Si Trina naman, sinusuklayan siya ni Vance. Si Vance pa mismo ang naglalagay ng make-up niya ngayon para maganda raw siyang tignan mamayang kakanta siya. Namangha na lang talaga ako sa kaniya dahil sa gaan ng kamay niya at parang sanay na sanay pa siya.
Siguro dati siyang make-up artist... sa purinarya.
Ngayon ko lang napatunayan na masyadong nakakadala ang pag-ibig kaya naman nakumbinsi ni Trina na gawin ni Vance ang mga pinapanood nila sa Youtube, para naman daw memorable ang araw na 'to at para maganda raw ang laban mamaya.
Si Eiya naman, ayun inaasar si Elijah na kesyo mukha raw siyang bakla kung hindi lang daw siya masyadong seryoso. Kahit ako natatawa sa kaniya, minsan ang lakas ng topak ng kaibigan ko e. Si Elijah lang talaga ang nakakatiis sa pabago-bagong ugali niya.
Hindi ko alam kung ano na ba ang namamagitan sa kanilang dalawa. Sabi ni Eiya nanliligaw pa rin si Elijah sa kaniya pero kung umasta akala mo jowa na e. Walang label pero may feelings.
Ngayon, hinihintay ko na lang si Aiden na makipag-ayos at makipagbalikan kay Lizainne para naman happy-happy na ang lahat. Kaya ko namang tiisin lahat ng kapaitan, ayos lang naman sa 'kin. Wala pa akong balak.
Napapalibutan ako ng mga nag-iibigan. Ilang beses ba silang pinana ni Kupido at ganito sila kaclose ngayon? Hindi lang pala sila close, sila na pala talaga. Kung papanain man ako ni Kupido, sana maayos ang panain niya, 'wag 'yung kagaya ni Kayden, mahihirapan ako sa kaniya.
Ako na lang talaga ang taga-nood nila. Ako na rin ang photographer nila, napapangiti na lang ako. Kahit na minsan sinasabi ko na ayaw ko sa mga relasyon nila, biro ko lang 'yon dahil alam ko namang maayos ang mga taong napili ng mga kaibigan ko.
Ako na lang ang sasapak sa mga hudlong kung saktan man nila ang mga babaita. Syempre mga dyamante sila tapos basta na lang sila sasaktan na para isang bato lang? Sapakan na lang.
Maayos naman ang mga hudlong pero syempre, nabandal na ako sa personalidad ni Jharylle. Siya iba-iba ang mga nagiging babae niya e. Bahala sila, mahahanap niya rin ang karma niya.
Tumayo ako at pumunta saglit sa labas para magpahangin. Sumandal ako sa mga railings at tinignan ang paligid. Maggagabi na at rinig ko na ang mga nag-iingayang kuliglig.
Nakabukas din ang mga ilaw ng mga room, siguro nag-aayos din sila. Bukas bubuksan na nila ang mga booths para sa mga games. Pwede akong maglaro sa mga gano'n kaya nga humingi ako ng extra allowance kina mommy e.
Kung maubusan man ako, nandito naman si Kio. Siguradong bibigyan naman niya ako e. Kakaayos lang namin pero hindi ako nagte-take-advantage sa kaniya, sanay lang talaga ako.
Dahil nung mga araw na nasa New York siya at kailangan ko ng baon sa kaniya ako humingi, hindi naman ako gagastos kung hindi kailangan pero syempre iba na 'to, foundation day e.
Pwede naman siguro akong magsaya kahit saglit lang 'no. Gagastos ako para maglaro at magliwaliw kasama ang mga kaklase ko. Ngayon lang naman 'to kaya lulubus-lubusin ko na 'to.
"Why are you here?"
Gulat akong napatingin sa nagsalita. Akala ko multo na e. Ang aga pa naman para magsilabasan ang mga kaluluwa ngayon.
"E ikaw, bakit ka naman nandito?" Balik na tanong ko sa kaniya.
"To get some fresh air." Sagot niya tsaka tumabi sa 'kin.
"Alam mo, Adi. Gabi na, hindi naman madaling araw para lumanghap ka ng fresh air. Puro hamog na lang ang malalanghap mo ngayon." Sagot ko sa kaniya pero ang totoo, gano'n din naman ang pinunta ko rito.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 207
Start from the beginning
