"Lahat tayo pupunta ro'n, mamaya ka na matulog." Sabi ni Eiya.
"Don't sleep here alone dahil sabi nila may gumagala raw na kaluluwa rito kapag ganitong oras." Pananakot ni Alzhane.
Hindi na sana ako maniniwala pero biglang umihip ang malamig na hangin at dumampi 'yon sa balat ko, nagsitaasan ang mga balahibo ko. Hindi kaya... may totoong multo rito?
Agad akong lumabas sa sleeping bag ko atsaka tumayo na. Nakita ko naman ang palihim na pagngiti nung mga babaita kaya naman napangiwi na lang ako. Talagang napilit nila ako e 'no? Pinagtutulungan nila ako.
"Tara na, manonood na tayo." Sabi ko sa kanila.
Pinusuran ko na lang ang buhok ko, 'yung messy bun, hindi ako marunong magpusod ng maayos, nabubuhaghag lang ulit. Lumabas kami ng room, dumeretso kami sa gymnasium kung saan gaganapin ang program.
Nasa dulo ang pwesto namin dahil may sari-sarili kaming mga upuan, sa dulo sa itaas kami. Talagang nilagay nila kami ro'n 'no, wala kaming katabi halos nasa ibaba na sila at kitang-kita ang mga nagpeperform.
"Sige baba na ako ro'n, tinatawag na ang mga contestants." Paalam ni Trina.
"Kaya mo 'yan! Fighting!" Sabi naman sa kaniya with matching actions pa.
Tinawanan niya lang kami tsaka siya kumaway. Ang ganda ng babaeng 'yon ngayon, talagang pinaganda siya ni Vance. Kung ang ibang lalaki hindi hinayaan ang mga girlfriend nila na magmake-up kasi raw baka maagaw ng iba ang atensyon niya, pwes si Vance hindi.
Siya 'yung tipo ng lalaki na tutulungan ka pang magpaganda dahil maganda ka naman talaga, dinadagdagan niya lang. Nakikita ko sa kaniya na maalaga siya kay Trina kahit na palagi silang naghahampasan dalawa, wala namang nagbago sa kanilang dalawa, palagi pa rin silang nagbabarahan.
Nakita kong nasa ibaba na rin si Asher at nakatingin sa gawi namin. Ngumiti ako sa kaniya na agad naman niyang napansin 'yon kaya ngumiti siya pabalik. Nagthumbs up ako at nagsabi ng 'goodluck.'
Biglang umingay ang paligid kaya alam kong papunta na rin ang mga hudlong dito sa gawi namin. Pilabutan nila kami, kami ng mga babaita ang nasa gitna nilang lahat, nagulat ko ng biglang tumabi sa 'kin si Kayden ng walang pasabi.
Pabagsak siyang umupo, napansin ko lang na hindi siya nakasando ngayon. Nakaitim siyang jacket at suot pa niya ang hoodie no'n. Nasa harap ang tingin niya pero ang dilim ng mga mata niya kaya siguro walang gustong mambiro sa kaniya ngayon.
"Good evening ladies and gentlemen," panimula ni Sir Mark, siya 'yung naging emcee rin dati.
"...What a wonderful day, today is the first day of our foundation day. it is my pleasure to be an emcee for this program. I'm Sir Mark Lovato," pakilala niya, sumunod naman 'yung isa pa. " And I'm Ma'am Celine Altair and On behalf of Brently Autria University, I would like to extend a very warm welcome to all of you. We appreciate you taking time off your busy schedules to join us today. We hope you will learn a lot today, we have lined-up for you to be fruitful and engaging." Sabi nilang dalawa kaya halos wala naman kaming maintindihan sa mga sinasabi nila.
"May I invite everyone to invoke the Almighty, Ladies and gentleman. May I request all of you to stand for invocation and national anthem.We would like to start this program a prayer and followed by the National anthem, please All rise respected professors and to my dear students.."
Lahat naman kami tumayo at sumunod sa gusto nila, pagkatapos ng opening prayer, sumunod naman ang National Anthem. Agad na rin naman kaming umupo pagkatapos no'n. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Eiya at humikab.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 208
Start from the beginning
