eiya at pilit na inaalis ang ulo ko sa balikat niya.
"Hayaan mo na, mamaya aalisin ko rin." Sabi ko sa kaniya.
"Sumama ka pa rito kung inaantok ka rin naman." Parinig ni Kayden.
Hindi ko siya pinansin. Sinong kausap niya sa harapan? May kasama ba siyang kaluluwa kaya may kausap siya ngayon? O baka naman may imaginary friend siya.
"Hindi mo pa rin siya kinakausap?" Tanong ni Eiya kaya naman naiangat ko ang ulo ko at kunot-noong tumingin sa kaniya.
Mukhang nahalata niya naman na nagtataka ako kung sino ang tinutukoy niya kaya naman nginuso niya ang nasa likuran ko, unti-unti kong nilingon 'yon. Napahawak ako sa dibdib ko at parang nawala ang kaluluwa ko ng magtama ang paningin namin ni Kulapo.
Putangina, kanina lang nakatingin siya sa harapan tapos ngayon dito na siya nakatingin? Pinagtitripan ata ako ng kumag na 'to e. Ang sarap niyang sapakin ngayon din. Hayop naman kasi! Bakit ba bumibilis ang pagtibok ng puso ko kapag nasa tabi ko siya?
Binalik ko ang tingin ko kay Eiya. "Hindi naman, hindi niya naman ako kinakausap e bakit ko naman siya kakausapin?" Sarkastikong sabi ko, wala akong pakialam kung nandito ang hari ng mga sarkastiko, pakialam ko ba sa sinabi niya.
"Bakit naman? Luh, nung isang araw kinakausap ka niya pero deadma ka lang, 'yung totoo?" Nanghihinalang tanong niya sa 'kin.
"Hindi ko naman narinig, alam mo naman na mahina ang pandinig ko." Palusot ko sa kaniya.
"Sus, ang sabihin mo, pakipot ka lang, may namamagitan na sa inyo 'no? LQ?"
Inis ko siyang tinignan, kinamot ko ng marahas ang ulo ko, magulo na niyan ang buhok ko. Salubong ang mga kilay ko kaya naman pinindot niya ang pagitan ng mga 'yon para mapaghiwalay.
"Ano nananamang sinasabi mo r'yan?" Tanong ko sa kaniya.
"Wala lang, naisip ko lang naman. Bagay naman kayo e. Baka naman may LQ kaya naman hindi kayo nag-uusap."
Ngumuso ako. "LQ?"
"Duh! Tumanda ka ng 17 years tapos hindi mo alam ang ibig sabihin no'n?"
"Hindi." Pilosopong sagot ko sa kaniya.
"Lover's quarrel!"
"Ah..." Tumango ako. "Pake ko?" Pambabara ko sa kaniya.
Inambahan niya ako ng batok pero nakaiwas ako, 'yun nga lang tumama ang likod ng ulo ko sa mukha ni Kayden dahil sa pag-atras ko. Narinig ko ang bigla niyang pag-aray.
Tiningala ko siya at ang sama ng mukha niya habang hawak pa ang ilong, mukhang nadali ko ata ang matangos niyang ilong ah. Umayos na lang ako ng upo atsaka tumingin sa kaniya. Patay malisya ang ate niyo.
"It seems like everyone looks sleepy, I would like to invite here at the stage, The Academic Coordinator of College of Engineering, Prof. Ariel Nogran to introduce our guest speaker for this evening." 'Yon ang narinig ko mula sa mga emcee kaya naman tinutuok ko na lang ult ang atensiyon ko sa kanila.
May lalaking nagsalita pero parang inuulit-ulit niya lang ang sinabi kanina nung emcee. Puro daldal lang naman ang sinabi at pangungumusta.
"Good evening everyone, It's my pleasure to introduce our guest speaker blah blah blah blah."
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 208
Start from the beginning
